Kabanata 4
"Wala na akong makakwentuhan kapag breaktime." maktol na sabi ni Aya isa sa mga naging malapit sa akin.
"Oo nga, Ice. Pero ayos na rin yun, makakasama mo na ang yung hubby sa kabilang kompanya." singit pa ng isa kong katrabaho. Kasalukuyan akong naglalagay ng ilang gamit sa isang kahon. Bukas na ako lilipat sa kompanya ni Rashier. Nanatili pa din ang kaba sa aking nararamdaman. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. May kutob akong hindi maganda.
"Labas tayo treat ko!" hindi pa man ako tuluyang nakakatapos sa paglalagay ng aking gamit ay hinila na nila ako. Napailing na lang ako.
"Wait! Hindi pa ako tapos!" sigaw ko ng tuluyan na nila akong kaladkarin palabas ng opisina.
"Kami na bahala sa gamit mo." sabi ni Aya. Basta libre mabilis sila.
"Kami pa magdadala sa kompanya ni Mr. Laxamana" sabat ni Josh habang itinulak ako sa loob ng elevator.
"Okay fine!" sabi ko habang nakataas na ang dalawang kamay. Naghiyawan pa sila kaya mabilis ko din pinatigil dahil baka mapagalitan pa kami.
Isang sasakyan lang gamit namin. Hindi na sila mapigilan sa pagkanta habang papunta kami sa isang bar. Pinilit ko silang sa isang restaurant na lamang kami pero mas gusto daw nila sa bar. Isang buwan na daw silang hindi nakakaamoy at nakakatikim ng alak. Hindi naman ako kumbinsido. Hindi naman ako baguhan sa bar. Minsan na rin akong nakapunta dito kasama ang ilang kaklase ko noong kolehiyo. At ang huling punta ko nga dito ay noong pagkatapos ng graduation ko. Naglabas ng sama ng loob dahil hindi man lang dumating ang aking ama sa mismong araw ng pagtanggap ko diploma. Mabuti na lamang ay andun ang kapatid ko. Sya ang kasama ko sa pangtanggap nito. Halos ipagsigawan nya pa may kapatid syang Cumlaude.
"Sumabay ka naman sa amin, Ice." sigaw ni Brent sa bandang kanan ko. Gusto ko na ngang lumipat ng pwesto ko dahil makakasira ng eardrum ang kanyang boses.
Sumalubong sa amin ang maingay na tugtog sa loob ng bar. Usok na kumakalat sa lugar. Halos maubo pa ako ng kaunti. Naninibago siguro.
Dumiretso na kami sa nakareserve na lugar sa amin. Ang mga lalaki naming kasama ay abala na sa pagha-hunting ng mga magagandang babae. Ilang saglit pa ay dumating na drinks na inorder nila. I'm not familiar with the names of the drinks. Hindi naman kasi ako madalas dito.
"Kampai!" sabay-sabay naming itinaas ang kanya-kanya naming baso. Halos masuka ako sa pagdaloy nito sa aking lalamunan. Agad din naman iyong naalis ng mga sumunod na baso.
Unti-unti ng nawawala ang aking mga kasama ko dahil sa dancefloor na ang mga ito. Most of the boys are playing, sa mga babaeng nabingwit nila. Matinik talaga ang mga ito babae.
"Let's dance, Ice!" akit sa akin ni Sahera. Umiling ako, I'm not good in dancing. Kaliwa ang mga paa ako.
"KJ ka Ice! Aalis kana nga lang lahat, ayaw mo pa kaming samahan!" medyo lumalakas ang boses ni Aya dahil sa lakas ng tugtog.
"No I'm not! Parehas kaliwa lang talaga ang paa ko." paliwanag ko. Nagtinginan sila bago tuluyan akong hinila. Wala na akong nagawa.
Naging wild ang dalawa kong kasama. Halos ako naman ay hindi alam ang gagawin. Sa lahat ata ng pinag-aralan ko nung college tanging pagsayaw ang hindi ko natutunan.
"Ice! Move." sigaw nila sa akin. Umiling ako bilang sagot. Tangkain ko mang umalis ay mabilis nila akong nahaharangan. Gusto ko talagang bawiin ang panlilibre ko sa kanila. Ipapahiya pa nila ako.
Tumagal kami ng ilang minuto hanggang mapatingin ako sa ikalawang palapag ng bar. Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng magsalubong ang aming mga mata. He's wearing his white polo. Matiim syang nakatingin sa akin. Parang biglang nilamig ang buo kong katawan.
BINABASA MO ANG
Hurtful Love with Rashier Laxamana
RomanceFilipino/English novel Laxamana Series #1 Icezren Shyre Amistoso decided to marry a man named Rashier Laxamana to make her father's proud. She's intelligent and beautiful but she failed to find a man who love her back fully. Kaya naman ng maikasal s...