Kabanata 11

112 7 1
                                    

Kabanata 11

Tatlong oras pa ang tinagal ko sa loob ng library ni Rashier. Pinahatid nya pa kay Nana Ester ang isang katirbang papeles para review-hin ko.

Talagang dinala nya pa ang trabaho ko dito sa bahay namin.

Napapangiwi ako sa tuwing nadadampian ko ang sugat kong labi. Mabilis ko itong tiningnan sa salamin matapos akong halikan ni Rashier at talagang kitang kita ang sugat nito. Paano nya nagawa iyon ng hindi ko man lang nararamdaman? Masyado ba akong naakit sa kanyang mga halik kaya hindi ko namalayan na nasasaktan na pala ako?

Sunod-sunod na katok ang pumukaw sa aking pag-iisip. Napabuntong hininga ako upang salubungin sya. Tagal din nyang nawala ha?

"Anak, ikaw ay kumain na. Mukhang hindi ka aalukin ng asawa mo na kumain." iyan ang sabi ni Nana Ester ng makita ko syang dala ang tray pinggan na may lamang pagkain, isang basong juice at gatas.

"Kumain na po ba si Rashier?" balik kong tanong dito.

"Kanina pa, malamang ay natutulog na iyon." paliwanag nya sa akin. Agad akong nanlambot sa aking narinig. Hindi man ako nito punagkaabalahang ipatawag para sabay kaming kumain.

Tinanggap ko na lang ang tray ay inilapag iyon sa bakanteng lamesa, hindi na din nagtagal si Nana Ester dahil siya ay napapagod.

"Thank you po. Pwede na po kayong magpahinga, ako na lang po maghuhugad nito." hindi na sya tumanggi dahil hinatid ko pa sya mismo sa kanyang silid. Sinabihan nya pa akong hindi na naman daw kailangan na ihatid sya.

Three folders left. Kaunting oras na lang ay matatapos ko na siguro ito. Nililibang ko ang sarili ko sa simpleng paglalakad pabalik balik sa aking pwesto para labanan ang antok. Nakailang tasang kape na rin ako.

Lahat ng folder ay nakakalat sa lamesa. Pabalik-balik ang atensyon ko sa laptop at sa mga papel. Nagsisisi na akong nakita nya pa kami na nasa ganung posisyon ni Xavier. Napurwisyo tuloy ang oras na dapat ay natutulog ako.

Masakit ang aking mata ng magising ako. Marahan pa akong napahikab ng tuluyan ko ng maalala na hindi ko pa natatapos ang isang folder dahil hindi na talaga kaya ng aking mga mata pati ang utak ko ay hindi na din nagana, kaya nagpasya akong magpahinga ngunit di ko naman inaakala na aabot hanggang maga ang aking tulog na ginawa.

Shit! What time is it?

Madali kong tinakbo ang pintuan ng makita ko ang oras.

Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng tuluyan na akong makalabas. Madilim agad na pares ng mga mata ang sumalubong sa akin. Kalalabas lang ni Rashier sa kanyang kwarto habang bahagya pang inaayos ang kanyang necktie.

"I hope you'll finished the files that I needed." malamig nyang sabi hindi man lang inabala na batiin ako. Ano pa ba ang aasahan ko?

Pinasadahan nya ng tingin ang aking mukha pababa sa aking mga labi.

"I-Im sorry, Rashier. May isa pa akong hindi natatapos." nangingilig ako sa pagsasabi noon. Hindi ko na binalak na magpaliwanag dahil alam kong hindi din naman nya pakikinggan. Himala na nga lang kung mangyayari iyon.

Tumikhim pa sya bago naglakad upang lampasan ako. I was expecting that he shouted me, but he didn't.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Ito na ba ang umpisa para maging mabait sya sa akin? I hope so.

Hinakbang ko na ang paa ko ng maramdaman ko ang pagtigil ng kanyang mga yapak.

"I'm sorry about your lips. Next time please read some articles or facts on how to kiss." agad akong nagulat sa kanyang sinabi. Lumapat ang aking daliri sa aking labi na sugat pa din hanggang ngayon.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon