Kabanata 12

114 6 0
                                    

Kabanata 12

Sinalubong ako ng kunot na noo ni daddy ng makita nya akong papasok sa aming sala. Hindi ko alam kong anong ginawa ko na namang mali. Hindi na ako nagtaka. Kailan ba naging tama ang ginawa ko?

Tinangka kong abutin sya para humalik o kaya ay yumakap pero mabilis nya akong tinalikuran. Tuluyan na syang naglakad papasok ng hindi man lang ako kinamusta. Napabuntong hininga na lang ako.

"It's okay, Ate." sabi ni Gio habang tinatapik ang aking balikat. Ngumiti na lamang ako.

Naglakad kami papasok saloob ng aming dinning area. Nakaupo na sa kabisera ang aking ama habang sa kanan nito ang aking asawa. I didn't know that he is already arrived. Hindi man lang nya pinaalam sa akin na dito pala sya didiretso.

May mga tinapos pa akong papeles sa kompanya at sinamahan ko pa si Xavier sa isang department para i-guide sya. Malamang ito ang dahilan kung bakit nakakunot noo na naman ang aking ama. Baka nagsumbong na naman lang aking asawa.

Naupo ako sa katapat ni Rashier. Madilim lagi ang kanyang mga tingin. Dapat ay masanay na ako. Sa apat buwan namin pagsasama ay madalas ko na iyong makita. Madilim na mga mata at malamig na aura.

Napabuntong-hininga na lang ako sa aking naalala. Apat na buwan ang nakalipas at tuluyan ng mawawalan ng bisa ang aming kasal.

"I can provide your raw materials, Dad." sabi ni Rashier habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Sa unang pagkakataon ay dito ko unang narinig na tawagin nya ng Dad ang aking ama.

"Since we are partners, there's no problem about that. Basta alam mo ang kalakaran walang magiging problema." dagdag nya pa. Napapatigil ako sa aking pagkain dahil hindi ko maiwasang hindi humanga sa galing nyang magsalita. The formality of his voice, mas lalo akong nahuhulog doon. Hindi na bago, he is known as one of the famous business tycoons in our country.

"Walang magiging problema, Rashier. Almost half of our company is yours." paninigurado ng aking ama.

He's right, kalahati ng aming kompanya ay pag-aari ni Rashier. Mula ng maikasal kami ay mabilis umusad ang aming kompanya lalo na sa Asya. Nakikilala sa ilang bansa ang iba't ibang furnitures na produkto ng aming kompanya dahil kay Rashier. He is the monster when it comes to business world, kaya hindi na nakakapagtaka na kahit ang aming business ay umunlad dahil sa kanyang pangalan. Mabilis ang aming paglalabas ng produkto sa bansa dahil sa business ni Rashier. He owned a port and crueship, na ang kadalasang sumasakay ay mga bilyonaryong tao dito sa Pilipinas at maging sa Asya. He provide a cargo ship para makalabas ang aming produkto.

Mabilis na natapos ang aming pagkain. Hindi naawat ang kanilang usapan ng aking ama. Nagpasya akong sa aming hardin na lang muna ako, habang hinihintay silang matapos sa pag-uusap. Kahit si Gio ay nakisali na rin. He's smart kaya hindi na ako magtataka kung mabilis nyang maintindihan ang topic nila daddy.

Lumipas ang mga oras at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila natatapos. So, I decided na makinig na lang sa kanilang usapan.

I sat beside Gio. Tumama ang tingin ni Rashier sa akin ng makita nya akong umupo. Tumungo na lang ako na parang may kasalanan na naman akong nagawa.

"Mapapabilis ang pagdating ng materyales kapag nasa Arkansa ako." yan ang paninigurado ni Rashier sa aking ama. Arkansa kung saan may malawak silang lupain.

"Ice, please go with your husband." napatingin ako sa aking ama. Hindi ko alam ang aking isasagot. Alam kong ayaw akong kasama ni Rashier. Paano ako magsisinungaling? Nangapa ako ng sasabihin upang hindi ako makasama sa kanya doon. Dahil paniguradong malamig na pakikitungo lamang ang ibibigay nya sa akin. Hindi ko ata kakayahin, atleast dito kahit ganun sya ay may nakakausap ako. Si Haira o kaya ay si Xavier.

Hurtful Love with Rashier LaxamanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon