Chapter 59: I love you

4K 91 11
                                    

AIDEN'S P.O.V.

"Kamusta naman ang exams mo?"

Napatingin naman ako kay Alfred ng tanungin niya ako. Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot dahil duon namin kikitain sina Diego.

"Nasagutan ko naman" sagot ko

"Sabagay... imposible naman kung babagsak ka." ngiting sabi ni Alfred. Nginitian ko naman siya ng tipid. "Cheer up Aiden. Magiging maayos den ang lahat." sabi niya at hinawakan ako sa balikat.

Tumango naman ako. Nang makarating kami sa parking lot ay nakita agad namin sina Diego.

"YOW!" bati ni Alfred kaya napatingin silang lahat sa amin. Tinanguhan naman nila kami.

Napatingin kami kyay Hunter ng sumigaw siya.

"SA WAKAS!" sigaw niya

"Nasagutan mo naman ba?" taas ang isang kilay na sabi ni Bryle.

"Oo naman!" mayabang na sabi ni Hunter.

"Naks naman ahahahah" tawa ni Jaycee at Elijah.

"Psh nasagutan lang naman ehh di ko pa sure kung tama hehe" ngiting sabi niya kaya napasimangot kami.

"Pag kayo hindi naka graduate kakaltukan ko kayo ah" simangot na sabi ni Diego.

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa namin.

Kailangan nilang siguraduhin na makakapasa sila para sabay sabay silang gra graduate.

'RIIINNNNNGGGGG'

Napatingin ang lahat kay Hunter ng mag ring yung phone niya. Lumayo siya ng konti bago sinagot yon.

"Kamusta exams?" tanong sa akin ni Diego.

"Ayos lang naman. Yung iyo ba-"

"WHAT!!!"

Agad kaming napatingin kay Hunter ng bigla siyang sumigaw. Halata sa mukha niya ang pagkabigla. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

"SIGURADO KA BA DYAN??" sigaw ulit niya.

"H-Hoy Hunter! Anong n-nangyari sayo?" tanong ni Billy na mukhang kinabahan den.

"CGE CGE PAPUNTA NA KAMI" sabi niya at pinatay na yung tawag.

"Anong nangyari?" takang tanong ni Bryle.

"Si Pinuno!" sigaw niya

Mas lalo akong kinabahan ng marining ko ang sinabi niya.

"A-Anong meron kay Pinuno-"

Hindi na natapos ni Jaycee yung sinasabi niya ng magsalita si Hunter.

"Gising na siya"

Parang huminto yung paligid ko. Hindi ko alam ang magigisng reaksyon ko. Naiiyak ako na natutuwa na kinakabahan.

"Let's go!" agad na sabi ni Diego.

Agad agad kaming sumakay ng kotse at dumiretso sa hospital.

Pasalamat nalang kami at walang traffic kaya nakarating agad kami sa hospital. Agad kaming nag park at dumiretso agad kami sa kwarto ni Red.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay agad kaming pumasok. Napatitig kami sa mga doctor na pinapalibutan si Red. May lumapit naman sa amin na nurse.

"Excuse me po. Hindi pa po kayo pwedeng pumasok dahil sa ngayon ay chine check pa po nila ang kalagayan ng pasyente." seryosong sabi nung nurse na mukhang masungit.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon