Chapter 52: Trap

3.2K 80 5
                                    

RED'S P.O.V.

"Urggg"
"Arrgg"

"Hindi niyo matatalo si-" hindi na niya natapos yung sasabihin niya ng sikmuraan ko siya at hinawakan sa buhok at inuntog yung ulo niya sa bench na nasa tabi.

Napatingin ako sa paligid. Bakit parang nandito lahat sila sa labas?

"Pinuno hindi sila nauubos. Mauna ka na sa loob at iligtas mo na si Tita. Kami na bahala sa kanila." seryosong sabi ni Billy.

"Are you sure?" seryosong sabi ko.

"Yep! Tsaka hindi naman sila ganon kalalakas hehe" mayabang na sabi niya at nakipag suntukan nanaman.

Sumipol ako kaya napatingin sa akin yung Killer Nights. Sumenyas ako na papasok ako sa loob. Mukhang na gets naman agad nila yon kaya tumango tango sila habang nakikipag bakbakan.

May papasugod sana sa akin pero hinarangan sila ni Natsuki at Natsu.

Tumakbo na ako papasok. Napahinto ako ng maramdamang may nakasunod sa akin.

"Hindi mo na kailangan pang sumunod" malamig na sabi ko.

"I know" seryosong sagot niya

Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Wala na akong magagawa dahil kailangan na namin mailigtas si Tita.

Nang makapasok kami sa loob ng lumang pagawaan ng kotse.

"Bakit walang tao?" takang sabi ni Diego.

Hindi ko siya sinagot at pinakiramdaman ang paligid.

Tahimik...

Masyadong tahimik

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang may hindi tama.

"Umalis na tayo Diego" seryosong sabi ko

"Huh?" takang sabi niya

"Tara dalian mo" sabi ko at tumakbo papalabas

Pero bago pa kami makalabas ay mabilis na sumara lahat ng pinto. Sinubukan namin buksan pero hindi namin mabuksan. It's a trap.

Sht hindi kami umabot

"HAHAHAHA WHAT A STUPID MOVE RED. PARANG HINDI MO NAMAN AKO KILALA" rinig kong sabi ng hayop na yon.

"HINDI AKO NAKIKIPAG LARO SAYO! ILABAS MO NA SI TITA! WALA SIYANG KINALAMAN SA GULO NATIN!" inis na sigaw ko.

"Red" rinig kong sabi ni Deigo

Napatingin naman ako kay Diego na medyo namumutla.

"Are you okay?" alalang sabi ko.

"May naamoy ako Red. C-Cover your n-nose" sabi niya at bigla nalang natumba.

"Diego! Wake up" yugyog ko sa kanya.

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng hilo.

"W-Wake up" nanghihinang sabi ko

Then everything turns black.

BILLY'S P.O.V.

"ANAK NG MGA KABUTE! BAKIT BA HINDI NAUUBOS TONG MGA HINAYUPAK NA TOH" inis na sabi ni Hunter at gigil na sinapak yung sumugod nanaman sa kanya.

"THEY KEEP ON COMING! BAKA MARAMI DEN YUNG NASA LOOB! KAKAYANIN BA YUN NINA PINUNO TSAKA DIEGO?" alalang sabi ni Bryle.

"Sus dun sa dalawang yun ka pa nag-alala ahh haha" tatawa tawang sabi ni Jaycee habang inuupakan yung sinuntok siya sa likod na mukhang wala namang epekto.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon