Chapter 37: Palawan

4.4K 110 3
                                    

RED'S P.O.V.

'Knock Knock'

"Come in" sabi ko habang nakaupo sa kama at nanonood.

Pumasok naman si Tatay Kaloy.

"Nandyan na silang lahat sa labas young lady" ngiting sabi niya.

"Thank you. Bababa na ako." tango ko at pinatay na ang t.v.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Nasa baba naman na ang maleta ko na maliit lang naman.

"Isasakay ko na po itoh sa kotse ni Sir Diego?" tanong sa akin ni Tatay Kaloy.

"Ako na po ang bahala dyan Tatay Kaloy. Mag ingat po kayo dito." sabi ko at kinuha kay tatay Kaloy ang maleta at hinila ito.

Pagkalabas ko ay bumungad sila sa akin na nagtatawanan. Napatingin sila sa akin.

"Good Morning Pinuno!" masayang bati nila na kumaway pa.

Tumango lang ako. Kasama rin namin sina Gilbert. Napatingin ako kay Aiden na mukhang malungkot.

Kinuha naman ni Diego ang maleta ko at nilagay sa may kotse niya.

Nilapitan ako ni Aiden.

"Hi Baby. Goodmorning tara na" matamlay na sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Pumasok na kami sa loob. Magkatabi kami sa unahan at yung iba ay nasa likod except kay Diego na nagdra drive at kay Billy na katabi niya.

"Si Pinuno lang ang babae haha ingatan natin yan!" chuckle na sabi ni Jay.

"Sila kamo ang mag ingat haha" tawa ni Bryle

"Wala ka atang dalang babae Hunter?" tanong ni Natsu.

"Tsk kayo muna ang uunahin ko nohh" sabi ni Hunter kaya lalo siyang inasar ni Billy at Bryle.

Napatingin ako kay Aiden na tahimik lang na nasa tabi ko. Nakatingin lang siya sa may bintana.

Mukhang nagtatampo pa rin

Napatingin ako sa kamay niya. Hinawakan ko yon kaya napatingin siya sa akin.

"I'm sorry kagabi. Sana nakiramdam ako-"

"It's not your fault. Ako tong masyadong madrama ehh pasensya na" pout na sabi niya.

Ngumiti naman ako at pinisil ang ilong niya.

"Huwag na tayong magsisihan okay? Bati na tayo" ngiting sabi ko na kina tango niya na may matamis na ngiti.

Mahaba habang byahe rin itoh

Nag kwentuhan kami ni Baby habang nasa byahe. Sumali rin ang Killer Nights at ang barkada ni Aiden.

Hanggang sa kinalabit ako ni Aiden.

"Nagugutom ako" pout na sabi niya

"Di ka nag breakfast?" tanong ko na kinailing niya. Napa buntong hininga naman ako.

"Gutom kayo?" tanong ko

"OO PINUNO!" sabay sabay na sabi nila na kinasimangot ko.

Mga hindi nag breakfast -_-

"Diego! Stop ka muna sa kainang madadaanan mo ahh" sabi ko kay Diego.

"Cge haha gutom na rin ako" chuckle niya na kinagulat ng iba.

"Ganyan pala magutom si Diego noh? Haha natawa hehe" tawa ni Gilbert.

Nang may nakita kaming kainan ay nag hanap na agad ng magapag pa parkan si Diego. Nakahanap naman kami agad dahil walang masyadong tao.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon