Kabanata 6

167 4 0
                                        

Gusto

Tahimik kami sa loob ng kaniyang kotse habang nagdadrive si Perseus, hindi ko magawang umimik dahil ramdam ko pa din ang galit niya sa akin. Diretso akong tumingin sa daan at napansin kong gabi na.

"Ihahatid na kita sa inyo." Malamig nitong usal. Agad ako sa kaniyang lumingon at nakita ko ang kaniyang seryosong mukha.

"No...I want to clean your wound, sasama ako sa...inyo." saad ko.

"Hindi ako umuuwi sa amin. I have my own condo." He said.

"E di dun!" Mabilis kong sagot. Hindi na siya nagsalita at patuloy na nagdrive. Nang makarating ay agad kaming pumasok sa building, nanatili ako sa kaniyang likudan habang sinusundan ko siya. Tumigil kami sa isang pintuan, binuksan ito ni Perseus at bumungad sa akin ang kulay puting loob ng kaniyang condo.

Sumunod ako sa kaniya papasok, at nakita ko siyang umupo sa sofa at ipinahinga ang leeg sa backrest ng sofa. Mukhang pagod na pagod siya.

"Saan nakalagay ang first aid kit?" I asked.

"It's in the kitchen." Sagot niya. Tumango ako at mabilis na naglakad patungo sa kitchen. The condo is too huge. At halatang halata ang karangyaan. The lights is dim kaya hindi nakakasilaw, pero ang maputing kulay ng paligid ay maaliwalas sa mata. Nang makita ang first aid ay pumunta na ako kay Perseus na ngayon ay ganun pa din ang ayos at nakapikit ang mga mata. Sandali ko siyang pinagmasdan at nakita ko ang kaniyang mahaba at makapal na kilay, his deep eyes and curly eye lashes, his pointed nose and red lips, ganoon din ang kaniyang panga na halos perpektong nakaukit sa kaniyang mukha.

"Are you just staring me or clean my wound?" He suddenly asked while his eyes is still close. Agad akong umupo sa tabi niya dahil sa gulat. Damn! Nakakainis talaga tong lalaking ito!

Kinuha ko ang bulak at betadine, ng matapos ay tumingin ako kay Perseus na ngayon ay nakapikit pa din, sinubukan kong ilapat ang bulak sa kaniyang sugat sa labi pero agad siyang napapitlag, iminulat niya ang kaniyang mata at napaatras sa akin.

"Ouch!" Angal nito. I rolled my eyes. Arte naman nito!

"Masakit talaga ito!" Sabi ko at sinubukan ulit itong ilapit sa kaniyang sugat pero hinawi niya lang ang kamay ko.

"You should have warned me that you'll put it on my wounds!" He demanded. Kung wala lang akong kasalanan kanina ko pa ito nasipa. Susko napaka arte! Dinaig pa ng aso sa kalye eh.

"Wag ka ngang maarte! Pasalamat ka pa nga nagmamalasakit ako eh." Sabi ko sabay irap.

"Tss. Because I save your life." He said. Napangiwi siya ng ilapat ko itong muli sa tabi ng kaniyang labi.

"Hindi lang yun. It's because I'm kind, eh di sana hinayaan na lang kitang gamutin tong mag isa di ba, at mag thank you na lang basta!" Sabi ko habang nakatingin sa kaniyang sugat. Nararamdaman ko na ang kaniyang hininga sa aking mukha dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Ang ingay mo." Yun na lang sinabi niya. Hindi ko alam pero mas lalo akong kinabahan ng lalo pang maglapit ang distansiya namin. Ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko, alam kong hindi ito takot o pangamba it is something else.

Pakiramdam ko pagtibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko. Lalo pa ng hinawakan niya ang aking kamay, kaya naman napaangat ako ng tingin sa kaniya. His face is emotionless, pero nakikita ko pa din ang kakaibang kislap sa kaniyang mga mata.

"That's enough." He whispered. Nagkatitigan kami. I felt something on my stomach that I couldn't explain, his eyes is giving me goosebumps and shivers, his gray eyes is the reason why I couldn't breathe properly. Natauhan ako ng may nakita akong ngisi sa kaniyang labi. Damn it! Am I staring at him too much?! Agad akong lumayo sa kaniya.

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon