Kabanata 22

128 4 0
                                        

Don't cry

Kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat nasasaktan pa rin talaga ako. Seeing Perseus with another girl hurt me so much. Ano ba talaga ang totoo? Itinatago niya ba ako sa lahat dahil ang gusto naman niya talaga ay si Kaira? E di ano ako? Rebound?!

Halos hindi ako makakain kinabukasan. Hinding hindi ako lalabas sa araw na ito. Mas gusto kong magmukmok sa kwarto ko kaysa ang lumabas. And I will never open the tv or my social media accounts!

Minahal ko ng sobra si Perseus, kahit alam kong delikado. He's too dangerous for me. He is my weakness and also my strength. And when he broke my heart each pieces of it is now scattered but I know those pieces is still beating for him. Halos hindi ko namalayan ang oras dahil pag tingin ko sa wall clock ay alas tres na ng hapon. Kung alam ko lang sumama na lang ako kina mommy. Kung sana lang ay hindi ko minahal ng ganito si Perseus.

Damn it!

Dahil sa pag iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako. At nagising akong madilim na sa labas. Agad akong bumangon at lumabas sa kwarto ko. It's already 8 pm and I'm now hungry. Pagkababa ko ay nakahanda na ang aking pagkain. Kanina siguro'y kinakatok ako ng mga katulong pero sobrang tulog ako kaya hindi ako nagising.

Bumuntong hininga ako bago ko sinimulang kainin ang mga ito. And when I finished my dinner, a maid came near me.

"Ma'am, may tao po sa labas kanina pa, ngayon lang po namin nasabi dahil tulog ka po kanina, at ngayon nasa labas pa rin po yung lalaki." Sabi nito sa marahang boses. Agad akong kinabahan doon. Who's that?

"Sino daw?" I asked.

"Sikat po Ma'am yun eh. Kahit po hindi ko na tanungin ang pangalan ay kilala ko po! Si Perseus po ng The Constellation!" Sabi nito.

Agad akong napatayo. Damn it! Bakit yun nandito?! Agad sumiklab ang galit sa aking puso. After sleepless nights! Ngayon lang siya pupunta dito to explain? No way! Hinding hindi ako papayag na magiging rebound ako! I will never be! Sa gandang kong ito? Rebound?

Tumingin ako sa katulong na nagulat yata sa pagtayo ko.

"Tell him to go away. Huwag na huwag siyang papasukin." Malamig kong sinabi na agad naman nitong tinanguan at iniwan ako para gawin ang aking inutos. Ako naman ay mabilis na umakyat sa kwarto ko para silipin siya sa bintana. At doon nakita ko ang pamilyar niyang sasakyan habang siya naman ay kinakausap ng katulong namin. Nang iniwan siya ng maid ay bumaling siya sa bintana ng kwarto ko kaya nanlaki ang mata ko at mabilis na umalis sa bintana.

Ano? Pagkatapos niyang magpakasaya sa babae niya, sa akin naman siya ngayon? Damn him! Hindi ako papayag na dalawa kami! At masakit man sa akin ibibigay ko siya kay Kaira kung siya ang mahal niya! He shouldn't hurt me this way because I'm willing to give him the freedom if he truly love Kaira. I will never cage him. Handa akong masaktan! This love for him is dangerous, I can't control myself even the hidden hatred I'm feeling.

Umupo ako sa kama at hinagilap ang phone ko. Binuhay ko ito at doon lumabas ang sandamakmak na messages. The first message came from Ara.

Arabella:

Don't believe what Kaira said. I know my brother. He can't do that to you Emerald.

Binuksan ko naman ang aking social media at doon nakita ko ang makahulugang post ni Perseus na maraming nagcomment.

It says,

I really don't want to hide the truth...but I need to do this for the sake of her. I will let the fake to spread and let the people decide what is true.

Anong ibig sabihin nito? Ano kami gagawin niyang tanga? Kami ang magdedesiyon kung ano ang tama? Kung anong paniniwalaan namin yun na? If he don't want to hide the truth then tell it to anyone! He's stupid! Stupid monkey! Kung ako talaga, gumawa siya ng paraan para paniwalaan ko siya!

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon