Familiar
Ang hirap humarap sa isang bagay na hindi mo alam. You don't know what it is, or what will you gonna do. I tried so hard to remember everything but everytime I do it I always failed.
It's been 4 years. Napag alaman ko kay Nanay Luz na nasa probinsiya pala ako ng Iloilo. Sinubukan kong mamuhay ayon sa pamumuhay na nagisnan ni nanay Luz. Noong una nahihirapan ako pero kalaunan ay nasanay na din. Tinutulungan ko si nanay na maglako ng mga kakanin sa daan, ito na rin kasi ang magagawa ko para matulungan siya. Mag isa na lang sa buhay si nanay Luz at humahanga ako sa kaniya dahil sobrang malakas at matapang siya.
Kapag naman sumapit ang hapon ay nagpapahinga na kami, pero hindi nagtagal ay ayaw na ako ni nanay isama sa paglalako dahil aniya ay madaming lalaki ang madalas na bumabastos sa akin. Aaminin kong medyo naiilang ako dahil kapag dadaan na kami ni nanay ay madalas silang sumipol o kaya naman titingnan nila ako mula ulo hanggang paa, and that was really uncomfortable.
"Ang ganda aling Luz ng kasama niyo ah? Pakilala mo naman kami!" Sigaw ng isa. Hindi ako lumingon dahil nagsisimula na akong mairita. Wala akong natatandaan na mataray ako pero ngayon mukhang nahihinuha ko na kung anong naging ugali ko. Mabilis akong mairita katulad na lang ngayon. Hindi ni nanay pinansin ang mga lalaki pero sumunod na sila sa amin. Kailan ba sila titigil?!
"Aling Luz naman! Damot nito! Pakilala kami! Mukhang anak mayaman oh! Ang kinis!" Sabi ng isa. Nag iinit na talaga ang ulo ko pero bago ko pa sila masigawan naunahan na ako ni nanay Luz.
"Magsitigil nga kayo! Hinding hindi kayo papatulan nito dahil ang papangit niyo!" Bulyaw ni nanay at hinila ako paalis doon.
Bumuntong hininga ako. Mukhang mapapaaaway si nanay kapag pinagpatuloy ko ito. Kaya noong hapong yun kinausap niya ako.
"Emerald...wag ka na lang muna sumama sa paglalako, tumulong ka na lang sa pagluluto at tuturuan kita, dumito ka na muna." She said.
"Pasensiya na Nanay Luz. Gusto kong makatulong sa paglalako pero..."
"Alam ko. Hindi ka taga dito at marahil ay galing ka nga sa mayamang pamilya, hayaan mo at bukas din ay magrereport tayo sa baranggay, baka may mahanap sila na maglealead kung nasan ang pamilya mo." She said.
Umasa ako sa sinabi niya. Bawat araw na dumaan ay lagi akong bumibisita sa city hall para kumpirmahin kung may pamilya ba na may nawawalan o kung ano pa man na maglelead sa pamilya ko. But months has passed there's no sign of my family or...do I have even a family? Baka umaasa lang ako pero wala talaga?
Minsan napapaiyak na lang ako tuwing gabi. Pakiramdam ko nangungulila ako sa hindi ko alam na bagay. I feel so out of place. Pakiramdam ko hindi ako para dito. I don't have talent in cooking because the last time nanay Luz teach me I almost burned the kitchen! Kaya hindi ko na alam kung sa anong paraan ko matutulungan si nanay.
Kaya naman napagdesisyonan kung mag apply sa mga convenience store o kaya naman mga groceries. Pero...hindi nila ako matanggap dahil wala akong ibang alam kundi ang pangalan kong Emerald Stone na sa necklace ko lang naman kita. Hindi ko alam kung pangalan ko ba talaga ito. But whenever nanay Luz called me in that name it felt so familiar kaya hinayaan ko na at naniwalang ito ang pangalan ko.
Ang hirap. Minsan nga naiisip kung iuntog ang ulo ko sa kahit anong bagay para makaalala, because that is the way I always saw in tv here in nanay Luz house. Some cliché stories that will lead the main character into amnesia and then she forgot everything even the love of her life.
Hindi ko alam pero nakakarelate ako sa istorya. Ako kaya? Meron din kaya akong minahal na lalaki noon na hindi ko na ngayon makilala? Kung meron nga...nasan na siya ngayon? Is he finding me? Is he so lonely when he found out that I'm gone? Is he worried? But do I really have a guy that loves me?
I wiped my tears, it's one of those lonely nights I keep spending. I always thinking...ano kaya ako noon? Ano kayang personalidad ko noong wala pang problema?
And then all my thinking will lead to....do I have really a family? Bakit hanggang ngayon hindi nila ako makita? Hinahanap ba talaga nila ako? O kinalimutan na nila ako? May pamilya ba talaga ako? Meron bang nagmamahal sa akin noon? If there is someone who loved me...then why am I here? Why am I here without memories? Masama ba akong tao noon kaya ito ang kaparusahan ko?
Marami akong katanungan at mas lalong nakakalungkot dahil sa bawat araw na ginawa ng Diyos mas lalo akong nawawalan ng pag asa. I keep myself waiting pero walang dumating.
Isinantabi ko ang lahat ng isipin sa halip ay gumawa ako ng paraan para makapasok sa isang convenience store bilang cashier. Tinulungan ako ni Benito, kapit bahay namin ni nanay. He helped me to fake my documents. Ginawa niya akong kaapelyido ni Nanay Luz. He make me Emerald Stone Buena. At dahil doon sa wakas nagkatrabaho na din ako bilang cashier.
Sa loob ng apat na taon nawalan na ako ng pag asa. Pero sa kabilang parte ng utak ko patuloy akong nanalangin na magkaroon ng alaala kahit kaunti lang, kahit patak lang, kahit sa panaginip lang...pero...wala talaga.
"200 pesos Ma'am." Tumingin ako sa babaeng nagbabayad ng kaniyang pinamili. Ngumiti ito at kinuha na ang kaniyang bill para magbayad. Kinuha ko ito at sinuklian. Pagkatapos ay binigay ko dito ang resibo.
"Thank you Ma'am!" I said before she left. Napahinga ako ng malalim nang mapagtantong yun na ang huling magbabayad sa araw na ito. Ibinaba ko ang kulay yellow na maliit na cap sa aking ulo at isinabit ito sa sabitan noon. Lumabas ako ng counter at pumasok sa isang kwarto kung nasan ang locker namin. Nakita kong nilagay na ni Dianne yung paskil na Close para wala nang pumasok.
"Buti na lang kakaunti ang namili ngayon...kung hindi, hindi na naman ako makakapag night out!" Sigaw ni Bella. She's one of the cashier here, naka assign siya sa counter 4, ako kasi ay sa counter 1. Bumaling siya sa akin at umirap. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may galit siya sa akin. Sa totoo lang hindi ko pa siya nakakausap ng maayos. Bukod kasi sa lagi niya akong binabara, sobrang taray niya pa sakin.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ayusin ang aking locker ng matapos at isinarado ko ito at mukha na akong atakihin sa puso ng makita doon si Dianne. She's a nice girl, at siya lang din ang nakakasundo ko dito.
"Pagkatapos mo dito uuwi ka na?" She asked. Kumunot ang noo ko at inayos ang aking damit. I'm wearing a white blouse and a black skirt, it's a uniform here in the store.
"Oo naman, bakit?" I asked. Sumimangot siya.
"Ganiyan na ba talaga ang buhay mo? Simula yata ng magtrabaho ka dito hindi pa kita nakikitang pumunta sa kung saan. Trabaho at bahay ka lang yata eh." She said. Ngumiti ako.
"Hindi naman, hinihintay kasi ako ng nanay ko." I said. Bumuntong hininga siya. And then flashed a smile. Inilahad niya ang isang ticket sa akin.
"Isa yang ticket para sa gaganaping concert ng isang kilalang band. Hindi ko alam kung bakit napili nilang magconcert sa probinsyang ito pero gusto ko sanang pumunta ka dahil birthday ko bukas. Yan na ang magsisilbi kong treat sayo since birthday ko naman...wait parang baligtad! Ikaw dapat ang magtreat sa akin pero dahil mabait ako, ako na lang kaya hindi ako papayag na hindi ka makakapunta!" She said at umalis na siya.
Tinitigan ko ang ticket, kulay black ito at may simbolong silver na limang magkakasunod na stars.
"The Constellation band." Basa ko sa pangalan ng banda. Hinilot ko ang aking sentido dahil sa kaunting kirot nito. Bakit biglang kumirot ito? I breathed heavily before I leave that place. Pumara ako ng tricycle at sumakay na doon. The Constellation band...san ko nga ba narinig yun? Hindi ko alam pero parang pamilyar ito sa akin at para bang ilang beses ko na itong narinig. Their band name sounds familiar. Hinilot ko ang aking sintido dahil lalo itong kumirot.
Damn it! bakit bigla itong sumakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/204104892-288-k139567.jpg)
BINABASA MO ANG
Dangerous Enemy (TCB#2)
Romantik"This world is full of untold things, war or battles, many dangerous happenings, but I realized the most dangerous can be happened is your enemy." -Emerald Stone Smith