Kabanata 7

155 4 0
                                        

Walang pakielam

Hindi ko na mabilang kung pang ilang irap na ang nagawa ko habang kumakain kami. Dahil sa bawat oras na ibuka ni Perseus ang kaniyang bibig para magsalita automatic na nag iinit ang ulo ko dahil sa kahanginan niya.

"Tumigil ka nga!" Sigaw ko sa kaniya at muling umirap, buti na lang kami lang ang nandito kung hindi kanina pa kami dito pagtitinginan ng mga tao dahil sa ingay naming dalawa.

"Bakit ba kasi hindi mo pa aminin na mas gwapo ako sa lahat ng naging boyfriend mo?" Mayabang niyang sinabi at pinagcross ang kaniyang braso habang nakangisi sa akin. Seriously? Bakit ba napaka big deal sa kaniya ang salitang gwapo?

"Ang yabang mo! Hindi ka naman gwapo." Sabi ko sabay irap. Halos matawa ako sa kaniya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kahit anong mangyari hindi ko aaminin sa harapan niya na gwapo siya! Anong akala niya? Tumayo ako at kinuha ang aking bag.

"Alis na ako, babalik na ako sa school." Tiningnan ko ang oras at halos 20 minutes na lang ay time na. Tumayo din siya at naglagay mg cash sa table, kunot noo ko siyang tiningnan.

"Akala ko ba ililibre kita?" I asked confused. Taas kilay niya akong tiningnan.

"Wag na, baka mamulubi ka pa ako pa ang sisihin mo." He said. Kumulo na naman ang dugo sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin hindi kayang kumain sa ganitong restaurant? Aba't ang yabang talaga!

"Hoy! Hindi kami mahirap para sabihin ko sayo-"

"Sa susunod mo na ako ilibre, so for now hindi kapa bayad sa utang na loob." Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin may susunod pa? Nagbibiro ba siya?!

"Hin-"

"Shut up, ang daldal mo." Sabi niya at hinila ako papalabas ng restaurant. Hindi ako makapaniwala na hindi niya man lang ako hinayaang magsalita. Napakabastos talaga ng feeling gwapo na to! Kainis! Kontra bida talaga siya sa buhay ko!

Kaya naman gigil pa din ako kay Perseus kahit pa nagsimula na ang klase ko. Pero buti naman andito si Ara para sabihan ako sa mga assignment na hindi ko talaga kanina narinig dahil lumilipad na naman ang utak ko.

Habang palabas kami ni Ara ay nagulat ako dahil may lumapit sa akin ang dalawang babae na akala mo ay nanghahagilap ng chismis.

"Totoo ba na ikaw ang dahilan kung bakit nakick out sa school yung grupo nina Gerald?" Tanong nito. Hindi ako nakaimik dahil parang nagbalik ang mga nangyari kahapon. Sobra ang naging takot ko nun at alam ko kung anong pwedeng mangyari kung sakaling hindi dumating si Perseus.

"Excuse me." Sabi ko at patuloy na naglakad, ayaw kong magsalita ukol diyan, hinawakan ni Ara ang kamay ko at hinila ako sa cr ng mga babae at inilock niya ito para walang ibang makapasok.

"What happened?" She asked. Si Ara ang isang tao na nakakaalam kung anong iniisip ko at kung nagsisinungaling ako o hindi. Bumuntong hininga ako.

"Gerald ang his friend tried to harassed me." I said. Nanglaki ang mata niya at lumapit sa akin.

"W-What?! B-Bakit di mo sa akin sinabi?" Gulantang niyang tanong. Hindi ako umimik.

"How did you escape?" She asked again. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Perseus came..." isang imik ko lang ng pangalan niya ay agad pumunta ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, para bang sobrang nakakagulat dahil si Perseus pa talaga na naturingan kong kaaway ang tumulong sa akin.

"That's...wow!" Hindi siya makaimik ng maayos dahil sa kabiglaan. Umiling na lang ako sa kaniyang reaksyon.

"That's why, Gerald and his friend kicked out...I know my brother." She murmured, bumaling ako sa kaniya.

"What do you mean?" I asked confused.

"Alam kong si kuya Perseus ang nagpakick out sa kanila dahil...kahit naman ganun yun pinaka ayaw nun sa lahat ay ang mga maabusong tao." She explained. Hindi ako makapaniwala. Talaga lang ha? Hindi ko akalain na may ganun pa lang ugali si Perseus, hindi halata ah.

"But he's violent also...hindi siya makakapayag na hindi makakaganti so for now...siguradong binubugbog niya na ang grupo ni-"

"What?! Totoo ba yan Arabella?!" Halos pasigaw kong tanong. Shit! Hindi pwede! Dahil sa pagkakaalala ko nabugbog niya na sina Gerald baka mapatay niya pa yun dahil alam ko na ang kakayahan niya.

"Nasaan ang kuya mo ngayon?!" mabilis kong tanong kay Ara na ngayon ay nakakunot na ang noo.

"Hindi ko ala-"

Hindi ko na siyang pinatapos at agad ng lumabas sa cr. Tumakbo ako ng mabilis patungo sa Music Room dahil alam kong doon lang naman tumatambay ang Constellation band, halos hingalin na ako sa pagtakbo pero ang nasa isip ko na lang ay ang pigilan si Perseus sa kaniyang gagawin. Damn it! kahit naman mainit ang dugo ko kay Perseus ayaw ko siyang maging kriminal!

Nang makarating sa Music Room ay agad ko yung binuksan. Pero halos atakihin ako sa nakita ko....

Imbis na makita ko si Perseus na nangbubugbog kina Gerald, I saw him with a woman....at halos kainin na nila ang isa't isa sa kanilang pag hahalikan! Nag init ang aking pisngi at para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita ko. Shit! Shit! What the hell?!

"Emerald!" Napatayo si Perseus at itinulak ang babae na nakakandong sa kaniya. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa akin. Hindi na ako nagsalita at mabilis na tumakbo paalis dun.

Damn it! Habang ako ay nag aalala siya naman ay nakikipaghalikan na! And Ara! Bakit ganun ang sinabi ni Ara?! Halos sabunutan ko ang sarili ko ng maalala na hindi ko nga pala siya pinapatapos sa pagsasalita! Nakakainis! Hindi ko akalain na ganun ang makikita ko. Alam ko naman ang reputasyon ni Perseus sa mga babae pero...hindi ko akalain na makikita ko ito with my own eyes!

Mabilis akong pumasok sa aming sasakyan ng makita ko ito.

"Manong bilis!" Halos humihingal kong sinabi ng makita ko si Perseus na hinahabol pala ako. At nakahinga ako ng maluwag ng umandar na kami. Padabog akong pumasok sa aking kwarto at padarag na humiga sa aking kama. At halos mahulog ako sa kama ng bumalik sa aking isip ang nakita ko kanina! Shit! Hindi naman ako inosente pero...damn it! Bakit ganito ang nararamdamaman ko? Bakit...sumisikip ang dibdib ko? Dahil ba to lalo akong napupuot kay Perseus?

Hindi ko inabalang buhayin ang aking cellphone, pinanatili ko itong nakapatay hanggang sa makatulog ako ng gabing yun, at nang nagising naman ay halos mataranta ako dahil 30 minutes na lang ay time na! What the! Worst month of my life damn it! Hindi ko na nagawang tingnan ang aking sarili sa salamin dahil sa pagmamadali. Mabilis na din akong umalis ng bahay. Nang makarating sa school ay halos tumakbo na ako para makarating saking first subject and I'm so lucky dahil wala pa ang professor.

"Why are you late?" Ara asked me. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili.

"I wake up late." I said. Ngayon naman ay parang naging concern ang kaniyang mata.

"I'm sorry for what happened yesterday. I didn't know that you will react like that, sorry for what you see." She said. Pano niya nalaman ang nakita ko?

"I asked kuya that's why I knew." She said like she read what's on my mind. Hindi nagtagal ay dumating na din ang professor at nakinig na lang kami.

"You know...I heard kuya cursing so much last night.." Ara said while we are walking towards the cafeteria.

"What about it?" Mabilis kong tanong.

"I never heard kuya like that back then, are you mad at him?" She asked again. Nagkibit balikat na lang ako.

"Bakit naman ako magagalit? It's his life, wala akong pakielam kung sino man ang halikan niya." Sabi ko at biglang napatigil ng makita ko si Perseus na mag isang nakaupo sa madalas namin na inuupuan ni Arabella. Shit! What is he doing there?! Nakita ko ang madalas na pagsulyap ng mga tao sa kaniya at ang halatang pagpapansin ng mga ito sa kaniya pero snob at seryoso ngayon si Perseus.

"Uhm...Ara...hindi pa pala ako gutom...mauna ka na kumain!" Sabi ko at halos manglaki ang mata ng makita na ako ni Perseus. Damn it!

"Hmmm wala pa lang pakielam ha." Patuyang sinabi ni Ara at may halo pang pag iling pero hindi ko na siya sinagot dahil naglakad na ako ng mabilis paalis. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman!

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon