Kabanata 9

153 3 0
                                        

Pretty

Tulala ako habang pinagmamasdan si Ara na namimili ng mga bagong shoes dito sa isang shoe store sa mall na pinasukan namin. It's now weekend kaya pumunta kami ngayon ni Ara para mag unwind.

"Is it look okay Emerald?" She asked me, tumango ako at pinagmasdan ang isang black stringed sandals.

"You look miserable Emerald." She said while looking at me. I rolled my eyes at her and she just laughed before going to the counter.
When she's done paying the sandals we decided to go in one of the ice cream station here in the mall.

"What's bothering you?" She asked. I breathed heavily. I really don't know...what's happening to me. Nagsimula ito ng magsimulang lumapit ng lumapit sa akin si Perseus at guluhin ang tahimik kong buhay. Actually matagal na akong ginugulo ni Perseus but hindi ganito! He's now texting me! At lalo akong naiinis dahil puro kayabangan lang naman ang alam niya! And then at school! Minsan nagugulat na lang ako dahil basta basta na lang siya sumusulpot sa harapan ko.

"Perseus is really getting on my nerves." I said seriously with Arabella. Humalakhak siya kaya napatingin ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko, why is she laughing?

"Kuya is just like that...and I think nakahanap siya ng katapat sa katauhan mo." She said. I arched my eye brow.

"Why?" I asked. She smiled.

"Walang sino mang babae ang nakakaimik sa kaniya ng pangit siya o mukhang unggoy dahil alam na alam naman natin na handang handa ang mga babae na ihain ang sarili nila para lang mapansin ng isang mighty Perseus...ikaw pa lang ang nakakakontra ng lahat...and maybe....your dangerous enemy is now challenged." She said.

Ganun ba yun? Siguro? Pero alam kong pinagtitripan niya talaga ako! Kahit noon pa man eh! Naalala ko noong elementary kami...whenever he saw me with a boy he always come near us while glaring to the boys I was with, kaya naman madaming takot sa kaniya! And then after that he'll say bad words to me! At hindi ko hinahayaan na maagrabyado! Kaya in the end nagkakaroon ng world war sa pagitan namin.

Matapos ang pag shoshopping ay biglang tumawag ang mommy ni Ara na may emergency daw sa bahay nila kaya agad siyang nagpaalam, tumango na lang ako at hinayaan siya. Nagpaiwan na lang ako sa ice cream station. While eating my ice cream hindi ko maiwasan ang mag isip ng malalim.

Pero napatigil ako ng may biglang umupo sa tapat ko. Kumunot ang noo ko dahil balot na balot ito. He's wearing a bullcap and a mask in his face with a leather black jacket and jeans and a boots, seriously? Mukha siyang action star sa suot niya o kaya naman isang secret agent.

"Don't stare too much. Alam kong gwapo ako." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Damn it! It's Perseus! Lalo ko pa itong nakumpirma ng makita ko ang kaniyang kulay abong mata na tumingin sa akin.

"Why are you here?!" I asked furiously, kinabahan ako bigla sa kaniyang presensiya, ibang klaseng kaba hindi ito kaba para sa takot...I don't know what is happening to me!

Tumayo siya at walang sabi sabing hinila ako palabas ng ice cream station. Pinilit kong alisin ang kaniyang kamay ngunit mahigpit itong nakakapit sa akin. Bakit siya nandito? Di ba may emergency sa bahay nila?

"Perseus!" mahina kong tawag sa kaniya dahil alam kong pag sumigaw ako sa pangalan niya makikilala agad siya ng mga tao at maaaring pagkaguluhan pa siya dito. Huminga ako ng malalim at hinayaan ko siya kung saan niya ako dadalhin, dinala niya ako sa isang sulok ng mall na halos walang nadaan na taon, isinandal niya ako sa malamig na pader at ikinulong sa kaniyang bisig. Kinabahan ako ng magtama ang mata namin, he put down his mask kaya kitang kita ko na ang kaniyang...mukha.

"You'll accompany me..." he whispered. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko nakayang tumitig sa kaniya. What the hell Emerald! Be strong! Hindi ka bibigay sa isang unggoy!

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon