Ambisyoso
"A-Ano bang sinasabi mo?!" Sigaw ko sa kaniya at pilit siyang itinulak, sinadya niya atang bigyan ng distansiya ngunit hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang kamay sa tabi ko, still locking me. Ngumisi siya sa akin, yung ngisi niya ay parang may masama na naman siyang iniisip! Damn it! Anong ginagawa niya? At ano daw sabi niya? H-He likes me too?
"Didn't you hear me?" Kinabahan ako ng ilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, I almost felt his breathing on my lips.
"You told me that you like me, and I like you too, edi tayo na?" He said smirking evilly. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What? Padabog kong inalis ang kaniyang kamay sa aking tabi at tumayo ako ng maayos.
"W-Wala akong panahon para sa walang kwenta mong sinasabi Perseus! At....h-hindi magiging tayo!" Sigaw ko sa kaniya at umalis doon. Halos manlambot ang aking tuhod sa mga nangyari.
Nakasalubong ko si Arabella sa tapat ng kotse na maghahatid sa akin pauwi. She looks worried pero agad siyang bumaling sa taong nasa likod ko. Damn it!
"Ara...you can now go, ako na bahala kay Emerald." Sambit ni Perseus sa aking likod. Ang kapal talaga ng mukha nitong sumunod sa akin! Magsasalita na sana ako ngunit natigil ako dahil nagsalita pa si Ara.
"Kuya! Ano bang-"
"Shut up Ara, go!" Putol ni Perseus sa kapatid. Magsasalita pa sana ako para pigilan si Ara ng bigla akong hinigit ni Perseus sa loob ng kotse niya. Halos manlaban ako sa kapit niya.
"Ano ba Perseus!" Sigaw ko, pinaupo niya ako sa front seat at agad nilagyan ng seatbelt at sinarado ang pinto. Shit! Pilit kong inaalis ang seatbelt pero hindi ito matanggal! Damn it! Ano bang ginagawa niya?! Naaasar na ako ha! Bumaling ako sa kaniya ng makapasok na siya sa driver seat, pinaghahampas ko kaagad siya at wala siyang nagawa kundi ang umilag.
"Ano ba Emerald!" Sigaw niya pero hindi ako tumigil.
"Damn you! Napaka manipulative mo! Ayaw kong sumama sayo! Evil ka!" Halos mapaiyak na ako habang hinahampas siya pero agad din niyang nahuli ang dalawa kong kamay at seryoso sa aking tumingin, doon napatigil ako dahil sa kaniyang mga mata.
"Stop it Emerald...I'm not manipulating you, I'm just doing what I want." He said. Taas baba ang dibdib ko dahil sa malalalim na paghinga.
Binitawan niya ako at nagdrive na siya, ako naman ay umayos na ng upo at dumungaw sa bintana, I think wala na akong magagawa. Ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon at kasama ko siya ay hindi ko alam. Bakit gusto niya itong mangyari? Bakit? Kung tutuusin alam kong mas gusto pa ni Kaira ang sumama sa kaniya di ba? But...I know I will be so mad at him if I saw him with Kaira right now.
Tumigil kami sa tapat ng isang sikat na condominium. Why are we here? Bumaling ako kay Perseus at nakita ko siyang bumaba na sa sasakyan ako naman ay hindi makakilos dahil sa seatbelt na nilock niya yata. Binuksan niya ang pintuan sa tapat ko at seryosong tinanggal ang aking seatbelt. Tumingin siya sa akin pagkatapos.
"Bakit tayo nandito?" I asked. Tumaas ang kilay niya.
"We're going to my condo, let's go." Sabi niya at hinila ako palabas. What the?! Sa condo niya?! At ano namang gagawin naming dalawa doon? Is he serious?! Damn!
Dire diretso siya sa elevator at pinindot ang 10th floor habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Alam ko ang reputasyon ni Perseus sa mga babae at hindi ako papayag na makasama ako sa mga babaeng naikama niya! Paanong hindi ako mag iisip ng ganun kung pupunta kaming dalawa sa condo niya?! Hello babae ako tapos lalaki siya! Ano pa bang iisipin ko?!
Papasok na sana kami sa loob ng unit niya ngunit hinila ko siya, napatingin siya sa akin, ako naman ay pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Hoy Perseus! Kung naiisip mong papatol ako sayo eh nagkakamali ka! For your information I am very a reserve girl! At hindi ako tutulad sa mga babaeng naikama mo na!" Sigaw ko wala akong pakielam kung may nakarinig sa akin.
Humarap sa akin si Perseus at nakangisi na. His evil grin is making me irritated! Bakit? may mali ba sa sinabi ko?
"Emerald...Emerald..." may panunuya sa bawat banggit niya sa aking pangalan, lalo pang sumama ang tingin ko sa kaniya.
"If you think that I invited you to my condo just to bed you then you are wrong..." he said smirking. Ano? Eh bakit-
"What a sinful mind. Nandito ka para maglinis hindi maging babae ko sa araw na ito....and...Emerald did you really think na papatol ako sa maliliit ang..." hindi niya tinuloy ang sasabihin dahil dumako ang mata niya sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at tinakluban gamit ang braso ang aking dibdib, ramdam na ramdam ko ang pag init ng aking pisngi sa sinabi niya. Bastos!
"You pervert!" Sigaw ko, lalo siyang humalakhak sa sinabi ko, para na siyang matatae sa pagtawa, pero agad din namang tumigil at tiningnan ako ng nakangisi.
"Look who's talking." Sabi niya at hinila ako papasok sa loob
He turned on the lights and I got shocked when I saw the large area of his condo. Pinaghalong white at gray ang kulay nito, the dim lights are making the whole room more relaxing. The living area is huge, and the set of couch looks have a high cost! Pati ang tv! Then I saw the painting that hanging on the walls, they are beautiful! May nakita din akong hagdan patungo sa taas.
"S-Seryoso ka talagang maglilinis ako dito?!" Halos pasigaw ko ng tanong. Alam kong nakarating na ako dito sa condo niya pero hindi ko ito napagmasdan ng maayos. Lumingon ako kay Perseus na padarag na umupo sa mahabang couch. Lumapit ako sa kaniya at nakita ko siyang pinagmamasdan din ako, nakaramdam na naman ako ng pagdagundong ng puso ko.
"Ano sa tingin mo?" Nanunuya niyang tanong. Dahil sa inis mabilis akong kumuha ng unan at binato sa kaniya, nasambot niya ito at humalakhak.
"Ano nga?!" I asked a bit irritated.
"Yes. You'll clean, but just my room, hindi naman ako ganoong kasama para pahirapan ko ang aking girlfriend." Sabi niya sa natatawang boses. Kunot noo ko siyang tiningnan at muling binato ng unan at syempre nasambot niya na naman ito.
"Anong girlfriend? Atsaka pwede ka namang mag hire ng katulong ah para maglinis! Hindi ako isang katulong Perseus! At malay ko ba sa paglilinis! I don't know how to clean!" I shouted in anger. His lips is still smirking and I'm so irritated by it!
"Pwes ngayon kailangan mo ng matuto, kung tayo ang magkakatuluyan at magiging asawa kita eh marunong ka na. I want a wife who knows how to clean.." he said. W-What? A-Anong bang pinagsasabi niya? Natigilan ako ng ilang sandali dahil sa mga sinasabi niya. Ano bang nakain nito? Baka naman nag dadrugs na siya? My gosh! Hindi ako natutuwa! Lalo siyang ngumisi.
"Natigilan ka? It's just okay, nakakagulat nga namang marinig na magiging asawa mo ang isang napakagwapo at matipunong katulad- hey what was that for?!" Napatigil siya dahil batuhin ko siya ng unan and this time natamaan na siya.
I glared at him.
"Wag kang ambisyoso!" Sigaw ko at umalis sa kaniyang harapan. Humalakhak siya, habang ako naman ay dumiretso na patungo sa hagdan.
"My room is in the right side of the floor!" He shouted. Halos umirap ako. Damn it! Hindi ko naimagine na magiging katulong ako ni Perseus. Really? Gagawin ko talaga to?
BINABASA MO ANG
Dangerous Enemy (TCB#2)
Romans"This world is full of untold things, war or battles, many dangerous happenings, but I realized the most dangerous can be happened is your enemy." -Emerald Stone Smith
