Kabanata 13

117 4 0
                                    

Dysfunctional

Parang gusto kong tumakbo at umalis na lang doon pero mas pinili ko ang lumapit, nakita ko ang pag sosorry sa mata ni Arabella, si Perseus naman ay madilim ang tingin sa akin. Tahimik akong umupo sa tapat nilang dalawa. Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto ni Perseus at sobra sobra na pang gugulo niya sa buhay ko.

"I'm sorry Emerald, he-"

"It's okay Ara." I said and then I looked at Perseus, titig na titig siya at sa paraan niyang ito parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.

"Wala akong panahon para makipag away sayo Perseus." Mariin kong sinabi.

"Let's talk." He just said. I glared at him. Bakit pa? Para ipamukha sa akin na babaeng si Kaira ang gusto niya? No way! Kahit pa alam kong may nararamdaman ako sa kaniya hinding hindi ko palalambutin ang puso ko para lang kausapin siya.

"Wala na dapat tayong pag usapan." Sabi ko at tumayo. Tumingin ako kay Ara na ngayon ay nagpapanic na sa bangayan namin ng kuya niya.

"Let's go Ara." Sabi ko, tumayo na din si Ara pero bago pa kami makaalis ay nakarinig na kami ng pagkakabasag ng isang baso. Damn it! Agad akong napalingon kay Perseus at nakita ko ang kaniyang kamay na nasa ere, he obviously put down the glass to break it! Sobrang madilim ang kaniyang mga mata. Nangilabot ako ng magtama ang mata namin.

"Kuya!" Tawag sa kaniya ni Ara. Hindi ako makaimik, lalo na't nasa aming tatlo na ang mga mata ng mga tao, sana lang ay walang makakilala kay Perseus dahil wala siyang ano mang pang disguise ngayon!

"Just one step and these glass will be broken." He said darkly. Nagtagis ang bagang ko. Ano ba talagang problema niya?! Sila na ni Kaira di ba?! Ano pang habol niya sa akin? Balak niyang asarin ako ng asarin? Hobby niya na ba yun o talagang baliw na siya?!

"Sir, what's the problem here?" Isang crew ang lumapit, lumapit din dito si Ara at siya na ang kumausap, ako naman ay mabilis na humakbang patungo kay Perseus at hinila siya palabas ng starbucks. Tumigil kami sa pinakasulok at kaunti lamang ang tao. Binitawan ko siya at handa na sana akong buguhan siya ng mga salita ngunit nagulat ako dahil hinila niya ako at isinandal sa pader. Damn!

"Ano ba Perseus! Bakit kailangang gawin mo yun ha!" Sigaw ko isinantabi ang malapit naming distansiya sa isa't isa. Habol ko ang aking hininga samantalang siya ay madidilim ang mga matang nakatingin sa akin.

"Hindi ako titigil hangga't hindi tayo naaayos Emerald." Malamig niyang sinabi. Ang puso ko ay malakas na kumakabog sa aking loob. Kahit ata ang buong sistema ko ay sumisigaw sa pangalan ng lalaking nasa harap ko.

"Tigilan mo na ako Perseus dahil wala kasa aking mapapala! Bumalik ka na kay Kaira dahil mas may mapapala ka pa sa kaniya!" Hindi ko na napigilan ang aking bibig. Ang mga salitang dapat ay nasa isip ko lang ay lumabas. Damn! Lalo siyang lumapit sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa aking labi. His nose is almost touching mine. I breathed heavily. His eyes is too much!

"Anong kinalaman dito ni Kaira?" He asked. Kunot noo ko siyang tiningnan. Really? Manhid ba siya? O tanga? Stupid monkey talaga! Tinulak ko ang kaniyang dibdib pero masyado siyang malakas kaya wala ding nangyari.

"Ano ba!" Sigaw ko sa sobrang galit na nararamdaman.

"Anong kinalaman dito ni Kaira?" Mahinahon na ang kaniyang boses. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hinding hindi ako aamin! Hinding hindi! Ang kapal naman ng mukha niya!

"Ano ba Perseus! Get off me!" Sigaw ko na at pilit siyang pinapaalis sa aking harapan pero sadyang matigas ang ulo ni Perseus.

"Anong kinalaman dito ni Kaira, Emerald Stone!" Ngayon talagang sumigaw na siya dahil sa iritasyon. Aba! Siya pa ang may ganang magalit? Tumingin ako sa kaniya ng may poot sa aking mga mata.

"Tang ina mo Perseus wala ka talagang alam ha!" Halos maputol ang litid ko sa sigaw na yun. Nagulat siya doon dahil may kasama itong tagalog na bad words. Hinampas ko ang kaniyang dibdib.

"Damn you! Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang nagustuhan ko samantalang kaaway kita eh! Mapanganib ka! Marami kang babae! Tapos ngayon may Kaira ka pa! Sige dun ka na sa Kaira mo dahil wala akong pakielam kung siya ang gusto mo! Alam kong makakahanap pa ako ng mas gwapong lalaki kaysa sayo!" Halos hiningal ako sa sinabi ko.

Pinagmasdan ko siya at hindi ko malaman kung bakit nakangisi na siya ngayon! Seriously? Anong nakakatawa sa mga sinabi ko? Stupid! Nanlaki ang mata ko ng mas lumapit pa siya, gahibla na lang at maglalapat na aming labi! Shit!

"Gusto mo ako?" He asked playfully. I glared at him. Yun lang ba ang narinig niya sa lahat ng sinabi ko? Bwisit talaga!

"Lumayas ka nga sa harap ko Perseus!" I said to save my face, gusto ko na lang lamunin ng lupa sa harapan niya. Bakit ganito siya makatingin?!

"Ako ang gusto mo di ba?" He asked now with a smile on his lips. Lalo lang nagrambolan ang puso ko sa sinabi niya.

"Oo! Pero pumunta ka nasa Kaira mo dahil makakahanap pa ako ng ibang lalaking mas hihigit pa sayo-"

Napatigil ako ng dumilim ang titig niya.

"Don't you dare say that!" Mariin niyang sinabi. Kinagat ko ang labi ko at nakita ko siyang sumulyap dito, damn it!

"Ako lang ang gusto mo. Hindi dito kasali si Kaira because there's nothing going on between us. And you....are not allowed to find someone else...dahil alam kong walang mas nakahihigit sa akin Stoney." He whispered. Natahimik ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang yabang pa din. Tama ba na nalaman niya ito? Damn it! Mas lumaki ang ulo ng lalaking ito!

Nakita ko ang pagbaba niya ng tingin sa aking labi, and everything get slow when he stared at it and then back on my eyes.

"Would you slap me if I kiss you again?" He asked softly. Shit! Tama ba ang narinig ko sa kaniya? Wala sa sarili akong umiling. He smirked. Hindi ko akalain na nagkakasundo ang buong sistema ko pagdating kay Perseus.

Napapikit ako ng ilapat niya ang labi sa akin. Everything get blurred the moment he kiss me, wala na akong pakielam kung nasan kami ngayon. Wala na akong pakielam sa oras at panahon, the only important to me is his lips that making me fly so high and made my system dysfunctional. Hindi ko namalayan na ang higpit na ng kapit ko sa kaniyang shirt. Nang maghiwalay ang aming labi ay nagmulat ako at ang una kong nakita ay ang seryoso niyang mga mata.

"I like you too Stoney.." he whispered.

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon