Kabanata 5

179 4 0
                                        

Thank you

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang aking desisyon kanina. Tama ba ang naging desisyon ko? Nag deal ako kaya ibig sabihin magkikita kami araw araw? Isang araw nga lang na nagkita kami ay nagkakaroon ng world war...pano kaya kung araw araw?

"Emerald, mauuna na ako ha..susunduin ako ni daddy.." paalam ni Ara.

"Sige, ingat." Nakangiti kong sinabi sa aking kaibigan. Pinanuod ko siya habang umaalis. Bumuntong hininga ako pagkatapos, kanina lang bago matapos ang klase nagtext sa akin ang isang unknown number at sobrang sigurado ako na si Perseus ito, ang sabi niya magkita daw kami sa labas ng school sa may cafe. Pero...parang gusto kong umayaw.

Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip ako. Tama! Hindi naman siguro malaking big deal kung hindi ako sisipot! Alam kong pinagtitripan lang ako ni Perseus, paano kung kapag pumunta ako dun at wala siya tapos hindi naman pala siya pupunta dahil niloloko niya lang ako!

Napagdesisyonan kung wag na lang pumunta. Tinext ko si manong driver na mag intay sa likod ng school dahil doon ako lalabas, baka kasi kapag sa mismong gate ay makita ko si Perseus o kaya naman isa sa kaibigan niya.

Yun nga lang medyo magubat ang likod na ito dahil ito yata ang pinakadulo ng school, halos walang tao at sobrang tahimik, meron pa akong nakitang abandonadong cr at sa di kalayun ay isang building na palagay ko ay sobrang luma na dahil matagal ng hindi ginagamit.

Ngunit napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Gerald at ang kaniyang dalawang kaibigan na si Sam at Antony, ang mga ito ay nakangiti sa akin pero sumibol ang kaba sa akin. Why are they here?

"Hello Emerald." Bati sa akin ni Gerald at agad ngumiti. Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan na. Hindi maganda ang kutob ko sa mga lalaking ito. Tumigil ako sa paglalakad pero lumapit silang tatlo sa akin, pero nang humakbang ako paatras ay tumigil sila.

"Scared?" Patuyang tanong ni Gerald. Ngayon siya na lang ang lumapit sa akin, lalo akong kinabahan ng makita ko ang kakaibang pagnanasa sa kaniyang mga mata ng tiningnan ang kabuuan ko, parang gusto ko ng tumakbo dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari!

"May kailangan ba kayo?" Matapang kong tanong, at bahagyang umatras kay Gerald. Ngumisi ito habang tinitigan ang aking mukha.

"Bakit ka umaatras? Wala kaming gagawing masama sayo Emerald." Sabi nito. Lalo itong lumapit. Damn it! Maling mali talaga na dumaan ako dito!

"K-Kung wala kayong kailangan ay mauuna na ako.." sabi ko at ambang aalis ngunit hinarangan niya ang dadaanan ko. Shit! Wala bang kahit sinong tutulong sa akin dito? Damn it!

"Not so fast baby.." he said, at halos manglaki ang mata ko ng hinawakan niya ako ng mariin sa braso at kinaladkad kung saan, hindi! Oh my goodness! Saan niya ako dadalhin?!

"Bitawan mo ako Gerald!" sigaw ko habang pilit inaalis ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Nakita kong nakasunod sa amin sina Sam and Antony. Shit! Hindi na maganda to!

"Dito ka lang Emerald! Don't worry hindi kita sasaktan, instead I will make you happy." He said huskily at halos gusto ko ng masuka sa mga pinagsasabi niya. Pero napatigil siya ng may isang tao ang humarang sa kaniyang nilalakadan, pati ako ay napalingon dito at halos makaramdam ako ng kaginhawahan ng makita si Perseus. Atleast may isang tao na alam kung iaalis ako sa ganitong sitwasyon.

"Get off your dirty hands with her." Perseus said darkly. Pati ako ay nangilabot sa kaniyang pagkakasabi nito. Humalakhak si Gerald pati ang dalawa sa aming likod.

"Sa tingin mo ba ay matatakot mo pa ako? Hindi mo ba nakikita na tatlo kami at kayang kaya namin na patumbahin ka?" Nanghahamon na usal ni Gerald. Bumalik ang tingin ko kay Perseus na hanggang ngayon ay seryoso pa din at parang may namumuong bagyo sa kaniyang kulay abong mata.

"Are you sure?" Sabi nito habang papalapit ito sa amin, medyo umatras si Gerald kaya pati ako ay napaatras dahil hawak hawak niya ako, damn it! Gusto ko ng umalis dito! Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.

"Masasaktan ang babaeng ito kapag lumapit ka pa!" Banta nito kay Perseus.

"Then try it..." nanglaki ang mata ko. Hayop siya! Ipapapatay niya ba ako? Akala ko ililigtas niya ako pero hahayaan niya ako! Pag ako nakawala dito siya ang papatayin ko, damn monkey!

"...and I will break your bones." Pagpapatuloy niya sinasabi. Naramdaman kong medyo humigpit ang kapit nito sa akin.

"Bitawa-" natigil ako ng may itutok na kutsilyo si Gerald sa akin. What the hell?!

"Hinding hindi ako titigil hangga't hindi napapasakin si Emerald, kaya kung ayaw mong masaktan hayaan mo siyang sumama sa akin!" Sigaw ni Gerald. Medyo lumapit pa si Perseus, hawak na ako sa leeg ni Gerald habang may nakatutok sa aking kutsilyo. Damn! Baka tumusok sa akin yung kutsilyo! Bakit ba hindi pa to matapos?!

"You'll regret that you did this." The last word that Perseus said, bago siya lumapit at walang alinlangang sinipa ang kamay ni Gerald na may hawak na kutsilyo at wala pang isang segundo ng higitin ako ni Perseus para mailayo dito kaya naman nasa likod na ako ni Perseus ngayon, wow! Isa ba siyang stunt man?

Halata ang gulat ng grupo ni Gerald sa nangyari, itinulak ako palayo ni Perseus ng biglang sumugod sa kaniya si Sam at Antony. Halos manglaki ang mata ko sa nangyayari dahil walang kahirap hirap na sinisipa at sinusuntok ni Perseus ang dalawa sa tuwing susugod ito. Nang mapatumba niya ang dalawa ay tumingin siya kay Gerald na ngayon ay hindi makapaniwala sa galing ni Perseus.

"It's your turn, come on." Mayabang na hamon ni Perseus kay Gerald, mukhang nainis niya si Gerald kaya sumugod ito at sinuntok siya pero agad siyang nakailag. Pero nanglaki ang mata ko ng nakabawi si Gerald at nakaisang suntok kay Perseus.

"Perseus!" Sigaw ko dahil medyo napatigil ito. Pero ng nakabawi ay agad niyang sinuntok ng malakas si Gerald kaya natumba ito at agad nakatulog.

Natulala na lang ako sa nangyari. Oh my goodness! Is this really happening?

Lumingon siya sa akin at tumitig gamit ang kaniyang madidilim na mga mata, mabilis siya sa aking lumapit at kinaladkad ako palabas sa lugar na iyon, napansin kong malapit ng magdilim ang kalangitan. Tumigil kami sa isang bench na buhay ang ilaw. Sobrang madilim ang kaniyang mata na halatang galit na galit pero nakakapagtaka ang malambot nitong kapit sa akin sa kabila ng galit sa mga mata nito.

"Instead of meeting with me you choose that way na alam mong mapanganib na lugar!" He shouted in anger. Natahimik ako. Alam kong may pagkakamali ako...pero akala ko kasi nagjojoke lang siya o kaya naman pinagtitripan niya ako!

"Dahil akala ko isa na naman yun sa mga kalokohan mo, malay ko bang totoo-"

"Wala pa akong naaalala na nagloko ako pagdating sa isang seryosong usapan!" He shouted again. Matalim ko siyang tiningnan.

"I don't know that you are serious that time!" Sigaw ko. Lalong dumilim ang kaniyang mata.

"Dahil hindi mo sineseryoso lahat ng sinasabi ko!" Sabi naman niya.

"Ikaw ang may kasalanan dahil you made me believe that everything you'll say is one of your biggest trick!" I shouted. Pagak siyang tumawa. Binitawan niya ako nilagay sa bulsa ang dalawang kamay.

"Ako na nga ang nagligtas sayo ako pa din ang may kasalanan? What a girl.." he said while laughing fakely. Natahimik ako at sobrang naguilty, hindi na dapat ako nakipagtalo...alam ko namang kasalanan ko at wala siyang kasalanan, pero hindi kaya ng damdamin ko na umamin sa harap niya na ako ang nagkamali, dahil simula pa lang itinuring ko siyang kaaway na hindi dapat makita ang isang kahinaan ko.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at napansin ko ang sugat sa tabi ng kaniyang labi. Shit! May sugat siya. Wala sa sarili kong inangat ang aking kamay at hinawakan ito. Napaatras siya sa ginawa ko.

"May sugat ka!" Sabi ko. Siya ang humawak nito at nakita ko ang kaunting dugo. Dapat itong malinisan. Tama! Dahil ako ang may dahilan kung bakit nakuha niya yan ako dapat ang maglinis.

"Tara na, I will clean your wounds." I said, hinagilap ko ang kaniyang braso pero iniwas niya ito. Aba choosy pa siya?

"You don't have to do that just because you are guilty." He said irritated. I glared at him at muli kong hinagilap ang kaniyang braso na ngayon ay tagumpay kong nahawakan.

"No..I'm doing this because this is my way of saying thank you Perseus." I said while looking at his gray and dangerous eyes.

Dangerous Enemy (TCB#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon