Stoney
"Nakakainis yang kuya mo!!!" Kanina pa ako hinaing na hinaing kay Ara tungkol sa kuya niya. Kasalukuyan kaming nasa salon at parehas na inaayusan ng buhok, after class dito na kami dumiretso dahil sa dinner mamaya. And damn it! Hanggang ngayon naaalala ko pa din ang nangyari at lahat ng sinabi ni Perseus!
"Bakit dati wala naman siyang pakielam kung lumandi ako sa harapan mo?" I asked Ara. Seryoso lang si Ara habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Bumuntong hininga siya.
"Ikaw naman kasi, you should lessen entertaining boys." She said. I rolled my eyes, pati ba naman siya? What's wrong with that? Hangga't hindi ako pinipilit na dalhin sa kama, hindi naman siguro masama ang makipagkilala sa isang lalaki? Hindi naman ako lalagpas sa limitasyon kapag alam kong sobra na.
"Parehas kayong conservative!" Sabi ko na ikinatawa niya lang. Nang matapos kami ay agad din kaming nagbihis. I wear a simple blue strap dress and a wedge sandals, my brown and curly hair is now flowing on my shoulders. Nang makita ko ang friend ko ay napangiti ako dahil parehas talaga kaming maganda! I'm very thankful to the genes of my parents dahil parehas itong may banyagang dugo. My mother is half Italian and my father is american.
Sinundo kami ng aking driver patungo sa isang mamahaling restaurant kung saan kami mag didinner. At halos mapairap ako ng makita ang likod ni Perseus habang tamad itong nakaupo sa tabi ng kaniyang ama. Sabay kaming umupo ni Ara, at sa kasamaang palad magkatapat pa talaga kami ni Perseus.
"Good eve tito!" Maligayang kong bati kina Mrs and Mr. Williams, ganun din si Ara sa aking parents. Nang maayos na akong nakaupo ay naramdaman ko kaagad ang mabibigat na titig ng unggoy na nasa harap ko. Sandali akong sumulyap sa kaniya para bigyan siya ng irap after I do that agad akong tumingin kay mom and dad.
"Thank you for letting my daughter to be with Arabella..." unang salitang namutawi kay mommy. Ngumiti si Mrs. Williams. Medyo tumagal ang titig ko dito, napansin ko na light brown ang mata nito dahilan kung bakit alam ko na kung anong lahi ang nanalaytay dito, just like my dad she's half american.
"It's our pleasure, and also your daughter is very welcome on our home." Mrs. Williams said. Tahimik lang kami nina Arabella at Perseus habang nakikinig sa usapan ng matatanda. Tahimik akong nagsimula ng pagkain at hindi sinasadyang napasulyap ako kay Perseus at halos bilaukan ako ng makita ko siyang nakatingin pa din sa akin! What the hell is his problem?! At katulad nga ng inaasahan ay natapunan ako ng tubig na iniinom ko! Damn it!
"Emerald!" Tawag ni mommy sa akin ng padabog akong tumayo dahil sa malamig na tubig na natapon sa aking dress. Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang kanilang gulat na ekspresyon. Damn it!
"Natapunan ako ng tubig mommy." Sabi ko sa medyo inis na boses dahil ng bumaling ako kay Perseus ay agad na itong ngumisi. Damn! Damn this monkey! Kasalanan niya ito eh!
"Fix yourself in the restroom Emerald." Utos sa akin ni dad.
"Are you okay?" May pag aalala na tanong ni Mrs. Williams, hilaw akong ngumiti.
"I'm fine tita. Excuse me." Sabi ko at agad dumiretso sa restroom. Padabog kong sinarado ang cr dahil wala namang tao.
"Arghh!" Naiinis kong sigaw dahil sa inis na nararamdaman!
"Damn that monkey!" Sabi ko habang tinitingnan sa repleksyon sa salamin ang aking nabasang dress, how will I dry it up? Kung hindi lang sana ako...damn him!
"Ang sarap sarap tirisin nang lalaking yun! Kamukha siya ni kingkong! Kampon siya ni boots! Akala mo gwapo pero nakatira naman sa zoo-"
"Kailan pa ako tumira sa zoo?" Napalingon ako sa unggoy na basta na lang pumasok sa cr ng mga babae. Humarap ako sa kaniya at agad akong nainis dahil sa ngisi na nasa kaniyang labi. How I hate that smirk! Lumapit ako sa kaniya at agad siyang sinuntok sa kaniyang braso.
"Ouch! What was that for!" Sigaw niya sa akin, kumunot ang kaniyang magagandang kilay- wait, pangit na kilay pala!
"Ikaw ang may dahilan kung bakit ako nabasa ng tubig! Unggoy ka talaga!" Sigaw ko sa galit. Tumayo siya ng tuwid at nakataas kilay akong tiningnan, since hanggang leeg niya lang ako kaya nakatingila pa ako para mabigyan siya ng masasamang tingin.
"Kasalanan ko ba na sobra kang nagwapuhan sa akin kaya ka kinabahan at nabulanan na naging dahilan ng pagkakabasa mo?" He said with confidence.
Talaga ba? Feeling gwapo! Dinuro ko siya.
"Hoy lalaking kamukha ni kingkong! Hindi ako nabulunan dahil gwapo ka! Nabulunan ako dahil nasagwaan ako sa mukha mong kamukha ni boots!" Sigaw ko.
Kumunot ang kaniyang noo. Kung hindi lang ako galit malamang ay humagalpak na ako ng tawa pero dahil galit ako sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Dati si kingkong, ngayon naman si boots! And who the hell is boots?! At ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako unggoy at lalong hindi ko yun kamukha! I am Perseus Samuel Williams! The handsome guitarist of The Constellation band!" Sigaw nito sa akin, kitang kita na ang kapulahan ng kaniyang pisngi sa galit dahil sa kaniyang tisoy na kulay.
"Wala akong pakielam! Unggoy kang hayop ka!" Sigaw ko at nilagpasan na siya para makaalis sa lugar na yun pero hindi pa ako nakakaalis ay agad siyang humarang sa dinaraanan ko at agad nanglaki ang mata ko ng hapitin niya ako sa aking bewang at inilapit sa kaniyang katawan. Damn it! Anong ginagawa niya! We are so close! Ramdam na ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking labi.
"Someday you'll realize...the real me Stoney." He whispered before he leave me dumbfounded.
Tulala ako habang pabalik sa dinner, naging tahimik na din ako dahil sa mga titig ni Perseus the whole time.
Nang matapos ay nagpaalam na ang bawat isa. Hindi ko na pinansin si Perseus at nagpaalam na lang kay Ara.
Kinabukasan ay halos mapuyat ako dahil sa pag iisip kagabi sa mga nangyari.
Someday you'll realize...the real me Stoney.
Damn it! Pwede ba tigilan mo na ako!
"Emerald!" Halos mapatalon ako sigaw ni Ara sa akin. Kunot niya akong tiningnan.
"Are you listening?" She asked. Bumuntong hininga ako.
"Emerald this is for our report mamaya! Hindi tayo pwedeng bumagsak!" Pangaral nito sa akin. Isinantabi ko muna ang iniisip at binigyang pansin ang report namin ni Ara. When the morning class ended halos stress na kami dahil sa madaming pa assignment ng mga teacher.
"Tapusin na lang kaya natin sa library yung Calculus natin?" Ara asked.
"O...kay." tamad kong sagot. Nasa cafeteria kami ngayon at naglalunch na. Matagal akong tinitigan ni Ara.
"May problema ba? Bakit ang lumbay mo ngayon? At halos wala kang pinansin na lalaki ngayon ha!" Sabi nito. Umirap na lang ako sa kaniya. I'm not in the mood today.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa umingay na naman sa cafeteria. And as usual nandyan na ang The Constellation band. Umupo sila sa kanilang table, at agad akong napaayos ng magtama ang mata namin ni Perseus, he's smiling ear to ear. And I hate it.
Umirap ako at iniwas na lang sa kaniya ang tingin. Kunot nuong tumingin sa akin si Ara.
"Nag away kayo kagabi ni kuya ano?" She asked. Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya at nagpatuloy kumain.
"Emerald right?" Napabaling kami sa isang babae na tumigil sa harapan namin ni Ara, it's a girl with her nerdy glasses. May dala dala siyang milk shake.
"Yes, why?" I asked. Inilahad niya sa akin yung milk shake na hawak niya.
"May nagpapabigay." She said. Tinanggap ko ito at agad siyang umalis.
"Another admirer huh?" puna ni Ara.
Napatitig ako sa milk shake at napansin ko dito ang isang sticky notes, binasa ko ito at agad nagrambolan sa pagtibok ang puso ko dahil dito.
Try to taste this one, you should drink this if not be ready for the punishment. There will be another next time Stoney.
Isang tao lang ang tumatawag sa aking Stoney, and it is...
Lumingon ako sa kanilang kinauupuan at natagpuan ko doon si Perseus na nakangisi sa isang babae sa kaniyang tabi. Agad nag alab ang damdamin ko. Drink this huh? Itapon ko kaya to sa pagmumukha niya?
BINABASA MO ANG
Dangerous Enemy (TCB#2)
Romance"This world is full of untold things, war or battles, many dangerous happenings, but I realized the most dangerous can be happened is your enemy." -Emerald Stone Smith