Remember
Tumigil ang motor sa tapat ng isang ihawan. Bumaba ako at tinanggal ang helmet, binigay ko ito sa kaniya habang siya naman ay nakatingin sa akin. I looked at him and my eyebrows arched when I saw him smirking.
"Ito lang ang napili kong kainan na medyo malapit." He said. Sumulyap ako sa ihawan na nasa harap namin. Kaunti lang ang taong kumakain dun, at medyo mausok din dahil sa pag iihaw pero maayos naman ang environment.
"Ayos na dito." Sabi ko at diretsong naglakad papasok. Umupo ako kung saan medyo sulok. Sumunon siya sa akin at umupo sa harap ko.
"Ano pong sa inyo?" Tanong ng isang babae sa amin na siguro ay may ari ng ihawan.
"Barbecue and...adidas." napatingin ako kay Perseus ng marinig yun. Tumaas ang kilay ko. Hindi halata sa kaniya na alam niya ang mga bagay na yan.
"Yun lang po?" The old lady asked.
"With rice and orange juice for two." Perseus added. Nang umalis na ang babae ay buo na ang atensyon niya sa akin.
"Why are you looking at me like that?" He asked smirking. Nagkibit balikat ako.
"Hindi halata sayo na alam mo ang mga ganitong bagay." I said. He chuckled, damn it! Kahit pag halakhak niya ay parang mahuhulog ang kung sino man ang tumingin dito.
"Then, why did you expect from me?" He asked. Matagal kaming nagkatitigan, bakit parang matagal ko ng nakita ang mga matang yan? Even the color of his eyes feel so familiar. His gray eyes.
"A man who's busy with office work...a man with a huge office and there's a word CEO in his desk and a mansion, a man with a big gold spoon on his mouth." I said. Ikiniling niya ang kaniyang ulo na para bang pinagmamasdan akong maigi.
Natigil kami parehas ng inihain na ang mga order namin. Hindi na kami nagsalita ng maihain ito at nagsimula ng kumain. The food is nice. Madalas ako nitong makakain sa may kanto doon kina nanay Luz pero ito ang pinaka masarap na natikman ko.
Busog na busog ako ng matapos. Halos hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Perseus. Bumaling ako sa kaniya.
"I wonder...kung bakit ka lagi lumalapit sa akin...pinaglalaruan mo ba ako Perseus?" Mariin kong tanong. His serious eyes is so mysterious. Prente siyang umupo sa kaniyang upuan. Huminga ako ng malalim.
"Ano sa tingin mo?" He asked. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam pero nag iinit ang ulo ko. Bakit kailangan niya pa akong pag isipin ag guluhin ang tahimik kong mundo?
"Ako ba'y niloloko mo? Tama bang sagutin mo ng tanong ang isa pang tanong?" I asked irritatedly. Humalakhak siya at tumayo.
"Let's go." Lumapit siya sa akin at ako naman ay kunot noo siyang sinusundan ng tingin.
"At saan naman tayo pupunta?" I asked.
"Basta." Tapos hinigit niya ako patayo ay hinila kung nasan ang kaniyang motor. Damn it! Ang galing galing niya talaga sa ganito! Isinuot niya sa akin ang helmet.
"Pag hindi ako nakapagtimpi, sisipain talaga kita. Nasasanay ka nang hilahin ako ng hilahin eh." Iritado kong sinabi. He smirked.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago.." he whispered. Kumalabog ang dibdib ko. Gusto kong magsalita at magtanong kung anong ibig niyang sabihin pero hindi ko alam kung bakit may takot sa puso ko. Sumakay siya sa motor at ako naman ay umangkas sa kaniya.
Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay...more like a mansion! Bumaba ako at tumingin kay Perseus.
"Kaninong bahay ito?" I asked.
Hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya, halos mangilabot ako sa pagkakahawak niya sa aking braso.
"It's mine...I want to show you the real me Emerald..." he whispered. Kinabahan ako sa kaniyang sinabi. Pinaharap niya ako sa kaniya, he lifted up my chin so our eyes would level. Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko. Higit pa ito sa mga naging kaba ko noon. This time...it's different. Para bang pag nalaman ko ang totoo niyang pagkatao ay malalaman ko din ang sarili ko.
He stared at me. Para akong nanghihina.
"Emerald...I knew you for a very long time...you were my...enemy...you used to scold me, rolled your eyes on me, hit me with your bare hands and make me mad so bad. But Emerald....that was the most important memories I have, the only treasure I have....the moment I lost you...it's like a treasure that missing..." he said. Umihip ang malakas na hangin sa pagitan namin. Hindi ko namalayan na may luha na sa tabi ng aking mata. Bakit sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko? Bakit natatakot ako? Natatakot ako sa mga maaari kong marinig.
"I am Perseus Samuel Williams....I know you have amnesia...but please Emerald....remember me, kahit pangalan ko lang." He whispered. Tuluyan ng umagos ang luha sa aking pisngi. Lalo pang nawasak ang puso ko ng makita ko ang sakit, lungkot, at pangungulila sa kaniyang mga mata. He closed his eyes, idinikit niya ang noo sa aking noo.
"Don't say anything Emerald...let's just stay like this for a moment." He said. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap sa kaniya.
Who are you to my life Perseus? Bakit sobra akong nasasaktan sa lahat ng sinabi mo? Sobra sobra.
Umayos siya ng tayo at pinalis ang luha na nasa aking pisngi. Malungkot siyang ngumiti.
"It's okay...you don't have to push yourself to remember me. But...can I stay with you while I'm waiting you to remember?" He asked. Kinagat ko ang labi ko dahil panibago na namang luha ang gustong umalpas sa aking mata. Marahan akong tumango.
"Yes...Perseus." i answered. He hugged me tighter. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa kaniyang yakap na lalong nagpagiba sa aking puso.
"Thank you.." he whispered.
BINABASA MO ANG
Dangerous Enemy (TCB#2)
Romance"This world is full of untold things, war or battles, many dangerous happenings, but I realized the most dangerous can be happened is your enemy." -Emerald Stone Smith
