Fun
Lalong dumami ang gawain ng tumuntong kami ni Arabella sa second year college. Hindi ko naman akalain na ganito pala mag aral pag college na. You need patience and perseverance before you have a higher grades at kung hindi ka naman kikilos malamang ay babagsak ka.
"Malapit na ang sem break, anong plano mo?" Arabella asked me habang nandito kami sa library at gumagawa ng aming report, tumunganga ako sa kaniya, noong nakaraang taon pumunta kami nina mommy at daddy sa Canada para sa sem break pero ngayon hindi ko alam kung anong plano nila.
"Hindi ko pa alam eh, I'll ask dad later." I answered. Tahimik kaming dalawa ni Arabella na gumagawa hanggang may isang tao na umupo sa tabi ko, kahit hindi ako lumingon alam ko na kung sino, dahil siya lang naman ang may lakas ng loob na tumabi sa akin ng ganito.
"Kuya! What are you doing here?" Arabella asked Perseus. Inangat ko ang tingin kay Perseus na ngayon ay nakangisi sa akin. Hindi pa rin talaga nag babago!
"Visiting you. Why? Masama?" Naghahamon na tanong ni Perseus. Umirap sa kaniya si Ara at nagpatuloy na lang sa ginagawa. Nag fefeeling close na naman si Perseus. Lumipas man ang halos isang taon ay ganito pa rin siya, simula ata noong nagcollege ako ay lagi na siyang lumalapit sa akin, pero sa madalas niyang pagpapakita sa akin lagi kaming nag aaway, hindi ko tanda kung kailan kami nagkasundo ng unggoy na ito.
"Aalis na nga ako!" Sabi ni Ara at biglang umalis. Kumunot ang noo ko. Ano na naman kayang ginawa ni Perseus at umalis si Ara, bumaling ako kay Perseus na ngayon ay malaki ang ngisi habang nakatingin sa akin. Sinarado ko ang aking libro at humarap sa kaniya.
"What are you up to this time?" I asked. Aba kahit naman ilang beses na kaming gumala na kami lang dalawa hindi pa rin kami close! Umayos siya ng upo at tiningnan ako.
"Bakit ba? Masama na bang bisitahin ng isang katulad kong gwapo ang isang katulad mo?" Natatawa niyang tanong. Bago pa ako bumuga ng apoy ay hinila ko na siya palabas ng library. Nakasunuod lamang siya habang papunta ako sa likod ng library, yes...madalas na kami dito ni Perseus kapag may free time ako at bigla niya ako hinihila kung saan, kaya wala akong choice kundi ang sumama. He's really unfair.
Umupo ako sa bench at inilahad ang kamay ko sa harap niya.
"Where's my food?" I asked, tumaas ang kilay niya sa akin at umupo sa tabi ko, may kinuha siya sa kaniyang bag at inilabas ang isang meal na alam kong hindi galing sa cafeteria. Wait! Galing to sa isang mamahaling resto ah?
"Bakit ito? Pwede naman na bumili ka na lang sa cafeteria?" I asked. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Pasalamat ka na lang at binilhan kita.." sabi niya at inilabas din ang pagkaing para sa kaniya. Nagsimula kaming kumain na may halong asaran, at syempre madalas na pikon ay si Perseus o...kaya naman ako.
Mabilis siyang natapos kaya hinagilap niya ang aking notebook para sa report binasa niya ito at nakita kong may binabago siya. Yes, madalas din niyang gawin yan kapag magkasama kami at may assignment ako, kahit naman mukhang unggoy yan si Perseus napag alaman ko na sobrang matalino pala ito. Kaya hindi ako nag aalangan na baguhin niya ang aking report ngayon. Nang matapos akong kumain ay tiningnan ko siyang seryoso na ginagawa ang aking report, taas kilay ko siyang pinagmamasdan.
Gwapo naman talaga si Perseus eh. Siguro nga tama siya, tinatanggi ko lang na gwapo siya dahil hindi ko matanggap. He is very handsome. Ang kaniyang mukha ay masasabi kong natumbasan niya ang mga modelong nakikita ko sa mga magazine. At his masculine body and tall height is already something, ito siguro ang dahilan kung bakit ang daming babae ang nagpapaloko sa kaniya.
"Tapos mo na bang purihin ang kagwapuhan ko?" Nabigla ako ng itanong niya ito at nilapag sa harapan ko ang aking notebook, mabilis ko itong kinuha at tumayo na, umirap ako dahil nakangisi na naman siya.
"Feeling ka naman! Hindi ka kaya gwapo!" Singhal ko at umalis na at iniwan ko siya dung tumatawa.
Naramdaman ko na naman ang kakaibang tibok sa aking puso. This is dangerous, paano ko ba mapipigilan ang aking puso? How will I escape in this feeling?
Nang dumating ang sem break ay napag alaman kong pupunta kami nina daddy sa Japan. It's okay with me, pero alam kong mamimiss ko ang Pilipinas, ganito naman lagi. Whenever we go out of town I always feel homesick kahit pa kasama ko naman sina mommy. Siguro mas komportable ako sa Pilipinas.
Habang nasa isang resto kami sa Japan ay nag uusap sina mommy tungkol sa bagong brand ng soap na ilalabas ng kompaniya. Ganiyan kasi umiikot ang business nila. Our Corporation is making a brands of soap na alam kong galing sa mahuhusay naming empleyado.
"Mommy restroom lang." paalam ko sa gitna ng kanilang pag uusap, tumayo ako ng tumango si mommy, inayos ko ang aking coat na suot at dumiretso na sa restroom. Nilabas ko ang aking cellphone at nakita ko ang mga text ni Arabella.
Arabella:
Hi Emerald! How are you? I already missed you! Nasa Boracay kami ngayon nina mommy and daddy, I hope we can video call later or the other day!
Napangiti ako dahil alam kong masaya na naman si Ara, alam kung gaano kasabik si Ara sa dagat.
Ako:
I'm okay Ara! I missed you too! Yes, we can video call later. Aasahan ko yan mamaya.
Nang matapos kong replyan ang lahat ng nangamusta ay halos mabitawan ko ang aking cellphone ng may tumatawag, and it's Perseus! Ano naman kayang kailangan nito? Sinagot ko ito at pinakinggan ang kaniyang paligid. Tahimik ah?
"Hello?" I answered.
"Where are you?" He asked, kumunot ang noo ko at natawa sa tanong niya.
"Sa Japan, hindi mo ba alam-"
"Where in Japan?" Putol niya sa sinasabi ko. Kumunot ang noo ko.
"What do you mean?" I asked confused.
"I'm here in Tokyo Japan, now tell me where exactly you are." He said in cold baritone. My eyes get widely because of shocked. What the?! Di nga?!
"Nasa Terikami Resto-"
Hindi niya na ako pinatapos at pinatay niya na ang tawag. What the hell?! Bakit siya nasa Japan? Anong ginagawa niya dito? Is he insane? Damn it!
Tulala akong umupo ulit sa tabi ni mommy, pero ang aking ulo ay palinga linga sa buong paligid anticipating someone to come in. Pero biglang nagvibrate ang aking cellphone at nakita ko ang isang text ni Perseus.
Monkey Perseus:
I'm here outside.
Bumaling ako kina mommy at daddy.
"Mom...dad, una na muna ako sa kotse may...kukuhain lang." I said.
"Sige, wag kang pupunta kung saan ha." Mom said before she let me go. Mabilis akong lumabas ng resto at nakita ko si Perseus na nakatayo sa harapan ng isang motor bike. Hindi ko akalain na nandito talaga siya! Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinuntok ko ang kaniyang braso, nagulat ata siya kaya napaatras siya. He glared at me.
"What was that for?!" He asked angrily. Natawa ako dahil pikon na naman.
"Bakit ka nandito? I thought nasa Boracay kayo?" I asked. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa bulsa ng kaniyang coat at ngumisi sa akin.
"Constellation band have a fan meeting here, at ngayon ay rest day namin...so I decided to visit you also." He explained. Lumapit siya sa akin at nagulat na lang ako ng isuot niya sa akin ang isang helmet. Tumambol na naman ang puso ko dahil sa lapit naming dalawa. Nang matapos siya sa paglalagay ay nakangisi siya sa aking tumingin.
"We will enjoy Japan." He said before he held my hand and make me sit on the motor bike. Sumakay din siya at binuhay ang makina ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" I asked.
"Kahit saan." He said.
"What if mom and dad find me?" I asked. Humalakhak siya.
"Don't worry I already texted them for a permission." He said. Napangiti ako dahil napaghandaan niya ang lahat.
Nang umandar ang motor bike ay wala sa sarili kong pinulupot ang aking kamay sa kaniyang bewang, nag init ang pisngi ko ng tumawa si Perseus.
"Tsansing." He said. Kunurot ko ang kaniyang tiyan dahil sa kaniyang sinabi, dumaing siya pero tumawa din naman. Napangiti ako. I guess my enemy is fun to be with.
BINABASA MO ANG
Dangerous Enemy (TCB#2)
Romance"This world is full of untold things, war or battles, many dangerous happenings, but I realized the most dangerous can be happened is your enemy." -Emerald Stone Smith
