Chapter 1: Suicide

63 6 0
                                    

Elvana's Point of View

Hey, guys. I'm Elvana Lynn Ericka Gomez, just call me Van, 20 years old. Hindi na ako masaya, kasama ang boyfriend ko. Lagi niya na lang ako sinasaktan emotionally. Lagi niya na lang kasama, ang mga babae niya. Akala ko napabago ko na siya, pero akala ko lang pala yun. Nahulog ako sa bitag niya. Akala ko mahal niya ako. Akala ko seryoso siya sa akin. Kasi isang taon siya nanligaw sa akin. Yun pala isa lang ako sa mga babae niya, na para sa kanya ay challenging ang isang katulad kong masungit, cold, at tahimik lang ako dati. Pero, anong pilit kong wag mahulog sa kanya ay ang ending ay nahulog pa rin ako sa kanya.

Ngayon nga pala ang 1st anniversary namin. Sana man lang naalala niya.

Kahit walang kasiguraduhang natandaan niya ay naghanda pa rin ako. Para sa kanya, kasi mahal ko siya.

Tinawagan ko siya, para papuntahin dito. Kaso hindi niya sinasagot. Ilang beses ko pa siyang tinawagan pero hindi pa rin niya sinasagot. Kaya napagdesisyunan ko ng pumunta sa kanila.

Kung nagtatanong kayo kung anong suot ko ay, dress na kulay white and may color gold linings at sa bandang baywang ay may ribbon na kulay gold din. At ang suot kong sandal ay kulay gold and white din. At nakatali ng ponytail ang medyo wavy kong buhok. At nakalight make-up.

Sumakay ako sa Ferrari ko at nagdrive papunta sa kanila. Pinapasok na ako ng guard dahil kilala niya naman na ako.

Hanggang sa makarating ako sa mansyon nila. Nagdoorbell ako.

Lumabas naman si Ate Mona na kasambahay nila.

"Pasok ka, iha" siya. Nginitian ko naman siya at pumasok na.

"Ate Mona, nasaan nga po pala si Tin?" Ako. Ang boyfriend ko nga pala ay si Justin Black Guevarra.

"Ah,eh nasa kwarto niya, iha" ate Mona. Tumango ako at umakyat papunta sa kwarto niya.

Habang papalapit ako ng papalapit may naririnig akong mga ungol.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Habang palapit ako ng palapit sa kwarto niya. Ay mas naririnig ko ng klaro ang ungol ng isang babae.

Sumilip ako sa medyo may siwang na pinto. Na wari'y nagmamadali sila kaya nakalimutan nilang isara ang pinto.

Pagkasilip ko ay, dun na tumulo ang luha ko. Ang boyfriend ko......

At si....

Julie na kaibigan ko ay........

May ginagawang kababalaghan sa loob.

Yun ang patunay na......

.... hindi na talaga ako mahal ng boyfriend ko.

Tutal walang-wala na rin naman sa akin. Kakapalan ko na ang mukha ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at binuksan ang pinto ng pabalibag.

Halatang nagulat sila at napatigil sa ginagawa.

"What a beautiful scene isn't it?" sarkastiko kong sabi.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon