Elvana's Point of View
Sabado ngayon, nandito ako sa bahay ni Tin. Syempre, ako nga ang 2 weeks maid. 5 days niya narin akong maid, ah. 9 days na lang at matatapos na tong paghihirap ko. Pang-5 ngayon, remember Tuesday ako nag-start o na-punish na maging maid niya.
Time Check: 8:00 A.M
Bumaba na ako at nakita siyang kumakain.
Nang makita niya ako ay tumigil siya sa pagkain.
"9:00 A.M ang practice natin ngayon, at the music room" siya. Tumango naman ako at dumeretso sa kusina at nagtimpla ng kape at kumuha ng kanin.
Bumalik na ako sa hapag-kainan. At umupo sa harap ni Tin. Wala ang mga magulang ngayon ni Tin, sigurado akong pumasok na ito sa trabaho.
Uminom si Tin ng kape,at saka nagsalita.
"Ah nga pala, sabi ni Tito, na sa closing daw ng party ay dapat by groups. Halimbawa, tayong dalawa, ikaw girl group ang bubuuin mo para makasama mong kumanta't sumayaw sa stage. At ganun rin ako" siya. Tumango lang ulit ako. Eh, sa tinatamad ako magsalita eh.
Nang matapos siyang kumain ay inilagay niya ito sa hugasan.
At umakyat sa hagdan, pero nasa gitna palang siya ay nagsalita siya.
"Ah, nga pala. Hugasan mo yung hugasan diyan at linisin mo na rin yung banyo dyan sa kitchen, madumi na kasi" siya at tuluyan ng umakyat at pumasok sa kwarto nito.
Teka nga pala, bakit parang mas lumalala ang pagririgudon ng puso ko pag-nasa malapit siya, lalo na pag nakangiti siya. Kita ang dimples niya.
Para akong kinakabahan, exactly. Haist! Wala lang yun, siguro kinakabahan lang ako sa practice namin. Tama! Kinakabahan lang ako......
Haist!!!! Niloloko ko lang ang sarili ko sa mga iniisip kong, sigurado namang hindi yun ang dahilan..... I hate to say pero may crush na ata ako kay Tin.
Remember, crush. Paghanga. Hindi like nor love, yuck! Kadiri!!!
Pagkatapos kong kumain ay naghugas na agad ako ng pinagkainan, well, medyo marami ang hugasin kasi ang mga maid pa na nandidito, ewan ko ba, sinadya niya atang ako ang paghugasin niya. Well, not a problem to me. Ako kasi ang naghuhugas sa pinagkainan ko dati nung mahirap pa kami.
Pagkatapos ko ay tiningnan ko yung orasan, kung anong oras na. Time Check: 8:52 A.M.
Umakyat na ako sa kwarto ko, para makapagbihis.
Nang makapasok ako ay agad-agad akong nagbihis ang sinuot ko ay black leggings, black T-shirt, at nagtali ng pig tail. At nagrubber-shoes.
At lumabas na ako at pumunta na sa Music Room, at nandoon na siya.
Umupo na ako sa sofa sa harap niya.
"Okay, pakinggan muna natin ang boses ng isa't-isa. "
"Naririnig ko naman,ah. Araw-araw ko nga naririnig ang boses mo eh" pambabara ko sa kanya. He frown.
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceMaraming uri ng second chance. May second chance na binibigay sa minamahal kapag nagkahiwalay. May second chance sa iyong buhay, like marami kang nagawang kasalanan at gusto mo na magbago, yung pagbabagong-buhay mo yung second chance. But, how about...