Chapter 24: Her Rules

6 0 0
                                    

Van's Point of View

Napagusapan kasi namin ni Tin na bawat paglabag ko ng rules kuno niya ay madadagdagan ng araw ang pagiging maid ko sa kanya. Kung gaano karami ang nalabag ko, ganun rin karami ang magiging araw na madadagdagan ang pagiging maid ko sa kanya.

Napag-usapan namin yan kahapon.

Ilan ba ang nalabag ko?

Yung Rule no. 1, na bawal mag-reklamo, eh nagreklamo ako kanina dahil sa peste niyang girlfriend. Rule no.3 na dapat sundin ko ang utos niya, eh hindi kahapon sabi niya wag ko daw sasaktan yung mukhang tubol niyang girlfriend, eh sinaktan ko ngayon, eh sino bang hindi magagalit kung ibinuhos sa inyo yong bagong kulong kape, eh hindi mo naman siya inaano. Rule no.5 bawal maingay eh sinigaw-sigawan ko siya kanina, at Rule no. 6 that master-slave thingy niya. Hindi ko siya tinawag na master kanina.

4 fvcking days?!

Four fvcking days ang madadagdag?! At dahil yan sa tukmol na malanding dinaig pa ang clown sa sobrang kapal ng make up na girlfriend ni Black!

Imbis na makakalaya na ako sa pagiging slave ng hinayupak na yun bukas. Nadagdagan pa ang araw.

Nanlalagkit na rin ako ngayon. Dahil sa kape, wala akong extra uniform na dala.

Haist! Gusto kong manuntok ngayon. Kaya sana lang walang mang-asar sa akin ngayon. Dahil kung hindi, malas niya, baka mapatay ko siya.

Kaso talaga namang may gustong maghanap ng sakit ng katawan itong pesteng nasa harap ko ngayon.

"Hey, I heard na sinaktan mo yung girlfriend ni Tin,ah. Napakayabang mo talaga, porket ikaw ang bagong reyna ng school natin ah! Tapos yung mga inaaway mo pa yung mga maganda dito sa university, like me. You're just insecure!"

Tumayo ako sa upuan ko.

"Haist, bobo mo talaga! Isa ka pa, eh. Ang sarap niyong paguntuging tatlo. Mga walang utak. Tsk, tsk! Naturingang maganda wala namang utak. Sigurado akong maliban sa sinaktan ko yung bitch na girlfriend ni Black Sheep ay alam mo kung bakit ko siya sinaktan. Gusto mo try ko ngayon,magpakulo ng ininit at magtimpla ng kape at ibuhos ko sa'yo, tingnan ko reaksyon mo. Pag natuwa kapa, magpa-mental hospital ka na. At ako insecure sa inyo. Naku! Wag na. Kasi wala naman kayong utak. What's the use of being beautiful if you don't have knowledge, because knowledge will make you successful and that's can make you beautiful. Dahil pagnagka-pera ka, makakapagpaganda ka na, bukod pa dun, ikaw ang kumikita ng sarili mong pera, hindi asa sa magulang. And what's the use of being beautiful if you're behavior is bad. You know pretty's on the inside. At kung mayabang na ako sa lagay na yun? Ano ka pa? Sobrang yabang?" ako.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon