Chapter 2: Second Chance

36 5 0
                                    

Hanna's Point of View

Narito sila sa hukuman sa langit.

Nagkita si Elvana at Justin kanina at nagyakapan pa ang dalawa. At nag-usap pa sila.

(Dahil mabait ako ifla-flashback ko)

Flashback

Pumunta si Justin sa bahay ni Elvana matapos niyang mahiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya, dahil alam niyang naroon ito.

Hindi siya nagkamali. Naroon ito at nakangiting nakatingin sa mga litrato nilang magkasama sa isang frame.

"Van mahal ko"

Napatingin sa direksyon ni Justin si Elvana.

Agad tumakbo si Justin upang mayakap ang nobya. Halatang nagulat si Elvana dahil kaluluwa na lang rin si Justin.

"Bakit ka nagpakamatay, Justin?" si Elvana.

"Kasi gusto kitang makasama at masabi ko sa'yong mahal kita. Kaya ko lang naman yun nagawa dahil ayokong masaktan kita dahil in-arrange marriage kami ni Julie. Pero ang totoo ay mahal na mahal kita. At ang sinabi ko kanina ay lahat ng iyon ay kasinungalingan." Justin. Ang drama nila ano. Hinalikan niya ito sa noo.

"Pero, Justin. Hindi mo dapat ginawa yun. Kasi may nagmamahal sa'yo. Justin wag kang selfish! Hindi mo alam ang mararamdaman nila. Maraming nagmamahal sa'yo Justin kaya hindi ka na lang pwedeng basta-basta na lang mamatay! Ako pwede kasi......" Mapait na napangiti si Elvana.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon