Van's Point of View
Binilisan ko na ang pagbalik. Medyo natagalan din kasi, kasi hinintay ko pang umalis yung higad at yung lalaki.
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school. Dito muna ako tatambay, ang boring kasi sa classroom. At hindi pa naman time ng science namin. Pero 10 minutes na lang.
Nakaupo ako dito at nagce-cellphone ng biglang may umupo sa kaharap kong upuan. Napatingin ako sa kung sino ito.
At nakita ko ang isang lalaki. Nakangiti siya sa akin. Hindi siya pamilyar sa akin.
"Pwede ba akong umupo sa harap mo, Van?" Siya.
"Ano pa bang magagawa ko nakaupo ka na?" Umirap ako.
"Sumungit ka na, ah!?" Siya.
"Mister, do I know you?" ako.
"Ouch! Di mo na ako tanda, Van?!" Sabi nito at napahawak pa sa dibdib na animo'y nasaktan sa sinabi ko.
"Magtatanong ba ako kung sino ka, kung kilala kita?!" Ako.
Naiirita na naman ako.
Why these people around me doesn't have common sense?!
"Sige na nga. Magpapakilala ulit ako.*tikhim* Ako si Thomas Drake Regalario, 18. Naging kaklase mo ako nung Grade 3 at naging crush mo rin. Ang laki ng pinagbago mo, ah, Van. Dati ang bait-bait mo at nakakausap ka ng matino, ngayon parang galit ka sa mga tao at nambabara ka pa. Ginulat mo ako!" Siya.
Ah, yun natandaan ko na! Siya yung crush ko nung grade 3 na crush din ako.
[Thomas Drake Regalario pronouns as Tomas Dreyk Regalaryo as Lee Min-Ho]
"And so? Wag mo ibalik ang pasts. Pasts na yun! Hindi na dapat binabalikan. Kasi iba na ako ngayon. Hindi na ako yung kilala niyong Elvana Lynn Ericka Gomez noon."
"Chill, chill, ok. Gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo. Kung pwede? Nga pala nakita kita dun sa may Group Performance nung Acquaintance" siya.
Okay lang. Kasi naging close rin kami dati niyan ni Drake. At naging friends. Kaso lang nung Grade 5 kami pina-transfer siya sa ibang school kasi lilipat sila ng bahay.
At friendly nga pala ako. Halata naman sa dami kong friends right. At kilala ko rin naman na tong ulupong na'to. Mas una ko pa nga siyang naging kaibigan, kesa kila Aimie eh.
"Sige, payag akong maging friends tayo. Just friend, F-R-I-E-N-D-S. No more than relationship. Just friends. Are we clear?!"
Tumango siya. At ngumiti.
"Nga pala, bakit highschool ka pa rin ngayon? Diba dapat college ka na? Dun ka dapat sa kabilang building"
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceMaraming uri ng second chance. May second chance na binibigay sa minamahal kapag nagkahiwalay. May second chance sa iyong buhay, like marami kang nagawang kasalanan at gusto mo na magbago, yung pagbabagong-buhay mo yung second chance. But, how about...