Justin's Point of View
Matapos ang awkward na pag-uusap namin sa kotse ni Van kanina ay nakarating na kami sa bahay.
Pi-nark ko ang kotse sa parking lot namin at lumabas sa kotse. Lumabas na rin siya. Marahil alam niyang hindi ko siya pagbubuksan. Haha.
"Sundan mo ako, dadalhin kita sa magiging kwarto mo at nandun na rin ang magiging uniporme mo sa magiging maid" ako at nagsimulang maglakad, sinundan niya naman ako.
Hanggang sa makarating kami sa guest room, kung saan ang kwarto niya.
"Magbihis ka diyan, at pagmay-narinig lang buzz, pumunta ka sa kwarto ko. Ang kwarto ko ay pangalawa sa dulo sa kanan nitong floor nato.Iyon" ako at tinuro ang kwarto ko.
"Hindi ka pwedeng basta-basta pumasok diyan, kapag di kita pinapatawag. Are we clear?"
"Ok. " siya at umirap.
Umalis na ako at dumeretso sa kwarto ko.
***
Elvana's Point of View
Tss. Bakit kaya bawal pumasok dun nang hindi niya ako tinatawag?
Ipinilig ko ang ulo ko.
Never mind.
Pumasok na ako sa kwarto ko.
Nakita ko ang pang-anime maid costume na nakapatong sa kama ko. Well, sosyal ah.
Akala ko kasi yung mga punit-punit na damit ang ibibigay sa akin ng Black Sheep na yun, eh. May awa parin pala siya. Akala ko wala na ring away yung isang yun, eh.
Kinuha ko ang uniporme na susuutin ko at pumunta sa cr, para maglines.
Wow, malaki rin ang banyo, may bathtub pa, sa tingin ko hindi naman magiging masama ang 2 linggong pags-stay ko dito sa bahay nila.
Pagtapos ko magbihis bigla na lang may narinig akong buzz.
Tinatawag na ako nito. Ano kayang kailangan ng hinayupak na yun.
Pumunta na ako sa kwarto niya at kumatok.
"Come in!"
Pumasok na ako at naabutan siyang nakaupo sa sofa.
"Anong kailangan mo?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bagay sa'yo ah. Kaso lang kung maglakad ka daig mo pa ang siga sa kalye, eh. Nagmukha ka tuloy lalaking pinagsuot ng pambabaeng maid uniform" siya
"Kaysa naman sa'yo, di ka marunong gumanti sa akin. Para lang babae kung umasta,mahina ka. Mukha ka tuloy na babaeng malaki ang katawan na pinagsuot ng lalaking damit" pang-aasar ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceMaraming uri ng second chance. May second chance na binibigay sa minamahal kapag nagkahiwalay. May second chance sa iyong buhay, like marami kang nagawang kasalanan at gusto mo na magbago, yung pagbabagong-buhay mo yung second chance. But, how about...