Chapter 13: Ex of Aimie

12 2 0
                                    

Elvana's Point of View

Napatango-tango ako nang ma-gets ang gustong iparating ni Mari. Ayaw niya munang pag-usapan ito. Pero hindi ako sanay, siya pa naman ang pinaka-baliw at masayahin sa grupo tapos pagbalik niya dito. Yan na siya, nagd-drama.

Sigurado ako, may minahal siya sa ibang bansa, at sigurado rin ako na hindi lang siya umuwi dito para makasama kami, kundi para makapagmove-on siya. Kahit kelan talaga ang dali niya basahin.

"Teka nga nao-op ako sa inyong dalawa eh. Parang nagbabasahan kayo ng isip eh. Para kayong mga timang" Aimie. Naku po umatake na naman ang sakit niyang pagiging slow, slow na pilosopo.

Minsan naman hindi siya ganyan, madali siyang maka-gets. Pag talaga umatake ang sakit niya masyado siyang nagiging slow.

Hindi ko  na lang siya pinansin.

***
Aimie's Point of View

Sa totoo lang wala akong naiintindihan sa mga ginagawa nila. Pano kasi tititigan ni Van si Mari tapos tumango-tango, ano sila, mind-reader? Nagbabasahan ng isip ng isa't isa. Bakit di nila ako isama dibuh? Alam niyo yung feeling na, parang naguusap sila through codes na hindi ko maintindihan? Ganun, ganun yun!

Pero, si Mari talaga parang may kakaiba sa kanya, eh. Bigla ba namang umiyak kagabi habang kumakanta kami ng kanta ni Moira Dela Torre na Tagu-Taguan. Sabi niya nafe-feel niya daw yung kanta ni Moira, ang tanong eh bakit niya feel na feel, dibuh. At kumanta pa kami ng iba na nakakaiyak din pero di tungkol sa love, tungkol sa bestfriwnds,etc, pero di naman siya umiyak at nag-drama, bakit nga kaya? Unless nangyari na sa kanya yun. Ayon kasi sa kanta, iniwan ang babae ng lalaking minamahal niya. May hindi kaya sinasabi sa amin tong si Mari.

Because base on my observation, may time na kausap namin siya sa Skype, na sobrang saya't sigla niya, yung parang in love? Tapos mga ikalawa sa huling paguusap namin parang ang lungkot lungkot niya, tapos ang tamlay ng boses niya at hindi rin tumagal yun ng mga 3 minuto, dahil wala daw siya sa mood at inaantok pa raw siya.

Kaya feeling ko may itinatago sa amin itong si Mari. Feeling ko hindi lang siya umuwi dito para sa amin, may ibang dahilan. O kung tama ang hinala ko, umuwi siya para makapagmove-on siya. Kasi ang alam ko sa susunod na taon pa siya makakauwi eh. Unless nga tama ang hinala ko.

Pero kilala ko si Mari. Magsasabi siya sa amin kapag handa na siyang sabihin ito sa amin......

Haist, nasan na nga kaya yung lalaking yun. Sabi niya 3 buwan lang siya sa Amerika. Bakit hanggang ngayon wala pa siya. Ilang taon na ba ang lumipas 1? 2? Ah, 3 taon na. Pero hindi pa rin siya bumabalik. Hanggang kailan pa ako maghihintay sa kanya. Handa akong maghintay kung para sa kanya, kasi.....















































































.......mahal ko siya.

Pero, paano kung hindi na ako ang mahal niya kaya hindi na ulit siya bumalik? Paano na ako ?

***
Justin's Point of View

Ngayon nga pala ang uwi ng mga kaibigan unggoy. Si Kyo, Pierce at Shawn. Si Kyo kasi nagbakasyon sa lola niya sa probinsiya. Si Pierce nagikot sa buong mundo para makapagrelax. At si Shawn naman ay bwinesita niya ang kapatid niyang si Shane sa America. Dun kasi pinag-aral ng mga magulang nila si Shane, kase may pagkamakulit.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon