Chapter 12: It hurts!!

14 3 0
                                    

Van's Point of View

Lintik na Black Sheep na yun! Ang damot! Pahirapan daw ba akong makuha yung pagkain. May pa-magic word-magic word pang nalalaman. Para siyang bata!

Haist! Kung hindi lang mahaba ang pila, hindi ko talaga to pipiliting bigyan ako ng pagkain eh.

"Hoy, slave maid!" Sino pa nga ba? Edi ang kutong lupa kong amo.

"Bakit,master?!" Ako. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako, pag tinatawag ko siyang master. Kung di ba naman isip bata tong amo ko't gusto eh master ang tawag sa kanya, feel na feel lang?

"Ayusin mo nga ang mga gamit ko sa bag ko dun sa classroom?" Siya.

The heck?!

Di ba siya marunong mag-ayos ng gamit niya. Ay nakalimutan ko pala, its a boy 'thingy' bibihira lang sa lalake ang maayos at malinis sa gamit.

"Can't you do it in your own?" Ako.

"Bakit may angal ka? Have you forgot the rules" siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tsk!" Ako.

Paalis na ako ng tinawag niya ulit ako.

"Bakit?!"

"Patapon na rin pala nito" siya. Sabay abot sa akin ng wala nang lamang bote ng coke at plastik ng hamburger.

Padabog ko itong kinuha at tinapon sa basurahan malapit sa garden. Tsaka dumeretso sa classroom.

"Tamad talaga!" Bulong ko. Gusto niya lang makapambabae , eh. You know him. A playboy.

Lumapit ako sa bag niya. At sinimulang ayusin ito. I can't believe na halos walang laman yung bag niya! Ang laki pa naman ng bag. Akala ko marami siyang gamit, tapos malalaman ko na 3 notebook, isang big notebook, isang pad at 2 ballpen ang laman ng bag niya?! Susmaryosep! Habang kami hirap na hirap magdala ng gamit sa school, siya naku, naku! Wala na akong masabi!

Halos lahat ng pangit na ugali ng lalaki nasa kanya na.

Playboy.

Mahangin.

Tamad.

Bully.

Isip bata.

Basta! Baka madagdagan pa yan. Tsk. Tsk. Tsk.

Pero, nakakapagtaka na maraming fans tong ugok na to, hindi ba sila nao-offend sa ugali ng kumag na to?

Haist!Basta talaga gwapo, yung mga babae parang mga kinakatay na mga biik kakatili. [Oo na gwapo na siya. Ok?!]

Dahil may 20 minutes pa, ay lumabas muna ako sa classroom namin.

Teka nga pala, hindi ko pa nakikita si Aimie mula kanina, nasan na kaya yun.

"Van!!!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. At ang boses na yun ay walang iba kundi si...

"Mari! Aimie!" Ako. Magkasama silang dalawa at halata mo sa kanilang tumatakbo sila kanina pa.

Nang makarating sila sa direksyon ko ay hingal na hingal sila.

"M-May tubig k-ka?" Mari.

"Wala, eh. Di ako nagbabaon ng tubig" ako. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa, mukha silang mga lantang gulay.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon