This chapter is dedicated to girlinside29 na si Aimie Pascual. Mah prend. Dahil birthday niya. Happy-happy birthday sa'yo, labya, mwa.
At dahil birthday ni Aimie ngayon. Birthday din ni Aimie the character.
***
Van's Point of ViewHindi ko maiwasang mapatingin sa gawi nila Tin ng tawagin ni Cassandra si Tin ng 'babe'. Tapos ang sweet pa nilang dalawa. Halatang mahal na mahal pa talaga ni Tin si Cassandra.
Parang may kumurot sa puso ko dahil sa isiping hindi kailanman magiging kami. Dahil iisa lang ang mahal ni Tin. At hindi ako yun, kundi si Cassandra.
Dahil kay Cassandra hindi ko na nakikitang may kasamang ibang babae si Tin, maliban kay Cassandra.
Ang swerte ni Cassandra sa kanya. Mahal na mahal siya ni Tin, ang taong gusto—ay hindi mahal ko na ata. Sana lang habang maaga pa ay itigil niya na ang panloloko kay Tin. Sana suklian niya ng tunay na pagmamahal ang ibinibigay sa kanya ni Tin. Kasi oras na masaktan niya ulit si Tin, ako na ang makakalaban niya.
"Van, okay ka lang?" Biglang tanong sa akin ni Drake.
"Syempre naman, bakit naman hindi ako magiging okay?" Ako at ngumiti.
Dito naman ako magaling eh, ang magtago ng nararamdaman kahit masakit na.
"Van, may gusto ka ba kay, Tin?" Siya. Gulat akong napatingin sa kanya. At tumawa.
"Nagpapatawa ka ba?! Ako magkakagusto sa utak-ipis na babaerong bully'ng lalaking yun?! You gotta be kiddin me. Kailanman di ako magkakagusto sa lalaking yan, as in never!" Ako. What a liar, Van.
You hate liars yet you always lie about your feelings.
Buti nalang busy sila sa pagtatawanan kaya hindi nila kami naririnig.
"Why so defensive, Van?" Siya.
"Ikaw kasi kung anu-anong pinagsasabi mo diyan. Ginugulat mo ako sa mga sinasabi mo, eh."
"Kasi naman nakatingin ka kila Cassandra at Tin. Malay ko ba na nagseselos ka sa kanila." Siya.
Hinampas ko siya. Na napalakas at a kasi umaray siya o talagang oa lang tong lalaking to.
"Kalalaki mong tao, napakamalisyoso mo! Nakatingin ako sa kanila, kasi ang swerte ni Tin kay Cassandra. May taong nagmahal sa kanya ng totoo" sa kabaliktaran. Dahil si Cassandra ang swerte kay Tin dahil mahal siya ni Tin, samantalang siya, niloloko lang pala si Tin.
"Van, tandaan mo ang kasabihang: Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Kahit ngayon lang tayo nagkita ulit, alam kong hindi totoo ang sinasabi mo ngayon, what you saying is opposite to your heart says. Your hurt. Nasasaktan ka sa nakikita mo ngayon, pero tinatago mo lang yun. Kung makikita ka ng ibang tao, malakas ka, wala kang problema, pero pag tiningnan ka sa mata, nandun lahat ng emosyon na pilit mong itinatago. Remember this, Van. You can always lie but not your eyes....." Siya. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Teka nag-aral ba to ng psychology nung nagkahiwalay kami.
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceMaraming uri ng second chance. May second chance na binibigay sa minamahal kapag nagkahiwalay. May second chance sa iyong buhay, like marami kang nagawang kasalanan at gusto mo na magbago, yung pagbabagong-buhay mo yung second chance. But, how about...