Chapter 5: Ala-Alang bumalik (Part 2)

17 3 0
                                    

Elvana's Point of View

Papalabas na ako ng library. Pumunta ako dito para basahin ang Student's handbook. Wala lang trip ko lang basahin.

Maynafi-feel ako na mangyayari paglabas ko. Hindi ko alam pero malakas ang radar ko kung may mangyayari masama o maganda. But ngayon I'm sure di ko magugustuhan ang mangyayari. Never pa na nagkamali ang radar ko.

Saktong may estudyante sa likod ko na papalabas na rin ng library. Nag-antay ako medyo malayo-layo sa pintuan ng library.

Paglabas ng babae. Biglang tumapon or should I say tinapon sa kanya ang balde na naglalaman ng kulay white na pintura. Sabi na eh.

Naglakad ako papunta sa pinto. At lumabas.

"Tsk. Tsk. Tsk, kung gusto niyo akong saktan at ipahiya gawin niyo sa tamang proseso. Labanan niyo ako ng harap-harapan. Hindi yung ganyan" ako at sinamaan sila ng tingin.

Naglalakad na sana ako papaalis ng biglang may humablot sa buhok ko.

"Do you want fight, right? Let's fight. " yung lider nila.

"OK" ako. Well di ako mahilig manabunot kaya ang ginawa ko ay siniko ko siya at sinipa sa tuhod kaya nabitawan niya ako.

Sinuntok ko siya sa mukha at tinadyakan ko sa may tuhod kaya napaupo siya sa sahig. Sinugod ako ng dalawa pang kasama ng lider nila.

Kaya ang isa ay tinadyakan ko sa may tyan at ang isa ay sinuntok ko rin sa mukha. Parehas silang napaupo.

Nang may dumating na isang lalaki at tinuluyang tumayo yung lider.

"Okay ka lang ba, Carrane babe?" tanong ng lalaki or should I say boyfriend niya. O so Carrane pala ang pangalan niya. I admit maganda siya, kaso kung anong ikinaganda niya yun ang ikinapangit ng ugali niya. Tss, war freak.

Pinagtitinginan na kami dito. At para sa kanila ay ako ang masama.

"She punched me and kicked me in my knees, that hurts babe" Carrane said. Habang mukhang nagpapaawa aa boyfriend niya. I rolled my eyes.

Humarap sa akin ang boyfriend niya at galit ang nakapinta sa mukha nito.

"Sino ka para gawin to kay Carrane?!" he said to me.

"If you want answer. Go and ask your girlfriend what happened, bago mo ko sigaw-sigawan diyan" I calmly said.

Tumingin yung boyfriend niya sa kanya na para bang nagtatanong.

"Babe, naglalakad lang ako tapos bigla niya akong sinuntok at tinadyakan. Sinubukan akong tulungan ng mga kaibigan ko pero sinuntok at tinadyakan niya rin sila" painosenteng sabi ni Carrane.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon