Chapter 14: New Queen

10 3 0
                                    

Elvana's Point of View

Hindi rin ako napigil ng curiosity ko. At pumunta ako sa kwarto niya. Tutal wala naman siya.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay naglibot-libot ako. Wala namang kakaiba. Isang ordinaryong kwarto lang siya kumbaga.

Naglibot-libot pa ako.

But something caught my attention.

May isang pinto akong nakita. Kasing kulay siya ng pader niya,na kulay black lang pintura. Kung hindi mo pagmamasdan ng mabuti ang kwarto niya hindi mo mapapansin na may pinto pala dun.

Lumapit ako sa pinto,bubuksan ko na sana ito nang...

[I'm faded
So lost I'm Faded
I'm Faded—]

Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino lang tumatawag. Lintik naman oh! Bad Timing, talaga!

"Oh, sino to?" Ako.

[Manong Oscar! Pasundo nga po, ako dito sa Arithmaria Bar, asap.]

Boses pa lang kilala ko na. Syempre walang iba kundi si Black Sheep. Tsk! Lasing pa ang mokong. At sinong Manong Oscar? Baka driver nila.

Sasagot pa sana ako kaso lang namatay na ang tawag.

Tsk!

Tiningnan ko muna muli ang pintong hindi ko pa nabubuksan bago ako umalis sa kwarto niya.

Maybe next time.

Ginamit ko ang isa sa mga kotse niya. At pumunta sa sinasabi niya.

At the Arithmaria Bar......

Ipinark ko muna ang sasakyan ko bago ako lumabas.

Pumasok ako sa loob ng bar. Maingay sa loob, maraming sumasayaw sa dance floor, at maraming naghahalikan, meron namang halos maghubad na sa bar.

Kadiri!

Hinanap ko siya.

Hanggang sa nakita ko siya.

Lasing na siya, at may kasama siyang 3 lalaki. Na mga lasing na rin. Mukhang mga kaibigan ito ni Black. Tsk! Looks like I need to carry the 4 of them to the car, to Tin's House, papatulong nalang ako sa mga guards na ipasok sila sa loob ng bahay ni Tin.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila, kinuha ko ang braso ni Tin at nilagay ito sa balikat ko. Muntik na akong matumba dahil sa bigat niya.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng bar.

Nang makalabas na ako at tinungo ko ang kotse ay pinaupo ko siya at pinasandal sa bintana.

Bumalik ulit ako sa loob. Sunod kong binuhat yung lalaking, medyo expressionless ang mukha. (Shawn).

Kinuha ko rin ang braso nito at ipinatong sa balikat ko at lumabas sa bar. At pumunta sa kotse at itinabi kay Tin, na kasalukuyang mahimbing ang tulog.

Sunod ay yung lalaking mukhang manwhore din (Kyo). At ang last ay ang lalaking mukhang mabait. (Pierce)

Dahil puno na sila sa likod. Dito ko nalang ito ipinuwesto sa passenger seat. Malalaki rin kasi ang mga katawan nila, parang alaga sa Gym.

Nag-unat muna ako. At hinilot ang balikat ko. Dahil nanakit ito. Ang bibigat kasi nila at lalaki pa sila. Samantalang ako payat na nga babae pa. Pero kahit ganun kaya ko sila nuh.

Pumunta na ako sa Driver's seat at inii-start ang makina, saka nag-drive patungo sa bahay ni Tin. Nang makarating ako ay agad ko itong ipinark sa  parking lot nila. Saka ako nagpatulong sa guard.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon