Elvana's Point of View
Nang magbreak time. Pumunta na kami sa garden.
"Oh, ano. May nagawa ka na bang rules" ako.
"Syempre naman, ako pa. Kagabi ko pa to, pinagisapan" siya.
"Anu-ano?" Bored kong sabi.
Tumikhim muna siya.
"Rule no. 1, bawal magreklamo.
Rule no. 2, bawal mo akong pag-tripan-""Hoy, anong pinagtri-tripan, ako nga itong pinagtri-tripan mo eh" ako.
"Rule no.1 Bawal magreklamo, right?"
Tumahimik na lang ako. Itinuloy niya na ang mga rules kuno niya.
"Rule no.3 dapat sundin mo ang mga utos ko sa iyo.
Rule no.4. Bawal mo akong saktan.
Rule no. 5 Bawal ang maingay, katulad ng pagrereklamo, pagmura at iba pa, and last
Rule no. 6 you should call me master and I call you slave -""King*na mo! Okay sana lahat eh, pero yung 'master and slave' thingy mo! King*INA ka!" Ako.
"Ms. Gomez, nilabag mo na agad ang Rule no.1. Rule no.3, and Rule no. 5"
"Rule your face, you f*cking assh*le!"
Tiningnan niya ako ng masama. Napatahimik ako bigla.
"Ok, kung ayaw mo, alis na ako" siya.
"T-Teka san ka p-pupunta?" Hindi ko alam kung bakit ako nauutal.
May ideya na ako kung saan siya pupunta.
"Dean's Office" siya. At nagsimula nang maglakad.
Putspa! Kung ayaw ko lang talaga pumunta sa U.S hahayaan ko talaga tong g*gong to eh. Kung hindi ko lang iniiwasan yung taong yun eh.
"Wait!" Sigaw ko. Napahinto naman siya pero hindi siya tumingin sa akin.
"G-Gagawin ko na" ako.
Napangisi siya.
"Well, you're decision is good" siya.
Naglakad siya papunta sa akin. Ang sarap bigwasan ng mukha nito, eh. Nang mawala ang ngisi nitong Black sheep na to.
"So, now. Slave Van, bilhan mo ako ng coca cola mismo at hamburger." Siya at binigyan ako ng pera, pambili nun. Salamat siya malapit lang ang cafe dito kundi, uupakan ko talaga siya.
Naiinis pa rin ako sa tawag sa akin ng kumag na'to, eh. Hindi talaga bagay sa kanya ang tawag na master, mas magandang tawag sa kanya ay driver. Pfft. Tutal siya naman ang nagd-drive. Haha.
BINABASA MO ANG
Second Chance
RomanceMaraming uri ng second chance. May second chance na binibigay sa minamahal kapag nagkahiwalay. May second chance sa iyong buhay, like marami kang nagawang kasalanan at gusto mo na magbago, yung pagbabagong-buhay mo yung second chance. But, how about...