Chapter 21: Acquaintance Party

6 1 0
                                    

Yung scene po na ito ay yung day na nagflash-back si Mari. Pero ito yung bago siya magflash-back. Yung umaga, nagflashback kasi siya ay gabi.

April_Every....

***
Van's Point of View

Napag-usapan naming dito kami kila Mari mag-practice para sa group practice naming magkakasama si Althea, ako, Mari, Jonalyn,Janella, Aimie at Rizzy.

Nandito kami sa music room nila Mari. Kanina ko pa nga napapansin si Mari sobrang lungkot niya ngayon at parang wala siyang gana. Ang tamlay niya at wala sa sarili.

"So, ano na ang kakantahin natin?" Ani Aimie.

"Ahhm, Alam ko na! Itong kantang to ay bagay sa atin dahil tayong lahat except kay Van and Thea ay niloko ng minamahal natin diba?"Rizzy.

" Ano yun?" Silang lahat maliban sa akin.

"Yung 'Lies ng T-ARA'. Nagsinungaling ang kasintahan niya. Sinabihan ka niyang 'I love you' pero hindi lang pala ikaw ang sinasabihan niya nun. Diba bagay satin." Rizzy. Sumangayon ang mga broken hearted. Atsaka mukhang alam na rin naman nila yung tono at lyrics ng kanta. Korean song nga pala yun kung hindi niyo alam.

"But, is that ok to Van and Thea?" Mari. Mukhang nakikinig naman pala ito kahit papano. Tumingin sila sa akin.

"Oo naman. Bakit hindi? Maganda naman yung tono ng kanta" ako.

"So, practice na tayo?" Ako.

"Game!"

Pinagusapan namin kung saan kaming part kakanta sa kanta.

Pinatugtog namin ang tono ng Lies sa speaker na nakakonek sa cellphone ko at sinabayan ang kanta. Kanta muna saka namin aaralin ang dance steps.

***
Nga pala 6:00  na ngayon. Anumang oras ay magsisimula na ang programs. Nakahanda na kami ni Tin ngayon, nakapalda akong black at nakalongsleeve na black din. Para sa pagsayaw at pagkanta. Ayoko na ng papalit-palit ng damit chuchu na yan.

Siya naman ay naka T-Shirt na Black at naka-pantalon.

"To all the students, come inside the quadrangle the program will started soon. Again all students, come inside the quadrangle the program will started soon"sabi ng MC na kaklase ko na bakla. Is that Junra? Reyli? Whatever, wala akong pake.

Gaya ng sabi ng MC kuno ay nagsipuntahan ang mga istudyante kasama ako sa quad.

" Van!" Napalingon-lingon ako kung sino ang mga tumatawag sa akin, hanggang sa maaninag ko sina Thea, Janella, Jonalyn, Rizzy, Aimie at Mari. Buti di na matamlay ngayon si Mari.

Lumapit sila sa akin.

"Ano ready na kayo mamaya?" Ako.

" Syempre/ Yeah/ Oo naman" sila.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon