CHAPTER 11

690 56 2
                                    

"AKO PALA si Turo," sabi nito. "Ikaw, anong pangalan mo, binibini?"

"Ako si Cloe," tugon ko sa kanya.

Parang napaisip ito bago nagsalita. "Cloe? Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong pangalan. Kakaiba," aniya. "Saang bansa kaba galing? Paano ka napunta sa lugar na iyon? Ngayon lang ako nakatagpo ng isang binibini na halos maubos ng kainin ang mga carrots sa paligid hahaha."

Pinamulahanan ako ng mukha.
Maniniwala ba siyang na transport ako sa lugar na ito? Kung ang mga Goddess sa lugar na ito ay naniniwala. Malamang, ang nabubuhay sa mundong ito ay pagtatawanan lang ako.

"Isa akong Asian. Ahm...taga Asia ako." Sagot ko. Napailing ito bago nagsalita. Napahawak ito sa ilalim ng kanyang baba. "Malayong lugar siguro ang bansa mo. Ngayon ko lang nalaman na may lugar palang pangalang Asia," aniya.Mukhang naniwala naman ito.

At malamang sa malamang na di niya mahahanap ang pangalang Asia, dahil sa mundo ko iyon.

"Tsanga pala. Nasaan na ang kapatid mo?" Tanong ko. Sumilip ito sa pusang nasa hita ko na himbing na natutulog saka niya ito tinuro. Sabay sabing, "Binibini...Ahm Cloe, siya ang kapatid ko...si Cachu." Saad nito.

Eh? Ang nasa hita ko ay ang kapatid niya? Magkapatid silang dalawa? Ilang taon naba ito? Pero bakit pusa ito at di nag anyong tao di kagaya niya?

Mukhang kailangan ko ng sanayin ang utak ko, simula ngayon. "Gusto mo bang makita ang totoo kong anyo?" Tanong nito sa akin. Tinanong niya ba muna ako, ng sa ganun di ako mabigla? Mag aanyong pusa lang naman siya diba?

Tumango ako. Lumapad ang ngiti nito, at sa isang iglap lamang ay nag transform ito bilang isang...Lion?! Shet! Hindi naman siya pusa ah!

Oo pag sa pusa harmless. Eh kung Lion? Harmless din kaya? Mag isip ka nga Cloe. Demon Cat nga siya diba? Pero parang Demon Lion, Demon Fox naman ang nasa harap ko. Pinagloloko ba ako ng mundong ito?!

"Nagulat ba kita?" Tanong nito. Sa sobrang lapit nito sa akin. Parang gusto kong tumakbo. Pero ng maalala ko na niligtas niya pala ako. Nagbago ang isip ko. "H-Hindi naman. Nagsasalita karin pala, kahit nagtra-transform kang ganyan."

"Oo naman."

Speaking of, ang halimaw na humahabol sa akin sa masukal na gubat na iyon. Isa rin ba itong Demon Race? Nagsasalita rin ito gaya niya.

Ang kapatid niyang si Cachu. Bakit hindi ito nagsasalita kanina sa akin? Panay pica-picachu lang ang lumalabas sa bibig.

Nagtransform ulit ito bilang tao at tumabi sa akin. Parang magic lang din dahil may suot parin itong damit. Ano kaba Cloe. Alangan namang nakahubad siyang haharap sayo.

"Sa anong race ka galing?" Tanong nito. Ang alam ko lang, Demon Race, Human Race. *kamot sa batok* "Nanggaling ako sa....ahm...D-demon Race."

Sinungaling ka Cloe! Demon Race siya. Pag sinabi kong human race, baka gawin niya akong panghapunan! *Lunok*

"Anong tribe naman?" Nagtanong ulit ito. Tribe? Sa tingin ko, ang ibig niyang sabihin ay kinds of animals, chubachuchu, ganun.

"Rabbit tribe," wala sa sariling tugon ko. Bahala na si wonder woman. Sana hindi ako nagkamali ng sagot.

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon