CHAPTER 1

2.4K 94 0
                                    

Umalingaw ngaw sa buong paligid ng kagubatan sa gitna ng kadiliman ang pag ungol ng isang mabangis na hayop. Hindi ko alam kung hayop ba itong maitatawag.

Ang mukha nito ay tiger pero ang katawan ay unggoy. Mga buntot...oo mga dahil tatlo ang buntot niya na sobrang talim at matigas na iwinasiwas niya sa mga puno na ikanaputol ng mga ito.

Mga mata na sing laki ng gulong ng sasakyan at mga ngiping matatalim! Naglalaway pa ito. Indikasyon na nagugutom ito.

Binilisan ko ang aking pagtakbo upang di niya ako maabutan. Alam ko na pag inabutan niya ako, paniguradong patay ako.

Waaah! Gusto ko ng maiyak! Sa dami ng kamalasan nangyari sa buhay ko bakit dumagdag pa ito. Mamamatay na ba akong birhen?! Geez! Bakit ko ba iyon naisip!

"Wag ka ng tumakbo! Makakain rin kita..." aniya. What?! Nag sasalita ito?! "Bakit mo ba ako gustong kainin! Hindi naman ako masarap! Hindi ako maalat at hindi masarap! At isa pa! Nagsasalita ka?!" Gulat kong tanong sa kanya habang hindi humihinto sa pagtakbo.

"Hahaha....nagpapatawa kaba?! Ako ang hari ng kagubatang ito! Walang sino man ang hindi nakakakilala sa akin. Lumampas ka sa teretoryo ko kaya kakainin kita! Ngayon pa at nagugutom na ako." Kinilabutan ako sa sinabi niya...seryoso ba ito?!

Ugh! Napahawak ako sa tagiliran ko ng tumama ito sa sanga ng puno na matalim. Pinahid ko ang aking palad doon at tiningnan ko ang aking kamay.

Lumaki ang aking mga mata. Dugo?! Ngayon ramdam ko na ang mga likidong dumadaloy roon. Parang gusto ko ng mahimatay. Hindi! Kakayanin ko ito! Mabubuhay ako sa lugar na ito!

Sa di inaasahang katangahan ko. Hindi ko namalayang may malaking ugat sa aking dinaraanan kaya naman nasabit ang paa ko doon at napasubsob sa lupa bigla.

"Aw," impit ko bigla ng mas lalong sumakit ang aking sugat.

"Hahaha wala ka ng matatakbuhan binibini. Huwag ka ng tumakbo at masasaktan ka lang," wika nitong nanglilisik ang mga mata.

Napahinto narin ito sa pagtakbo at dahan dahang lumalapit sa akin. Napapikit ako ng mariin. Katapusan ko na ata. Kung di ko ba naman sinundan ang itim na pusang iyon na kinuha ang kwentas na binigay ng aking ina. Hindi sana ito nangyayari.

Pumasok ito sa isang kubo malapit sa sementeryo. Ng sinundan ko ito at makuha ang kwentas.

Paglabas ko ng kubo ay nasa gubat na ako at bumungad sa akin ang naghihintay na halimaw na ito. Lumingon ako. Pero parang bula na bigla nalang nawala ang kubong iyon na mas lalong kinabaliw na ng utak ko!

Voice: Welcome to Fantaria!

Ani ng boses na tila isang robot. Idinilat ko ang aking mga mata ng wala sa oras. Pero wala akong makitang nagsasalita. Ikinagulat ko ang paghinto ng halimaw na isang pulgada nalang ang layo ang sa akin. Napalunok ako. Nagmistulan itong parang statue.

Naigulo ko ng aking buhok bago nagsalita at parang baliw na tumingala sa kalangitan at napansing may tatlong buwan akong nakita na kulay asul, grey at pula. "Anong nangyayari?!"

Voice: Good question. Namatay kana sa iyong mundo na tinatawag na Earth. Kaya naman dahil sa awa ni Goddess Gamiya. Binigyan ka niya ng regalo. At yun ay mabuhay sa lugar na ito na may kapangyarihan.

Me: Te-teka! Paano ako namatay?! Anong klaseng laro ito?! Bakit huminto ang halimaw na nasa harapan ko?! At nasaan ka?! Multo kaba?! Waaaah! Malas malas malas!

Nanguguluhan kong wika na napayuko agad.

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon