MUKHANG lumalabas na kasalan ko pa ang nangyari. "Heto na ang blue pearls mo," sabi ko saka binigay sa kanya pero hindi niya kinuha.
Bagkus ay lumapad pa ang ngiti nito. Problema ng isang to? Wag niyang sabihin na may gagawin siyang masama!
Pagnagkataon!
Hindi talaga ako magdadalawang isip na sipain ang hinaharap niya. "Mukhang pinagtakbo talaga tayo ng tadhana. Ikaw pa mismo ang nakapulot sa blue pearl na ibibigay ko sana sayo. Alam mo ba, simula ng makuha ko ang blue pearl na yan. Ngayon lang yan nahulog," aniya.
Andyan na naman yung mukha niya na kulang nalang mag kurteng puso. Potek! Naiilang talaga ako sa ginagawa niya.
"H-hoy! Ano bang nangyayari sayo-alam ko na mas gwapo ka sa totoo mong anyo at yummy, pero takte! Para kang bakla. Kung may sasabibin ka sa akin, sabihin mo na agad, may hahanapin pa ako." Bulong ko na nautal, na alam ko namang narinig niya.
Napahawak ito sa kanyang batok, "Hindi ko alam napakaganda ng magiging asawa ko," aniya tumawa pa ng mahina.
Ano bang--magiging asawa?! Ako ba kamo ang tinutukoy niyaaaaaa?! Hindi ako nakasagot agad.
This cannot be kere one!
Bigla itong naglabas ng abaniko kasunod nun ay tumigil ang oras. Hindi gumalaw ang mga tao sa paligid. Isa rin ba ito sa kapangyarihan niya.
Wow! Ang ganda naman ng kapangyarihan niya. Magagawa ko rin kaya yan? Maganda itong gamitin sa kung meron mang hahabol sa akin.
Papatigilin ko lang sila. Hahahaha ang takino ko talaga.
Ipinaypay sa kanyang sarili na nagdulot ng makapal na ulap sa katawan niya bigla. What the F!
Pwede din pala siyang gumawa ng ulap gamit ang abaniko?
"Ang totoo ito talaga ang tunay kong anyo, kalahati sa sinabi ko kanina ay biro lang," wika niya na serypso.
So ibig sabihin...kalahati sa sinabi niya sa akin kanina kasinungalingan lang?!
Hindi pala mapagkakatiwalaan ang isang to. Subalit parang nasobrahan ata ang ginawa niyang mga ulap. Hindi ko na siya makita sa kapal ng ulap na bumabalot sa buong katawan nya.
Ano to? Hide and seek? Ako ang taya?
Me: Author! Ano ba to? Hanggang kailan ako maghihintay?
Author: Tumahik ka 5 seconds ka pa ngalang naghihintay. Atat? May lakad? Ang ingay mo, ginagawa ko pa ang ubra ko, yung tipong pati locked ng bra mo sa likod ma u-unlock sa pagkabigla hahaha.
Tch. -_-
"Pinaghintay ba kita? Cloe-chan?" Aniya ng boses na sobrang lambing, yung tipong bawat buhok mo sa buong katawan tatayo lahat! Acck! Problema ko!
Problema ko dahil naging iba na ang boses nito! Husky! Yung tipong bagong gising?
Unti unting nawala ang ulap na bumabalot sa kanya. At ng mawala na nga lahat ng iyon...tumambad sa aking mukha ang napaka gwapong nilalang.
Kulang nalang luhuran ko sambahin ng tagos sa aking kaluluwa.
Kailangan ko pang tumingala ng kaunti dahil matangkad na ito sa akin. May kagat itong pulang oras at naka sideview!
Shit!
What a perfect introduction sa sarili niya!
Halos hindi na ako makahinga at napanganga pa ng bahagya. Nag aalala ako sa sarili ko baka tumulo na ang laway ko.
"I'm Sea Lord Kite a demon fish...your faith has decided…that you will be my wife. The prophecy is right."
Oh shit! Did he mean me! Triple killed!
*Sa mga oras na ito, biglang nagkaroon ng nosebleed si Cloe, hindi nakayanan ng kanyang puso ang sobrang liwanag ng yumming nilalang sa kanyang harapan at nahitay sa dahil hindi nito nakayanan ang nakita. Hindi niya inakalang may mabubuhay na ganitong nilalang na halos perpekto ang pagkakagawa, bukod kay Toru may isa pa pala. Subalit bago paman bumagsak ang kanyang katawan sa lupa, nasalo na ito ng kaliwang bisig ng binata. The Lord of the sea, na kabilang sa Demon Race. Subalit may iba itong pananaw at may sariling nasasakupan. Binuhat ni Lord Kite si Cloe-san, hindi nito alintana na pinagtitinginan na sila ng mga tao, lumakad lamang ito at patungo sa palasyo ng Koro, ngayon... ang totoong journey ng buhay ni Cloe, ay magsisimula na.*
~THE END~
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasyTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...