CHAPTER 3

1.2K 79 3
                                    

"NAPAKA MALAS ng anak nyo tanda! Kaya dapat na kayong mamatay!"

"Mamatay na kayo!"

Ani ng mga nagsisigawang mga boses sa may di kalayuan. Kakalabas ko lang sa masukal na kagubatang iyon. Sa tansya ko ay tatlong oras ata akong nagpaikot ikot sa lugar.

Napahawak ako sa aking tiyan. Nagugutom na ako. Rinig ko na ang sunod sunod na pag aalburuto nito. Waaaah! Malas malas malas talaga!

"Hindi halimaw ang anak namin! At lalong hindi siya malas!"

"Kagaya ko ay may mga anak rin kayo! Ba't niyo ba ginagawa ang mga bagay na ito sa amin! Ubod na ang mga kasamaan niyo. Nabubuhay kami ng tahimik sa kubong ito ng mag ina ko," ani ng boses may kaedaran na lalaki. "Umalis na kami sa bayan upang wala kayong masabing masama patungkol sa amin. Pero heto parin kayo, hindi parin kami nilulubayan!"

"Ano pa ba ang gusto niyo? Ni hindi na nga tayo magkapitbahay at nakatirik nalang mag isa sa lugar na ito ang aming tahanan! Wala ba kayong mga konsensya kahit kunti man lang!" Saad ng boses babaeng matanda.

"Ang mamatay kayo!"

Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang mga taong nagkukumpulan na nasa 100 ata ang bilang. Sa harap nila ay may bahay na may di kalakihan. Hindi ko maaninag ang mag asawa.

"Dahil sa anak mo, namatay lahat ng gulay ko!"

"Namatay rin ang anak ko!"

"Namatay ang alaga kong aso nasi meowmeow! Kasing edad siya ng anak ko na labing limang raong gukang na sana ngayon! Dahil sa pagkamatay niya! Nag rebelde ang anak ko at naglayas! Huhuhu hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikita, dalawang araw na ang lumipas! At kasalan ng pamilya niyo!"

"At ang mas malala pa ay nilusob ang lugar namin ng isang halimaw na galing sa kagubatang iyon! Ilang dekada na itong nananahimik pagkatapos itong ma isara sa lugar na iyon, pero ngayon nakalabas ito. Salamat sa mga Magic Knights at napaalis nila iyon! Kung ayaw niyong madamay, ilabas niyo lang ang anak niyo! Papatayin namin siya sa mga kamalasang dinudulot niya sa amin!"

Anong magic knights?

Baliw ata ang mga ito.

Hindi porke't nangyayari ito sa kanila ay sisisihin nila ang pamilyang iyon. Ang laki ng mga ulo pero parang walang lamang mga utak.

Tch! Ang sarap pagsasapakin isa isa! Nang gigil ako sa mga ganitong klaseng mga tao. Parang bumabalik ang mga alaala ko sa Earth, ang kaso magkaiba ngalang ang pangyayari.

Pagkatapos kong ma engkuwentro ang halimaw sa gubat na iyon, ayaw kong pumasok sa panibagong guko na naman. Kaka transport ko palang sa lugar na ito, pero laging kamalasan nalang ang nakikita ko.

Wala na bang bago?

Hahanapin ko pa si Mr Right ko para makauwi.

Napailing nalang ako at umalis sa lugar. Saan ako ngayon pupunta? Gusto kung tulungan ang mag asawa. Ang ikinatatakot ko lang ay baka ako na naman ang pagbuntunan ng galit ng mga iyon. Mas mabuti ng wag lumapit sa gulo.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi naman kaya ang halimaw na lumusob sa bayan nila at ang humabol sa akin ay iisa lang?

Napilig ko ang aking ulo. Malabo atang mangyari. Ano iyon magic? Nag teleport ito sa lugar nila? Imposible naman ata! Pero teka. Ang sabi ng boses kanina ay nasa lugar ako ngayon na may kapangyarihan ang mga ito-

"Aray!" Napahawak ako sa aking balakang ng matumba ako buhat ng may nakabunggo sa akin.

"Tanga! Huwag kang humarang sa daan!" Singhal sa akin ng isang matangkad na lalaki na mabaho ang amoy. Wala atang ligo ng isang buwan.

Lima ang mga ito at puros lalaki. May kalakihan ang katawan at halatang di mayaman. Luma ang mga kasuotan at kapwa may dala dalang parang amoy gasolina at sulo. Saan pupunta ang mga ito sa ganitong tirik ang araw?

Iniwan ako na hindi man lang ako tinulungan? Ako pa talaga ang tanga? Wow! Ang kapal!

Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Bago pala ako nilisan ng boses na iyon ay pinagaling niya muna ang sugat ko saka gumamit rin ito ng mahika upang umiba ang aking damit nang sa ganun ay umayon sa lugar na ito. Kulay kayumanggi na may necktie na itim. Para siyang dress pero iba ang pagkakatahi. Nakapangko rin ang mahaba at itim kong buhok.

Dederetso lang sana ako sa aking paglalakad ng maalala ko ang pag uusap ng limang kalalakihan kanina na tumatakbo. May papatayin daw silang salut sa lugar ng sa ganun ay huminto na ang kamalasan na natatamasa nila.

Nailagay ko sa ilalim ng aking baba ang aking kamay at napaisip. Hindi naman kaya magkasama ang mga iyon sa mga nagkukumpulang mga tao na nadaanan ko kanina?

Napayuko ako. Gusto kong magpatuloy sa aking paglalakad pero sumisikip naman ang dibdib ko sa isiping baka gagamitin nila iyon upang sunugin ang bahay ng dalawang matanda.

Nakagat ko ang aking pag ibabang labi. Ano ang gagawin ko? Kailangan ko pang hanapin si Mr Right ng sa ganun ay makabalik ako sa mundo ko. Napaka kumplikado ng lugar na ito, parang mas malala pa sa mundo ko.

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon