DUH! Parang patay narin ako. Makukulong sa puting silid na ito, at palaging mukha niya lang ang makikita ko?
Nakakumay! Wag na lang! Uuwi parin ako, at magtatapos ng pag aaral para sa mga magulang ko.
Pero kung pipili ako sa mga baraha, pag namatay ako. Mamatay na talaga ako.
"Ano na? May naisip kana?" Untag nito sa akin na naglalaro ng mga braha?! Ang kalaban nito ay ang isang lolipop na parang tao. Kailangan pa niya kasama ang bagay na iyon?!
"Pipili ako...sa mga baraha!" Lumaki ang mga mata nito sa sinabi ko.
Hahaha, kala mo ha. Iniisip niya ba na pipiliin kong maging Secretary niya? Neknek niya! Mukhang hindi niya inasahan ang sagot ko ah.
"Hay," aniya na nagpakawala ng buntung hininga. "Gusto mo talagang mamatay noh? Sige pumili ka na. Ang mapipili mo ay magiging kakayahan mo pagkagising mo," aniya. Parang suko na ito sa pagkukumbinsi sa akin.
Umangat ang aking kanang kamay at tinuro ang nasa gitna. "Pipiliin ko ang nasa gitna," sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Ikaw. Tumingin ka ba sa braha ko?" Tanong nito. Sa pagkakasabi nito, parang hindi nya nagustuhan ang aking resulta sa pagpili.
At isa pa. Paano ko naman siya dadayain, eh andito lang naman ako palagi nakaupo. Mainit na nga ang pwetan ko.
Kinuha niya iyon at inabot sa akin. "Ayan ang napili mo," sabay bigay nito sa akin at inabot ko naman.
Sinimulan kong basahin ang nakasulat.
Congratulations! Ang card na napili mo ay magiging iyo, maglalaho ito pagkatapos mong basahin.
Level: 99
Cash: 1 Billion
Power: ???
Bonus: You can disguise as a man. Automatic na magiging sayo na ang mga ito, pero ang cheat power sytem mo ay naglaho na.O__O <--- ako.
Pagkatapos ko itong basahin, lumaki ang mata ko at napanganga, paanong i-ito ang napili ko?!
Napatayo ako bigla saka hinawakan ang balikan nito at niyugyug siya. Ito na ata nag nagpagimbal sa napakamalas kong mundo! "Akala ko ba malas ako?! Hindi ko ito matatanggap, bubunut ako ulit!"
Pero ganito lang ang mukha niya 😑, ang bilis magbago. Walang emosyon. Halatang hindi niya rin tanggap na ganito ang nakuha kong card.
Niyugyug ko parin siya, "Ahhh! Hindi ako makapaniwala-" *pak* natigil ako sa pagsapak niya sa ulo ko.
Namumuro na ang tyanak na ito, hindi niya ba alam na babae ako?!
Namewang at sinipa ang kalaban niyang lolipop, kaya tumalsik ito sa pader. Nabalatan tuloy ito, kawawa naman, gusto ko tuloy siyang kainin, wala pa namang airplane na dumadaan. At isa pa wala pang 5 seconds! Ay, wag na nga lang, may buhay pala ito.
"Ang ingay mo! Bumalik ka na nga ulit sa katawan mo! Kahit pa gusto kong bawiin hindi ko magagawa, dahil ang card na yan ang pinuslit ni Goddess Gamiya sa tatlo! Hindi rin ako makapaniwalang nakuha mo ito! Waaah! Nakakainis! Naisahan na naman ako ni Goddess Gamiya!" Aniya. Parang bata na tuloy ito sumalampak sa sahig at nag papapadyak!
Ayos lang ba siya?!
Tumigil ito bigla at sinamaan ako ng tingin! G-galit na galit na ata ito?! Napa atras ako.
Naglabas bigla ito ng abaniko na kulay puti, "Waaah! Lumayas ka sa harapan kooooo!" Sigaw niya saka iwinasiwas ito ng isang beses na siyang ikinalipad ko dahil sa pagbuo nito ng isang malakas na hangin na nagresulta pa sa isang malaking turnado!
Aacck! Wala na akong nagawa ng tangayin ako nito pataas!
"Tandaan mo! Una! Pwede mong hanapin ang Mr. Right mo at halikan! Pero kapag mali ang napili mo mamatay ka parin! Pangalawa! Bawal mong mahalin ang Mr. Right mo! Pag minahal mo siya at nahalikan mo, mamatay ka wahahaha!"
Pahabol pa nitong sigaw sa akin. Hindi nga? Teka! Seryoso ba siya sa kanyang sinabi?!
Ang LitLit na iyon na maliit! Wala ng awa sa akin!
![](https://img.wattpad.com/cover/205096292-288-k395302.jpg)
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasíaTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...