CHAPTER 16

609 43 0
                                    

"GISING!" sigaw ng isang matinis na boses sa aking kaliwang tenga, parang mabibingi na ata ako sa lakas ng boses niya!

Kabose niya si LitLit, nah, imposible. *pak!* isang malakas na pag sampal sa aking mukha ang ikinamulat ko bigla.


Pero laking gulat ko na naman ng mapansin ko ang aking buong paligid. Lahat puti ang kulay. Napayuko ako, pati ang damit na suot ko puti rin.

Puting spaghetti at puting palda?

Parang nasa kalawakan ako at walang hangganan ang palagid.

"Ayan gising kana rin sa wakas!"

Boses ng batang babae? Nagpalinga linga ako sa buong paligid. Wala akong makita. Napakamot ako sa aking ulo, nasa langit na ba ako?

Nailaylay ko ang aking balikat, huhu tila nawalan na ako ng pag asa. This time, patay na talaga ako. Ayoko na sa earth!

"Ahhhh!" Sigaw ko ng may kumagat sa aking kamay kaya nabaling ang tingin ko doon. "Eh?"

Isang batang babae na kinulang ang height ang nandoon, wag niyang sabihin na siya ang nagsasalita?

"S-sino ka?" Turo ko sa kanya. Inekis nito ang kanyang braso bago nagsalita. "Ako si LitLit, ang Diciple  ni Goddess Gamiya! Nakalimutan mo na ba?!" Sigaw ulit nito sa akin. -_-

Kung titingnan ito ng maigi, para itong isang sanggol! Wierd!

"Alam ko na isang sanggol ang tingin mo sa akin bata ka! Pero ito ang ipapaalala ko, 100 years old na ako! Kaya mas matanda pa ako sayo!"

Hehe nagagalit ito, ang cute niya tuloy tingnan. Waaah, hindi ko na napigilan at kinuha ko ito at niyakap ng mahigpit.

"Kyaah! Ang cute mo talaga! Pwedw bang maging kapatid nalang kita?" Sabi ko sa kanya na niyakap parin siya.

Hindi ko inaasahan na ganito pala ang itsura niya! Unang pagtapak ko sa Fantaria, boses niya lang ang naririnig ko.

"A-ah binitawan m-mo a-ako, nasasakal ako!" Pakikiusap niya na nagpupimiglas sa aking pagkakayakap!

Pero hahaha ang cute niya talaga, bata parin naman siya sa paningin ko. 

Immortal nga ata siya, kaya kahit mataas na ang edad niya, ganito parin ang kanyang itsura.

"Ang sabi ko, bitawan mo akong bata ka!" *boghs*

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon, hinawakan niya ang kamay ko at binalibag bigla.

"Aacccck, hindi ka pala sanggol kundi tyanak," bulong ko.

"Anong sabi mo?" Tanong niya ng nakapamewang habang ako nakahandusay sa sahig. Huhu, grabe, ang brutal ng ginawa niya sa akin.

At isa pa. Ang lakas niya. "A-ang sabi ko, gusto ko ng umuwi sa earth," *pout* tugon ko sa kanya.

Pinitik nito ang kanyang daliri at may lumabas agad maliit na upuan, tamang tama para sa kanyang laki. Umupo siya doon ng naka ekis ang mga hita.

Napaupo narin ako, pero saglit kong hinimas ang aking balakang. Ang shaket.

"Alam mo ba kung saan kana ngayon?" Tanong nito sa akin kaya napa angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso ito. Waah! May nagawa ba akong mali, yung tingin niya sa akin, parang gusto niya ulit akong ibalibag.

"H-hindi?" Nautal kong sagot.

Bigla itong gumamit ng magic. Ikinumpas nito ang kanyang kaliwang kamay at may lumabas na isang pocketbook?

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon