PROLOGUE

2.6K 85 0
                                    

"GISING KA NA pala," wika ng baritonong boses mula sa labas ng kubo.

Dumungaw ito sa pinto na may dalang payong. Nakasuot ng japanese traditional na damit. Mahaba ang buhok nito na dinaig pa ako. Napanganga ako ng ngumiti. Nyemas! Ang gwapo naman ng nilalang na ito.

May parte sa utak ko ang nagdiwang sa isiping baka siya na nag Mr Right ko! Puro Mr. Right nalang ang laman ng kukuting ito.

Inayos ko ang aking sarili. May savior. Di ko mapigilang di kiligin! Tuluyan na nga itong pumasok sa loob ng bahay niya. Bawat paghakbang nito ay nag slow motion sa aking mga mata.

Akala ko de-deretso ito papunta sa pwesto ko, hindi pala. Lumiko ito sa kusina. Nagsalin ng tubig sa baso saka inabot sa akin.

Kung ganito lang sana lahat ng mga lalaki, ay naku! Aangkinin ko na ang isa!

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon