CHAPTER 17

584 47 0
                                    

MAGBABASA ba siya, sa mga oras na ito?

Tumingin ito sa akin ng nakangisi, huli na, hindi na ako nakaiwas ng ibinato niya ito sa aking noo ng walang kahirap hirap.

Sapul! Napatingin pa ako sa taas ng tumama ito sa aking noo. "A-aray!" Na usal ko at napahawak agad sa aking noo saka ito hinihimas himas.

Buti nalang bukol lang. Kung bato, baka kanina pa ito dumugo.

Ugh! Ang sama talaga ng tyanak na ito! "Tanga ka talaga! Patay ka na kaya ka andito! Dito pumupunta ang mga kaluluwang pumanaw na sa mundong iyon!" Pagpapaliwanag niya sa akin.

Tama nga ang hinala ko. "Kung ganun, ibalik niyo nalang po ako sa Earth," pakikiusap ko pero tinawanan lang niya ako. Ano ba kasing nakakatawa dun sa sinabi ko?

"Gaya ng sabi ko, hindi ka makakabalik sa mundo mo hangga't hindi mo nahahanap ang iyong Mr. Right," turo niya sa akin habang ngumunguya ng bubble gum.  Hindi ko man lang nakita kung kailan pa siya nagbukas ng buble gum. "Napatunayan ko na na napakamalas mo talaga!" Inis na turan niya.

*pout* "Hindi ko naman kasalan yun noh, kung hindi dumating ang lalaking iyon, baka hindi ako nadulas at nahulog sa batis. At tsaka, makakaligtas naman na ako doon, kung hindi lang bigla umikot ang paningin ko, yan tuloy hindi ko napaghandaan," wika ko na larang bata na nagsusumbong sa kanyang magulang.

Tumango tango ito na parang naiintindihan ang aking sitwasyon. Ikinumpas nito ang kanyang mga kamay at may lumabas na tatlong baraha na nakatalikod.

"Napaghandaan na ni Goddess Gamiya ang mangayayari sayo, pero hindi niya inaasahan na ganito ka talaga kamalas. Level 1 ka palang pero namatay kana! Bakit hindi ka nalang magbigti! Bibigyan pa kita ng lubid!"

Ang harsh ng diciple na ito! Dapat nga matuwa pa siya dahil malas ako diba? Akalain mo yun, level 1 palang, namatay na agad hahaha.

Napaghandaan? Alam ba nilang mamatay ako? Pero hindi nila inaasahan na mapapa aga ang pagkamatay ko?

Kumpirmado na na patay na nga ako. Ano ng gagawin ko? Hindi na ba ako makakabalik sa aking mundo?

Yumuko ako sa kanyang harapan, "Pakiusap gusto ko ng bumalik sa aking mundo!"

Natahimik ito. "A-ano bang ginagawa mong babae ka?!" Bulyaw nito sa akin. Ang init ng ulo ng tyanak na ito.

"Tulungan niyo muna akong makabalik!" Determinadong wika ko na hindi parin umaangat ng mukha.

"O siya sige na nga!" Aniya kaya napa ayos na ako ng upo. "Sa susunod wag kang yumuko sa akin, kung yuyuko kaman, dapat kay Goddess Gamiya lang!"

"Bakit naman?"

"Anong bakit?! Gusto mo bang maging abo tayong pareho? Ha?! Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mong bata ka!" Halat sa boses nito na takot siya. Ganun ba talaga mag parusa si Goddess Gamiya.

Napako ang pwetan ko sa sahig at nilamig bigla ang buo kong katawan. Nandamay pa talag ako sa kamalasan ko. Kung pinagpatuloy ko ang pag yuko, baka nga naging abo na kaming dalawa.

"Pumili ka na sa tatlong baraha. Paalala lang hindi na kita tutulungan. Kung mamamatay ka sa mundong ito, mamatay ka na talaga! At sa mundo mo bigla ka nalang maglalaho na parang hindi nag e-exist. Pero kung gusto mo, hehehe pwede din naman kitang maging secretary. Ano payag kang maging secretary ko?"

Sinasabi niya iyon habang nakatingin sa aking mga mata ng nakangisi. Hindi ako umiwas ng tingin. Kung maging secretary niya ako, ano namang pinag kaiba nun!

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon