"ANG susunod na ibibinta ay isang napakagandang babae na aakalain mong isang prinsesa! Mahaba ang buhok nito na kulay itim, pusuan ang hugis ng mukha, kumikinang na mga mata, makinis ang balat at mayroong malaking hinaharap!" Isang malaking boses ng matanda ang umalingawngaw sa buong paligid. Parang nasa Auction ako, at may nagbibinta ng mga antique-ah! Nani?! "Magsisimula ang halaga sa 1million!" Dagdag pa nitong sigaw na parang nasa isang fiesta.
Naghiyawan ang mga tao. Bakit pakiramdam ko may kinalaman ako sa pagbibinta na tinutukoy ng matanda?!
"2Million!"
"5million!"
"10million!"
Mga presyong naririnig ko sa buong paligid. Madilim parin at wala akong makita. Saan nanggaling ang mga boses na ito! At isa pa baliw ba sila?! Binibinta na pala ngayon ang tao?!
Napaatras ako subalit tumama ang aking likuran sa mga bakal. Kinapa kapa ko ito. At sa hugis ng pagkakagawa, isa itong kulungan.
Nang makapa ko na ang lahat nalaman ko na pakwadrado ito at may nakatakip na makapal na itim na tela sa buong paligid. May pintuan pero nakakandado ito.
Malaya akong nakakatayo at nakakalakad sa loob. Pero ang mga nagbibigay ng mga presyo ay lalo pang tumataas na umabot na sa 15million!
Napakalaking pera nun para lamang sa isang babae! Saan ba nanggaling ang mga pera nila-*kamot sa ulo* naalala ko, may 1 billion rin pala ako.
"15million mula kay #16!" Anunsiya niya sa lahat. Sa dami at lakas ng mga boses tila nasa gitna ako ng arena. Sino naman na kaya ang napaka malas na babae ang nabili ng #16 na iyon. "May du-duble ba ng halaga? May mag ti-treple ba? Kung wala, ang nanalo ay si #-"
"Sandali! 50 million!" Sigaw ng isang boses na ikinatahimik ng ingay sa loob.
O__O
Lumaki din ang mata ko sa sinabi niya! Umawang pa ng bahagya ang aking labi sa narinig. Napakataas na halaga ang idinagdag niya!
Saan ba nanggaling ang taong iyon? Isa ba siyang prinsipe kaya baliwala lang sa kanya ang pera?
"Ang taas ng halagang binitawan niya."
"Ganun ba talaga ka ganda ang babaeng iyon para umabot ng 50million?"
"Woah! Di na ako makapaghintay kung anong hitsura ng babaeng ito."
"Ahem! Tumahimik muna tayong lahat mga kababayan. May tataas pa ba sa 50million?" Taong ng matandang lalaki. Sa hula ko ay siya ang EMCE.
Nagtanong ito ulit pero walang sumagot. Alam na na niya kung sino ang nanalo. Mukhang kahit siya ay hindi rin ata inasahan na aabot sa ganitong halaga ang babae. Nakakaawang babae.
Tumango tango ako at napahawak sa aking baba. May malas pa pala sa akin. "Ang nanalo sa bagay na ito ay si #21! Mapapasayo na ang babaeng nasa likod ng kwadradong rehas na ito na natatakpan ng makapal na maitim na tela!" Aniya na ikinapako ng paa ko sa sahig na bakal na aking kinatatayuan.
Napangiwi ako ng mapakla ng maagaw ng atensyon ko ang isang kamay na humawak sa gilid ng tela.
Napasalampak agad ako bigla ng upo at napayuko. Mukhang pasan ko na ata ang buong mundo. Ang tanga ko talaga. Paano na naman ako napunta sa lugar na ito.
Napulot ba nila ako ng walang malay, sinakay sa karwahe saka dinala dito ng malaman nilang mapagkakakitaan nila ako?!
Walanghiya! Taas baba na ang aking dibdib sa sobrang inis!
*sobs* *sobs*
Naawa pa ako kanina sa babaeng nabinta na nagkakahalaga ng 50million, yun pala.
Ako rin pala yuuuuuun! Ayaw ko na sa earth! Paano kung gawin niya akong sex slave? Ano nalang ang mangyayari sa katawan ko.
Kukuha na ba ako ng lubid at magbibigti! Hindi naman tama yun! Napahawak ako sa aking batok at nag isip ng magandang paraan!
Napatingala ako.
May paraan pa…ang maging lalaki!
Hindi ko alam kung gagana, pero sana naman ay umayon sa aking plano. Simula ng ginamit ko ang aking acne clear, hindi ko pa nakita ang aking mukha sa salamin.
Ang alam ko lang, wala na ang aking naglalakihang tigayawat. Pero paano pala kung maliban sa nawala ang aking tigayawat ay may iba pa itong mas malalang epekto?
Kaya ang resulta ay nasa loob ako nito, nakakulong, at naghihintay na mabili ng isang halang ang kaluluwa sa katawan ng mga babae!
Aaaah! Bakit ako pa?!
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasyTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...