CHAPTER 25

480 40 0
                                    

NAKAALIS ako sa restaurant na iyon ng walang bayad kahit isa sa kinain ko. Naaawa ako sa mukha nila.

Sabi pa niya lahat daw libre. Parang nabunutan pa sila ng tinik ng umalis ako.

Nasa bansang Koro na pala ako ngayon, tas ang korogoro ay matatagpuan sa silangang bahagi.

Mula rito ay may natatanaw akong napakalaking bundok. Ng magtanong ako sa isa sa dumaan, yun daw ang bundok korogoro.

At isa pa ang Koro Country na ito, ay napakalaki ng lugar at maraming tao.

Na miss ko talaga ang makaapak ang aking mga paa sa lungsod. Dapat ba akong magpasalamat sa lalaking nagdala sa akin sa restaurant na iyon. Hindi ko naman kilala kung sino siya.

Kanina pa ako naglalakad at mabilis lang malaman kung ano ang tinitinda nila. May mga building na gawa ng hallowblock. Sa gilid ng building ay doon nakasabit ang karatola, halimbawa nalang pet shop, Parlor shop, Dress shop, etc.

Mula rito, tanaw ko ang napakalaking gate ng palasyo ng Koro. Sa isiping baka makita ko ang isa sa mga Prinsepe doon, hindi ko mapigilang hindi ako matuwa.

Kyah! "Hehehe," ako.

"Sayang, maganda sana, pero parang baliw-" bulong ng babaeng dumaan.

Hindi ko nalang pinansin.

Maraming building, pero nakalinya ang mga ito. Kumbaga naka organize. Marami ring mga tao, kaso lang kahit isa sa damit na sinuot nila iba ang pagkakatahi.

Maghahanap mo na ako ng matutuluyan ng makaligo na ako at makapagbihis.

Speaking of, bibili muna ako ng mga damit bago ko hanapin kung saan ako pwedeng mag check in.

Napansin ko lang na may teknolohiya ang lugar, pero wala silang armas at walang sasakyan gaya sa modern era.

Yung kaalaman nila sa technology, sa simpleng mga bagay lang nila nagagamit, pero para sa kanila ay malaking bagay na.

Kagaya nalang ng ilaw, nakakagawa  sila. Yung parang aandar siya ng limang taon, parang ganun.

Ang nakakapagtaka pa, naibibinta nila ito sa malaking halaga. -_-

Hinanap ko ang pangalang Dress Shop. Nahanap ko ito at pumasok.

Hanggang tatlong palapag ang building, pero dahil nasa unang palapag naman na ang damit na napili ko hindi na ako aakyat pa.

May lumapit sa aking bading at may kasama itong apat na babae na nasa 20's na. Binati ako at tinanong kung anong gusto kong dapit.

Tinuro ko yung nakapilang mga damit sa unahan. Alam ko na kasya iyon sa akin at 20 lahat. "Gusto kong bilhin lahat ng iyon," sabi ko sa kanya.

"Ha?" Siya. Hindi makapaniwala, pati yung kasama niya. Ang mga ito lang kasi ang nakita ko na maganda ang pagkakatahi at pasok sa aking panglasa.

Ayaw ba nilang maka benta?!

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon