This Chapter is Dedicated to Maryaclara98. Kung may time po kayo, pwede niyong bisitahin ang gawa niyang Novela na 'Stay With Me'. Nasimulan ko na itong basahin at maganda ang nilalaman!
🌘🌘🌘🌘🌘
BIGLANG nagkaroon ng malakas na pwersa mula sa aking buong paligid at di ko mapagtanto kung galing ba ito sa dagger na nabili ko sa store.Muntik pa akong matangay ng malaking alon sa ilalim na hindi ko alam kung paano nangyari.
Pagka-wika ko ng dagger slice ng mga oras na ito, ang nakita ko lang ay isang mabilis na pagkinang na bagay na tumama sa seaweed! Naputol ito ng wala man lang kahirap hirap.
Lumaki ang mga cute kong mga mata. Ghad! Paano nalang pala kung di ito dumapa, baka naputol din ang lalaki na nasa loob nito! Pagnagkataon, hindi ito makakaya ng aking puso!Langya! Bigla akong kinabahan at napalunok. Para akong maiihi na ewan!
Agad akong lumangoy palapit sa seaweed na nahati ko. Waaaah! Paaano nalang kong napatay ko siya?
[Mission #3 Complete!] Wika ng system. Mabuti naman, halos maubos na nga ang points ko para lang mailigtas siya.
Napahinto ako sa paglangoy ng maalala ko ang acne clear ko. Winika ko ang status, saka pumunta sa system store. Hinanap ko ang acne clear at binili ito.
Pagpindut ko ng 'buy' nasa kamay ko na agad. Maliit ito at pabilog ang hugis na kagaya ng lalagyan ng olay. Napakalaki ng points na ginamit ko rito para lang mabili ito. Imposible namang di ito gumana.
Binasa ko ang nakasulat na label. So…water proof din pala ito. Hindi naman ito isang liquid kundi isang cream. Kailangan ko lang daw pahiran ang parteng gusto kong pagalingin. Pati ito pwede din palang i upgrade. I wonder kung anong magiging itsura nito pag inupgrade?
Napahawak ako sa aking naglalakihang acne. "Hanggang dito nalang ang pagsasama natin mga kaibigan…alam ko na mahaba haba rin ang pinagsamahan natin dahil bunga kayo ng aking pagpupuyat sa aking pag aaral," wika ko.
Binuksan ko ang takip ng acne clear at pinahid doon ang aking isang daliri saka pinahid ko naman sa aking mga acne na nasa aking mukha.
Nang mapagtanto ko na napahid ko na lahat isinara ko na nag takip. Napahawak ako sa aking baba.
"Saan ko naman ito ilalagay?" Nausal ko. Kaya naman ng maalala kong baka may bag silang benta ay agad hinanap sa store system ito.
Ang mga nakasulat lamang ay, shoulder bag, bagpack, mini bag, blah blah blah, hanggang nabasa ko ang huling bag. Ang shadow bag.
Nakasaad dito na ang paggamit nito ay parang iisipin mo lang na may bubuksan kang bag at kung kukuha ka naman ay iisipin mo lang kung anong bagay ang kukunin mo.
Parang normal lang, pero yun nga lang ikaw lang ang makakakita.
Ganun ba? Sa tingin ko ito nalang ang bibilhin ko ata. "Okay-buy!" Wika ko at binili ito. Biglang nagkaroon ng shadow sa aking harapan, at ipinasok ko doon ang acne clear ko dahil may natira pa. Sayang naman kung itatapon ko lang.
Pagkapasok ko sa bagay na iyon, biglang nawala ang shadow bag ko. Hinimas ko ang aking mukha kong nawala naba ang acne ko. Nagulat ako, dahil wala na nga akong makapa na parang naglalakihang bato sa aking mukha.
Namalayan ko nalang na napaluha na pala ako…sa lungkot. Baliw na kung baliw, pero ilang taon din kasi ang pinagsamahan namin ng tigayawat kong iyon.
Nang iniwan ako ng aking mga kaibigan, hindi niya ako iniwan. Pag humaharap ako sa salamin, pinapaalala nito sa akin na andyan siya, nakadikit sa aking mukha!
Pero…pero kasi…"kyaaaah! Anong klaseng pag eemote ba ito!" Napatingala ako sa taas. "Sa tingin ko, baka bumalik rin naman ang acne mo pag naka alis ka dito," nausal ko sa aking sarili.
Napatalikod ako. "Baka hinahanap na ako ni Toru, ang dahilan kung bakit ko tinanggal ang mga acne ko," na ekis ko ang aking mga braso bago nagpakawala ng buntung hininga. "Makaahon na nga, sa tingin ko hindi ko naman ito nahiwa," sabay langoy ko pataas.
Ang mukhang ito…matagal ko ring hindi nakitang makinis simula Elementary.
Is it worth it? Hindi ko mawari kong bakit kinilabutan ako bigla, sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasyTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...