CHAPTER 15

605 50 0
                                    

TULUYAN na nga akong nakaahon sa tubig, pero nakaupo lang ako sa gilid ng damuhan dahil may buntot parin ako. Paano ko ba ito matatanggal.

"Naku naman...status. Nakalimutan ko, baka naman may google ang system na ito na pwede kong bilhin."

Pumunta na naman ako sa store at naghanap ng google, pero wala. Wala talaga. Kahit pag balik baliktarin ko pa ng system na ito, walang google na pangalan.

Inalis ko nalang sa aking harapan ang screen. "Baka naman..." napaisip ako ng may maalala saka nag lakbay ang aking mga kamay sa aking likuran, kinapa ko ito.

"Nakatali lang ang bra, kumabaga naka ribbon lang," wika ko saka ito hinila, kasabay ng pagtanggal ng tali sa likuran ng aking bra ay siya namang biglang pag balik nito sa dati niyang anyo.

Lumantad sa aking mukha ang walang saplut kong katawan.

Isang simpleng mermaid clothes. Hindi ko inakala na may kapangyarihan pala ang bagay na ito.

"Shadow bag," wika ko at ipinasok ito sa loob bago sinara ang bag.

Napalinga ako sa paligid, hinanap ang aking mga damit na sinampay ko sa sanga ng puno.

Huminto ang aking mga mata sa may di kalayuan. Dalawampung hakbang ang sa tingin ko bago ko ito makuha.

L-lalakad ako ng nakahubad? Ng ganun kalayo. Nabaluktot ko ang aking katawan sa pagkaka-upo ng dumampi ang hangin sa buo kong katawan at nakaramdam ng lamig.

"H-hindi bale na, wala naman sigurong makakakita sa akin diba? Kailangan ko lang tumakbo. Kung bakit kasi dito pa ako umupo!" Naiinis kong wika sabay gulo sa aking buhok. "Hindi naman siguro ako tanga nito," wika ko at tumayo saka mabilis na tumakbo.

Tama! Kailangan kong tumakbo. Hmm- Bigla kong naalala ang niligtas kong lalaki! Kumpyansa ako na buhay siya! Pero hindi ko na pala siya cheneck kong buhay nga ba siya. P-pero kung na tigok ang lalaking iyon?!

Wag mo na siyang isipin Cloe, nakaligtas naman ata siya. Saka, hindi naman lumutang ang katawan niya diba? So ibig sabihin, buhay siya diba?

Tama. Tama! Baka nga bumalik na ito sa kanila dahil Demon Fish ito. Tumango tango ako. Mabuti narin iyon. Dahil sa nangyari sa kanya, paniguradong mag iingat na ito sa susunod na maghahanap ito ng asul na perlas.

Kinuha ko agad ang aking damit sa sanga. Isusuot ko na sana ito ng may marinig akong parang umahon sa tubig.

Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. At parang sirang turnilyo na lumingon sa kanyang kinaroroonan ng dahan dahan.

Mahigpit kong hinawakan ang aking damit patakip sa aking harapan dahil hindi ko pa ito nasusuot.

Kaya ba ako kinabahan bigla ay dahil dito? H-hindi ko alam na may sumusunod sa akin...masamang tao ba ito?

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi bago ko tuluyang makita ang itsura nito. S-sino ang nilalang na ito? May yellow na tattoo ito sa noo na star. Yellow din ang buhok, may itsura naman. Nakasuot ng color yellow-white na damit. Hindi mahaba ang manggas nito, kaya kitang kita ko ang braso niya na parang ng gym!

Bigla itong napaiwas ng tingin sa akin, n-nahihiya ba ito?

May binulong ito, pero hindi ko naman marinig. Bigla itong umayos ng tayo, at tumitig sa aking mga mata. Tumikhim ito bago nagsalita. "Mabuti naman at naabutan din kita Binibini, ang bilis mo kasing lumangoy-"

Hindi ko malaman kong anong motibo niya. Mabuti na yung nakakasiguro.

"S-sandali! Dyan ka lang!" Utos ko sa kanya, kahit di ko naman alam kung susundin nga ba niya.

Nakita niya na na nakahubad ako, pero tinitigan niya parin ako sa mga mata! Sinasabi ko na nga bang masama ang balak nito sa akin!

Kailangan kong gumawa ng paraan upang matakasan siya! Hindi maari ito! Nasa peligro ang aking buhay! Huminahon ka Cloe! Kung matataranta ka, hindi ka makakapag isip ng tama!

Isip...isip...isip...may naisip na ako hehehe! "May tao sa likuran mo!" Sigaw ko sa kanya, upang maalerto ito, ng sa ganun hindi mabaling ang atensyon niya sa akin. Biglang nag iba ang awra nito at napalingon sa kanyang likuran.

Pero malas niya hahaha, pagkakataon ko na ito upang tumakbo! Mabilis akong umikot at tumakbo ng mabilis-pero sa pagkakataon ito, hindi paman ako nakakalayo ay nadulas na ako ng may maapakan akong malambot na bagay!

Huli na ng malaman ko na dederetso akong mahuhulog sa tubig. Okay lang! Lalangoy nalang ako, kaso lang...bigla namang umikot ang paningin ko. B-bakit? 😵

Ugh! Bakit ngayon pa?! Malulunod na ba ako? *Plash! A/N: Tunog ng tubig ng bumagsak ang katawan nito*

Wala na...hanggang dito nalang ata...ako. Ang t-taong ito, sino ba siya?

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon