CHAPTER 23

507 42 0
                                    

ITO ang unang beses…na nakalapit ako sa lalaki, at worst! Magkadikit pa ang katawan namin! Ang init! Sa tingin ko…lumuwag na ang garter ng panty ko. Shit! Nakakahiya kung sa mga oras ito, mag no-nosebleed ako.

Sobrang lapit nito, saka nakakasilaw ang kagwapohan ng nilalang na ito.

This is not me! Ibalik mo si Cloe Madrigal! Unti unti nitong nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha.

Yung kabog sa aking dibdib, mas lalo pang lumakas na parang tren. Parang na umurong na ata ang dila ko sa pagsasalita. Ni hindi ko man lang siyang magawang itulak.

3 inches…2 inches…shit! Balak niya ba akong halikan? Nakatingin kasi ito sa labi ko. Sa loob ng kukungang ito. Pipikit na ba ako?

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata, at hinintay ang kanyang mga labi na tatama sa aking mga labi. This is my first time and forever! Kissable lips, what the H!

"Now i know the reason kung bakit mo tinatakpan ang iyong mukha…dahil ayaw mong may maakit na mga lalaki diba?" Bulong niya sa tenga ko na ikinatayo ng aking mga buhok sa aking batok.

Kasunod nun ay ang dahan dahan niyang pag dila sa likod ng aking tenga na ikinagulat ng buo kung kalamnan! "Oh Dear your the most beautiful i've ever seen...your blood...smells good..."

Kyah! Nalilito na ako kung isa ba talaga siyang Demon Cat! Para na siyang bampira? Ano to, paniki?

"Hey To-toru, a-anong ma-mabango ang sinasabi mo…" nautal kong sagot.

Umagat ang daliri nito at itinakip sa aking bibig "Shhh," he whispered. "Just one bite, i'll make it fast Cloe my Dear."*Bite!*

"MISS, bayad. Kung matutulog karin lang naman sa restaurant ko." Untag sa akin ng boy waitress ng inangat ko ang aking mukha.

Panaginip lang pala.

"Po?" Nalilitong tanong ko. And dating galit na lalaking waitress ay biglang naging maamo ang mukha. Kinusot kusot kk ang aking mata saka humikab.

"Pasensya na Miss, tapos na po ba kayong kumain? Nakita ko kasi kayong natutulog," aniya ng nakangiti na may hawak na bill. Kakaiba ang suot nito.

Saan na naman kaya ako napadpad nito?

Ang huling naalala ko, ay nasa isang madilim akong lugar at hinahabol ng apoy. Pagkatapos nun, andito na agad ako. "Kuya, paano ako napunta dito?" Tanong ko sa kanya.

Yung mukha niya kulang nalang maglaway dahil parang gustong gusto na kinakausap ko siya. Ano ba kasi talaga ang nangyari. "Hindi mo ba alam Miss? May kasama kang lalaki ng pumunta dito na buhat na buhat ka. Nag order siya at kumain. Tapos napansin ko nalang na ikaw nalang mag isa sa mesa, natutulog. Ang kaso, hindi pa siya nakakabayad ng umalis."

"Ha? Nakita mo ba ang mukha ko kanina?" Tanong ko ulit. Umiling ito. "Hindi eh, nakayuko ka kasi kanina. Yung damit mo lang ang napansin ko."

Sino namang lalaki ang kasama ko? At isa pa! Bakit wala akong maalala sa nagyari na may kasama ako!

Tumunog ang tyan ko dahil sa gutom. Buti nalang hindi niya narinig. Nakakahiya talaga. Nasa harap ko pa pala ito nakatayo. "Bigyan mo ako ng menu, oorder ako." Utos ko sa kanya.

Pag ganitong nasa restaurant ako, mahiyain ako. Nakakapagtaka ata kung bakit hindi ko iyon nararamdaman. Binigay nito sa akin ang menu at pumili ako ng pagkain.

Halata ng mga pangalan ng at itsura ng pagkain na nasa menu na hawak ko ay hindi familiar sa akin.

Sinabi ko sa kanya ang order ko at sinulat niya naman sa dala dala niyang notebook.

Maraming tao sa paligid. Ibat ibang mga tao ang nakikita ko base sa kanilang kasuotan mayaman ang mga ito. May mga lalaki ring malalaki ang katawan yung tipong pang WWE na ang dating.

Meron din namang mahinhin kumilos. Karamihan sa mga lalaki may sukbit na espada sa tagiliran.

Kung sa modern world ko ito baka nahimatay na ako sa aking nakita. Pero dahil ibang mundo ito, normal lang sa kanila ang ganito.

Isinauli ko sa waiter ang menu. Nginitian niya ako at nag paalam na aalis muna siya. 5 minutes makalipas, bitbit na nito ang order ko na nasa tray.

Biglang bumukas lahat ng senses ko sa katawan at naramdamang may mga matang nakatingin sa akin.

Sino pa ba ang gagawa nun, kundi ang mga tao sa loob. How rude. Sabibin lang nila na magpapa libre sila sa akin ng pagkain, hindi ko sila tatanggihan hahaha.

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon