"M-MOM? D-dad?" nauutal kong wika sa kanila. Panaginip ba ito? Na transport din ba sila sa mundong ito? Impossible, matagal na silang patay. Dinalaw ko pa nga ang puntod nila.
Nakatuon din ang mga mata nila sa akin. Parang nangungusap na di ko mawari. Magkamukhang magkamukha talaga sila.Hindi ko alam kung gaano na kalaki ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang gulat. Pero wala akong pakialam. Miss na miss ko na sila. Medyo sumikip ang dibdib ko.
Napatingala ako ng maramdamang parang may namumuo ng luha sa aking mga mata - pero biglang umurong ng may maramdaman akong matigas na bagay na binato sa akin.
"Aw!" Nausal ko bigla ng may tumamang bato na naman sa likod ng ulo ko. Napahawak ako doon. Nilingon ko sila at pinanliitan ng mga mata. "Ano bang problema niyo!"
"Anak..." ani ng mag asawa sa akin. Tinawag nila akong anak? Hinawakan ako ng matandang babae sa aking kaliwang kamay. Malungkot ang mga mata nito. "Bakit ka bumalik? Sinabi na naming lumayo ka na sa lugar na ito dahil di pa nila nakita ang mukha mo."
"Tama ang iyong ina anak. Paano ka namin ngayon maililigtas? Napakarami nila," sabi sa akin ng matandang lalaki na hinawakan ako sa balikat. Gaya ng kanyang asawa, may bahid na lungkot ang boses nito. "Patawarin mo kami anak, kung ipinanganak ka naming pangit." Aniya. Nakayuko ito at biglang may mga butil na mga luha ang nahulog sa sahig.
Umiiyak ito?
Naikuyom ko ang aking mga kamay. Pati ba naman dito mawawala rin sila sa akin? Malinaw na hindi sila ang mga magulang ko na nasa Earth.
Pero hindi rin ako papayag na mawala sila. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Takot na baka bigla silang maglaho sa aking harapan. "Hindi ko kayo iiwan. Walang iwanan," wika ko.
"Narinig niyo ba iyon mga kasama?! Ang babaeng pala ito ang anak nila!"
"Hindi imposible iyon. Kaya pala di natin nakikita ang kaniyang mukha dahil sagad sa buto ang kapangitan!" Panglalait ng isa sa akin na mas pangit pa ata sa akin. Di ba siya nahiya? Tch.
"Teka- diba siya yung babaeng nabangga natin kanina?" Guy 1. Kulay yellow ang buhok at may itsura. Namumukhaan ko siya. Isa siya sa limang lalaki kanina na may dalang gas!
"Oo nga!" Sang ayon ng apat niyang mga kasama. "Kung alam ko lang, sana doon palang nilibing na natin siya ng buhay!" Dagdag pa nito.
Hindi ba sila kinilabutan sa pinagsasabi nila?! Waaaah! Baliw na talaga sila! Ayaw ko na dito!
Mas lalo pa akong nataranta ng tinapon nila ang gas sa taas ng bubong, sa sahig, at sa amin. Suminyas ang isa na sinindihan na ang sulo at itapon sa bahay.
Napamura ako at mabilis na hinila ang mag asawa papasok sa loob ng bahay. Ni locked ang pinto. "Kailangan nating makalabas sa ibang labasan. Wala ba kayong secret door?" Tanong ko.
Napakusot ng mata ang matandang lalaki at umiyak. Biglang naging parang babae ito.."Huhuhu, di ko aakalaing naging responsable ka ng anak. Pinagmamalaki ka namin," Aniya. Umiyak narin ang asawa nito.
Eh nasa comic ba tayo!? Mag iiyakan nalang ba tayo dito?! Paalala ko lang! Masusunog tayo ng buhay pag di tayo naka gawa ng paraan upang makalabas sa bahay niyo! Gusto ko sana silang sermunan, pero wag nalang.
Sa tingin ko. Nabuhay ako sa katawang ito. Pero sila parin ang naging magulang ko. Umiiyak ito dahil masaya sila. Ayaw ko iyong putulin. Hinayaan ko nalang ang mga ito sa kanilang pag iyak.
Napahawak ako sa ilalim ng aking baba. Pababalik balik sa paglakad. Nag iisip ng solution upang di kami ma barbeque.
"Shit!" Napamura ako ng wala sa oras ng biglang nagliyab ng malaki ang bubong. Nagsimula ng uminit ang buong paligid ng bahay.
Sinapak sapak ko ang noo ko upang makaisip ng plano. Pero blanko. Wala akong maisip!
Napatigil ako ng niyakap ako ng mag asawa. Nakaramdam ako bigla ng kapanatagan sa kanila. "May paraan pa," ang matandang lalaki ang nagsalita. Nginitian nila akong dalawa.
Napangiti narin ako. "Ano po iyon?" Nangingislap kong wika.
![](https://img.wattpad.com/cover/205096292-288-k395302.jpg)
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasiaTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...