INILAPAG niya iyon sa mesa. "Happy eating." Sabi niya ng nakangiti ulit bago umalis.
Anong trip ng sang iyon? Kanina galit, tas naging mabait agad?
Bahala siya sa buhay niya. Kinuha ko ang chopticks at nagsimulang kumain. Naglagay na rin pala ito ng tubig.
Saan kaya ako pupunta pagkatapos kung kumain ngayon? Naalala ko si Toru at ang kapatid nito, baka nag aalala na sila sa bigla kong pagkawala.
Napabuntunghininga ako. Hindi ko naman na alam kung saan ko sila hahanapin at kung papaano ipapaalam sa kanila na okay lang ako.
Na andito na ako sa wakas sa town.
Nakakaloka talaga ang pagpunta ko dito. Ni hindi ko man lang alam kung saan ako magsisimula pagkatapos ko rito.
Nasapo ko ang aking noo. Ni hindi ko man lang natanong sa waiter kung anong lugar ito. Naman oh!
Cloe, ang tanga mo!
TINAWAG ko ang waiter pagkatapos kong kumain, at binayaran lahat ng order.
Kung nagtataka kayo kung saan ko kinuha ang pera sa shadow wallet ko, kunwari may kukunin ako sa aking bulsa pero nag ka cast na pala ako ng spell upang kumuha ng pera sa loob ng shadow.
Paano ko nalaman? Hindi ko rin alam. Mamaya ko na i kukwento ang kabuoan. Bigla nalang kasing na click yung utak ko na parang pinapaalala na ganito ang gagawin ko, kahit ngayon ko palang nagawa ang pag ca-cast ng spell.
"Maraming salamat Miss! Bukod sa maganda kayo ay mabait pa! Sa binigay niyong tip, ay pwede na akong hindi mag trabaho ng isang taon," sabi nito sa akin at yumuko sa akin.
Tumayo ako. "Ano bang ginagawa mo tigilan mo nga yan!" Waah! Ako ang nahihiya sa ginagawa niya, pinagtitinginan na kami ng mga customers at pinagbubulung bulungan.
Pero umakto lang akong cool.
Ganun ba talaga ang halaga ng pera na binigay ko sa kanya? Naglabas lang naman ako ng Limang gintong coins at binigay sa kanya.
Wala akong alam kung magkano ang halaga nun.
"Saan nanggaling ang magandang dilag na yan. Nag disguise ba siya upang hindi malaman na galing siya sa Royal Family?" Guy 1.
"Sa kinikilos niya, kalmado lang ito. Hindi siya natatakot na malaman na naglabas siya sa bulsa ng ganyang halaga." Guy 2.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, kundi siya isang royal, galing siya sa napakayamang angkan. Siguro ang mga butler niya ay nasa tabi tabi lang na nagbabantay sa kanya." Guy 3.
Ano bang pinagbubulung bulungan nila. Kahit isa wala namang nakatama ng sagot.
Isa lang akong hamak na Student na na transport sa lugar na ito noh. "Nilingon ko sila, ano bang pinagsasabi niyo, isa lang naman akong certified wattpader at otaku!" Inis kong wika. Pero proud ako dun sa wattpader at otaku.
Natahimik sila at napangangang nakatingin sa akin. Problema ng mga ito. Anong mali na naman sa sinabi ko. -_-
"Na-narinig niyo ba yun! I-isa daw siyang asassin!"
Bukod sa tanga ako, tanga rin pala sila. Ang sabi ko wattpader at otaku hindi asassin! Bingi ba sila? Aaah! Nakakainis!
Ayun, hindi ko na napigilan, nagulo ko na ang buhok ko. Subalit dahil sa pag gulo ko ng aking buhok, napa atras naman sila.
Talaga lang? Seryoso ba sila?
"Mi-miss!" Tawag ng waiter sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Inilapag niya sa mesa ang limang gintong coins.
Napansin ko na pinagpapawisan ito ng malagkit. "Bakit mo ibinalik sa akin ang pera, bayad ko yan sa kinain ko at tip na rin." Sabi ko ng nagtataka.
Yumuko ito at umiyak. "Binibini! Pakiusap wag mo akong patayin at ang pamilya ko!"
Ano ba ang nangyayariiiiiiii! Bakit mga takot sa mukha ang nakikita ko sa kanila. Dahil ba iyon sa akin?!
Napaatras ako ng isang hakbang ng nakakunot ang noo.
Wala naman na akong ginawang masama ah. Yung iba napalunok pa habang nakatingin sa akin.
Dumating ang may ari ng restaurant, lumuhod ito ng makita ako. Yumuko ito. "Binibini, pagpasensyahan mo na ang inasal ng utusan ko. Hindi kasi namin alam na isa kabilang ka pala sa pamilya ng Otaku na naninirahan sa taas ng bundok ng Korogoro. Wag na sanang dumanak ang dugo sa lugar na ito kung maari." Pagpapaliwanag niya na nanginginig ang buong katawan.
Pati rin siyaaaaaaa?
Aaah! Ano bang pinagsasabi ng matandang ito. Ano ba ang otaku sa paningin nila, bakit takot ang nakikita ko sa kanilang mga mata ng sabihin ko ang salitang otaku.
O baka naman, iba talaga ang ibig sabihin ng salitang Otaku sa mundong ito. -_-
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasiaTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...