CHAPTER 9

750 52 0
                                    

SAGLIT NGA... Bakit parang may kung anong hayop na dumidila sa aking mukha.


Let me think again...namatay na naman ulit ako dahil sa nabulunun ako diba? Nabuhay ba ulit ako? Kalokohan! Panaginip na naman ba itong nararamdaman ko?

Ni hindi na nga ako nag aksayang idilat ang mga matang ito na kasing ganda ng crystal.

Ewan! Ayaw ko ng isipin, na pag dumilat ako ay aasa lang ako sa wala. Subalit may kung anong halimuyak ng bulaklak akong naaamoy. Magaan sa pakiramdam at nakakawala ng pagod.

W-wait lang! Kung may naamoy ako, malamang hindi pa ako patay diba?! Diba?!

"Pica-picachu!" Aniya ng boses na nasa ulohan ko. Picachu? Ash?! Ano to pokemon?!

Dahan dahan kong idinilat ang aking kaliwang mata at nilibot ng tingin ang buong paligid. May mga bulaklak nga na nasa loob ng flower base na nasa gilid ng bintana. Kulay kahel ang mga ito.

"Ahhhh!" Napatili ako bigla at napaupo sa pagkakahiga ng bigla itong tumalon papunta sa akin. Bumungad kasi sa mukha ko ang isang pusa na nagsasalita ng pica-pica chu! May buntot ito na kurteng puso! Hindi pala imahinasyon ang narinig ko kanina.

Really?! Nakakalito! "Eh, wag kang lumapit sa akin," utos ko sa kanya. Akala ko napadpad ako sa pokemon world, hindi pala. Sadyang ganun lang ata talaga ang sinasabi niya.

Kahit sino ay magugulat din naman kung makikitang may ibat ibang kumbinasyon sa kanilang katawan! Ahhh! Nakakaloka na ang mundong ito! Una, ay yung halimaw. Pangalawa, ang pusang ito na kulay grey.

Nalungkot ang mukha nito na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakapa ko ang aking bibig kung nasuot ka parin ba ang mask.

Parang nabulunan ako ng tinik sa lalamunan ng makapa ko ito. Kung sino mang nakakakita sa akin at nagligtas, hindi talaga niya talaga tinanggal ang mask. May respeto ito sa akin kahit hindi niya ako kilala.

"Picha-pichachu..." aniya. Napatingin ako sa mukha niya. Mukhang mabait naman ito. Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha, bago ito nilapitan. Pambihirang mundo ito Goddess Gamiya! Palagi akong na su-surpresa!

"Picha-picha?" Tanong ko sa kanya. Nilapit nito sa akin ang kanyang katawan at naglalambing. Harmless naman pala ata ito. Nakakawa naman. Kinuha ko ito at kinarga saka hinihimas himas ang likuran. Hindi ito pumalag. Pinatong ko ito sa aking hita habang nakaupo.

Nasa loob ako ngayon ng bahay na parang kubo ang style. Maganda ang loob, may kusina, mesa. Yun nga lang ang hinihigaan ko pala ngayon ay mga natutuyong mga damo na sinadyang ginawang higaan.

Anong klaseng tao kaya ang nagligtas sa akin. At ang pusang ito na panay picachu ang pinagsasabi ay baka alaga rin niya.

Cloe, Cloe, Cloe, Iisipin mo pa ba kung anong klaseng tao ito? Niligtas ka niya, malamang ay tao siya. Hindi dapat ako nag iisip ng hindi maganda patungkol sa kanya. Nakakahiya naman kasi!

Eh? Paano kung hihingi ito ng kabayaran sa pagtulong niya sa akin? Wala akong pera. At wala rin akong mamahaling mga gamit na pwedeng ibigay sa kanya.

Pwede bang utangin nalang muna? Baliw na utak! Savior mo, uutangin mo pa?! Binatukan ko ang aking sarili. Hindi naman na ako baliw sa lagay kong ito diba?

May bigla akong naisip at napayakap bigla sa aking katawan. Hindi naman kaya...katawan ko ang habol niya kaya niya ako niligtas? Nagsitayuan tuloy ang balahibo ko sa katawan. Ugh, buhok ba o balahibo? Bahala na nga! Basta yun na yun.

Kung katawan ko lang din naman ang habol niya, eh bakit hinintay niya pa akong magising? Napailing ako at napaayos ng upo. Nabaling ang tingin ko sa pusa na nakapatong sa aking hita. Nakatulog na pala ito. Waaa...ang cute niya! Gusto kong kurutin, pero baka magising ito. Mabait naman pala talaga ang pusang ito. Hindi nangangagat.

"Pusang pica-chu? Cute!"

Nag unat ako ng kaliwang balikat. Bakit ba ang advance kong mag isip? Ni hindi ko nga alam kung babae o lalaki ang nagligtas sa akin.

Ang goal ko na lang ngayon, ay magpasalamat sa ginawang pagtulong niya sa akin. Teka...nasaang lugar na ngaba ako? Nasa bayan? Pero bakit pakiramdam ko hindi?

TRANSPORTED1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon