LAHAT NG plano ko, tila biglang naglaho ng may humawak sa aking balikat, muntik pa akong napasigaw sa pagkabigla, papaanong may kasama ako sa loob, gayong ang alam ko, ako lang ang mag isa.
M-multo ba ito? Subalit hindi ko nagawang magsalita ng takpan agad ng kanyang palad ang aking bibig.
Blanko ang aking isip kung anong kailangan niya sa akin. Pero bakit hindi ako nakaramdam ng takot sa ginawa niya?
Nasa likuran ko ito. Nakayapos ang kaliwang kamay sa aking bewang, samantalang ang isa naman ay nasa bibig ko.
Nyemas! Yung malapad niyang dibdib na alam ko na lalaki sagad ang pagkadikit sa likuran ko.
Ramdam ko ang malambot nitong palad-malambot na palad na nasa aking labi-wait. T-Toru? Imposible naman ata na siya ang nasa likuran ko.
Pero siya lang ang alam ko na may malambot na palad, simula ng mapadpad ako rito sa mundo.
"Limang araw kitang hinanap, andito kalang pala," aniya. Malamig ito at may diin. Yung tipong feeling ko, ako ang nawawala niyang girlfriend. "Nasa batis ka ng mga oras na iyon, pero bigla ka nalang nawala. Bakit hindi ka sumigaw ng tulong ng dukutin ka nila?" Bawat pagbigkas niya ng mga salita tila ba sobra itong nag aalala sa aking pagkawala.
Bakit, tila parang naging matalinghaga ang aking pananalita? 😑
Ang boses na ito…siya ba si-hinawakan ko ang kanyang palad na nakatakip sa aking bibig at tinanggal saka humarap sa kanya, dahil hindi naman na ito tumutol.
"T-toru?" Sabi ko sa kanya ng makita siya. Nginitian niya ako, sabay gulo sa aking buhok, na parang ginawa akong bata. "Ako nga," sagot nito.
Napangiwi ako. Bukod sa may healing magic siya, paano siya nakapasok rito?
Yung suot niya, ganun parin, walang pinagbago. "I-ililigtas mo ba ako dito? At tsaka papano mo ako nakilala?" Takang tanong ko.
Ng mga oras na kasama ko siya noon, natatakpan ng tela ang kalahati kong mukha. Paano?
"Dahil sa amoy ng dugo mo, ikaw lang kasi ang may mabangong amoy ng dugo na nakilala ko, at mas nakakapagtakang sa pagkikita natin ulit, mas naging mas malakas pa ang amoy nito, sigurado kabang...galing ka sa rabbit tribe?" Aniya.
Teka-ano to?! Twilight? Vampire ganern? Bakit dugo ang pinag uusapan namin. At yong dugo ko, kailan pa naging mabango?
Sa katitig niya parang matutunaw na ako. Tinanong niya kung galing ba daw ako sa rabbit tribe. Ano na? Nalaman na ba niya na nagsisinungaling ako.
Inayos ko ang aking boses. "Oo naman."
Napatawa ito ng mahina. Shit! Ang sarap sa pandinig ng pagtawa niya. Isang araw palang kaming magkakilala, tas heto siya, ililigtas ako?!
"Kung ganun...walang prolema. Sasang ayon ang lahat pag sinama kita kung sakali."
Ano daw? Ang bilis naman. Ako si Cenderella tas siya si Prince Charming, pagkatapos niya akong iligtas, we live happily ever after. Kyah!
Ghad! Thank you so much! Please give me a sign kung siya na ba ang Mr. Right ko.
"Sa totoo niyan, isa rin ako sa bibili sana sayo...kasali nila ako sa Auction," pagpapaliwanag niya. Acck! Mali ba ako ng pagkakakilala sa kanya? Pinakita niya sa akin ang card niya na #16. Ang nag price ng 15M kanina?
Muntik pa akong matumba sa aking kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Huhuhu,halang din ba ang kataqan niya sa katawan ng mga babae? Hindi maaari! *sobs silently*
Tinapik niya ang balikat ko bago ito nagpatuloy sa pagsasalita, Ghad no! My future-isang mahinang pitik sa noo ko ang ginawa niya ang nagpa gising sa akin.
"Ang lalim ng iniisip mo Cloe-wag kang mag alala, andito ako upang iligtas ka," aniya. Tinitigan ko siya sa mga mata, wala akong makitang nagsisinungaling siya.
Bakit?
Bakit niya ito ginagawa? Teka-wag niyang sabihin na may gusto siya sa akin?! Tapos hahalikan niya ako, pero paano pala kung hindi siya ang Mr. Right ko?
Paano na? Waah! Nakakalito! Hindi naman siguro ako ma titige kung siya ang hahalik sa akin diba? Ang sabi ni LitLit pag ako ang humalik.
Ibig sabihin lang nun-pag sila ang humalik sa akin, hindi counted. Ugh! Pero paano pala kung counted na din yun dahil pareho lang naman yun na halik. Mamatay na ba ako?
Napayuko ako, ano na?! Waah paano na?! Hinuli nito ang palad ko na ikinatingala ko sa kanyang mukha.
"Silly. Ano bang iniisip mo, sinabi ko na na ililigtas kita. Saka tinutupad ko ang pinapangako ko." Pagkatapos niya iyong sabihin, biglang naging invincible ang katawan namin.
Napatutok ako sa mukha niya, pero agad ko rin itong iniwas ng sa tingin ko ay lilingon ito sa pwesto ko.
Nyemas! Kahit naka sideview ang nilalang na ito, pero ang yummy niya parin! Lahat ng nakikita ko sa kanya puro magaganda. 😍
Bigla niya akong kinabig palapit sa katawan niya. Sa sobrang lapit namin sa isat isa pati paghinga niya naririnig ko na.
Biglang lumakas ang tibok ng aking puso sa ginawa niya. Parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa dibdib ko.
What the F!
Pakiramdam ko lahat ng dugo sa aking katawan ay napunta na sa aking mukha!
BINABASA MO ANG
TRANSPORTED1 (COMPLETED)
FantasyTRANSPORTED 1: SEARCHING MY MR RIGHT IN ANOTHER WORLD My name is Cloe Madrigal. Ang napakamalas na nilalang sa earth na naitala ng secretary ni Goddess ng kamalasan, na namatay dahil nalimutan kong huminga. Then my adventure start here, at first my...