Entering the Tunnel

329 18 27
                                    

The Peculiar Tree

ZAFRINA

"Class dismiss!"

Gaya ng dati ay nagpaiwan lang muna ako sa loob ng classroom kesa makipagunahan sa mga estudyante at makipagsiksikan para lang makalabas.

Masosolo ko pa mamaya ang pinto.

"Hindi ka magla-lunch break?"

Napatalon ako nang may marinig na boses sa aking likuran. Hindi ko siya kilala at hindi pamilyar ang mukha niya.

Sino na nga ba siya?

Hindi ko gaanong binibigyan ng pansin ang klase. Hindi ko rin gaanong pinagtutuunan ng atensyon maging ang professor na nagtuturo sa harap kapag nagkaklase. Halos hindi na ako mag-aral. Alam ko na rin naman lahat ng pinag-aaralan kaya hindi ko na kailangang makinig pa.

Hindi iyon pagmamayabang at hindi ko nga maintindihan kung bakit kahit hindi ako makinig ay alam ko pa rin kung ano ang pinagaaralan namin. Malimit lang din akong magbasa ng libro, ngunit kapag binubuksan ko ang aming libro ay para bang kabisadong-kabisado ko na ito. Kaya ako pa rin ang nangunguna sa klase kahit hindi naman talaga ako nag-aaral.

Hindi ko pinansin ang nagsalita, nanatili lamang akong nakatitig sa bintana gaya ng lagi kong gingawa.

Hindi ko alam kung bakit paborito kong titigan ang matandang puno sa likuran ng building namin. Sakto ring sa banda ko nakatapat ang puno.

"Ang ganda 'no?" dinig kong tanong ng tao sa aking likuran.

Nangunot ang noo ko kaya hinarap ko ito. Nakatitig na rin ito sa puno sa labas. Napakaseryoso ng mukha nito at ang mga mata nito ay tila kumikinang habang tumititig sa puno.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba iyon, pero nakita kong naging kulay green ang mata nito, ngunit isang kisapmata lamang ang itinagal niyon.

Siguro ay nag-reflect lang yung kulay ng puno sa mata niya.

Oo, siguro nga ganon lamang iyon.

Ibinalik ko ang tingin sa kaninang puno. Muli ay nakita ko ang mga tila maliliit na tao sa paligid nito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit araw-araw ay napakainteresante nitong tignan. Pilit ko mang burahin sa isipan ang mga kakaibang bagay na nakikita ay paulit-ulit lamang nitong pinatutunayan na totoo lahat ng iyon.

Naalala ko nang minsan ay itinuro ko ang punong 'yon sa isa sa mga kaklase ko at tinanong kung may kakaiba ba itong napapansin, ngunit wala itong nakitang maliliit na tao sa paligid ng puno.

Ako lang ang nakakakita ng mga 'yon. Ngayon, nangangati akong tanungin sa tao sa aking likuran kung gaya ko ba ay nakikita nito ang mga kakaibang nilalang na tila nagbabantay sa matandang puno.

"Yes. I can see them," he said, out of the blue, tila nababasa nito kung ano ang iniisip ko.

Mas lalong nangunot ang noo ko. How?

"They are the guardians of the one and only way to the other world — that tree," seryoso ito habang sinasabi iyon.

Is he a mind reader or what? Paano niya nagagawa iyon?

"We are all mind readers, Zaf. Kulang ka lang sa konsentrasyon."

"Wait, who the fuck are you?" hindi ko napigilang tanong.

Napatingin ito sa akin. "Stop cursing, Zaf."

Seryoso lamang ako nitong tinitigan. Seriously, para siyang timang.

"Zaf!"

Napalingon ako sa pinto ng classroom. Naroon ang tumawag sakin na si Yohan, ang nag-iisa kong kaibigan.

"Kanina pa kita hinihintay sa ground floor pero hindi ka dumating kaya sinundo na kita. Hay naku!" aniya saka hinila na ako palabas.

Muli kong ibinalik ang tingin sa kaninang kausap ngunit wala na ito sa kinauupuan.

Nasaan na 'yon? Wala akong nakitang taong dumaan sa pinto kanina.

"Sinong hinahanap mo?" si Yohan, nang makita akong palinga-linga na tila may hinahanap.

"N-nothing. Let's go." Ako na ang humila sa kanya palabas ng tuluyan sa aming silid.

Pagkalabas ay nakihalo na kami sa mga estudyanteng nakikipagsiksikan sa cafeteria ng school.

This is what I hate. I hate crowded places, but I have no choice. I don't want to starve myself just because I don't like people.

Hanggang cafeteria ay palinga-linga akong hinahanap ang lalaking kausap ko kanina, ngunit hindi ko na uli ito nakita hanggang natapos ang buong araw na klase.

• • •

"You look bothered, Zaf. Kanina ka pa parang may hinahanap. What is it that's bothering you?" hindi na napigilang tanong ni Yohan.

Well, matagal na akong may hinahanap. At hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang dahilan ko sa mundong ito. Ang drama, ha.

"Nothing, Yohan."

"Lagi mo namang sinasabi iyan e, kahit meron naman talaga," aniya tila nagtatampo.

Bumuntong hininga ako, tumigil sa paglalakad, saka hinarap siya.

"I'm okay, Yohan. You don't need to worry about me. I'm good." I assured him with a smile.

He heaved a sigh. Tumango-tango na lamang ito saka pinagpatuloy namin ang paglalakad.

Tumigil kami sa harap ng bahay nila Yohan. Friday kasi ngayon at kila Yohan ako natutulog tuwing Friday.

Pagkarating namin roon ay may nakaparadang SUV sa harap ng gate. Maging si Yohan ay nagtaka dahil roon.

"Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon ah," ani Yohan.

Pumasok kami sa bahay nila Yohan. Sa sala ay naabutan namin ang Mama at Papa ni Yohan, nakaupo sa sofa kasama ang isang pamilyar na lalaki.

Napatayo ang mga ito nang makita kaming pareho ni Yohan. Agad namang pinaunlakan ni Yohan ang bisita, na tila ba kilalang-kilala na niya ito.

Nanatili sakin ang mga mata ng lalaki, at maging ako ay hindi maalis ang tingin sa kanya na tila ba mawawala ito sa oras na umiwas ako.

"Zig!"

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon