Chapter 6

94 14 16
                                    

Not Welcome

"So you're an immortal, but a mortal raised you. Interesting huh. Can you show us what you can do, Zaf?"

Natigilan ako.

"What do you mean?" tanong ko rito, nangungunot ang noo.

"Your charm, your power, your ability, your element. I'm sure you have one, you're an immortal," sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

I feel attacked. Nainis ako sa tono ng pananalita nitong tila nagyayabang. Hindi ko gusto ang ugali niya.

"I don't know," I answered. Ang mukha ko'y walang ipinapakitang kahit anong emosyon at diretso kong tinitignan ang mga mata nitong sinasalubong din ang titig ko.

"Kass, hindi pa lumalabas ang kapangyarihan niya. Siguro'y dahil mortal ang nagpalaki sa ka- "

"Then how can you be so sure that she's an immortal, and not a traitor huh?" masungit na tanong ng babae.

Inirapan ko ito. Hindi ko gusto ang attitude niya.

"She doesn't even know her power. Paano kung niloloko niya lang kayo, Zig? Malaki na nga ang problema natin tungkol sa mga rebelde ay magpapasok ka pa ng isang outsider dito sa mundo natin."

Kumuyom ang aking kamao. Nagngingitngit ang mga ngipin, tila gustong manakit. I felt the urge to hurt this girl infront me, pero pinigilan ko ang sarili ko. Pangit na nga ang impresyon nila sa akin, baka mas pumangit pa kapag nanakit ako.

"Do you really think we'll let ourselves to be fooled, Kassidy?" matigas na wika ni Zig.

I also felt the irritation in his tone. Tumingin ito sa akin. Hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

"I'm friends with Zaf, Kassidy. Mula sanggol, hanggang ngayon. Don't even think of insulting my best friend," sabi naman ni Yohan na napatingin din sa akin. I can also sense his irritation pero pinanatili nitong kalmado ang sarili.

"Oh." Nagkibit balikat ang tinawag na Kassidy. She rolled her eyes on me. I gave her my emotionless face.

"Uh eh, Zaf, pagpasensyahan mo na itong kaibigan naming gurang. Nagme-meno pause kasi." Isang batok ang natanggap ng lalaking nagsabi niyon, mula kay Kassidy.

Hindi ako umimik. Nanatiling tahimik sa mga sumunod na minuto.

"So, uhm, why don't you introduce yourselves to Zaf, guys," pambabasag ni Yohan sa katahimikan.

Natauhan naman ang mga ito.

Ang lalaking nakatanggap ng pambabatok ni Kassidy ang naunang nagsalita.

He introduced his self as Tyrone Krane, he's an illutionist, and he has a Geokinesis. He can control, manipulate and reshape the earth at will.

"Zendrex Howardson, Ms. Zafrina. I am a Hypnotist, and my element is Air. I can manipulate the air, wind, and gas. I can also teleport using wind currents," a guy in an all white clothes said. He also have a white hair but it didn't make him look old, instead it made him look more innocent.

"Zhaireen Ashyrie Santos. I'm a Charm Stealer. But not totally a stealer. Kaya ko lang i-imitate ang power or element ng isang tao kapag nahawakan ko ang likod nito. Charm imitation dapat pero iyon ang term na ginamit, e. I can also make things float," a pink-haired girl introduced herself. She looks cute, but after hearing her power, hindi ko mapigilang mamangha. She can be destructive. She can imitate someone's ability. Paano na lang kung na-imitate niya ang charm ng pinakamakapangyarihang imortal?

"Keanna Rosaine Cadwell. Nice to meet you, Zaf. I can stop time and I am also a fortune-teller, but like Zhai, not totally a fortune-teller, nakakakita lang ako ng visions sa future pero hindi lagi. My element is fire. I can manipulate, control, and make fire out of my will." Keanna gave me a smile after introducing her self.

I think she's the nicest among the girls in the group. But a beast is also hiding beneath her kindness. Who would've thought that this girl has been playing with fire her whole life?

"You already know me, but only by my nickname. I'm going to formally introduce myself to you. I am Zackrey Ivan Greystone, milady. I am one of the guardians of Verzilania. I can control the Thunder and I can also make my own shield and sword."

So his whole name's Zackrey Ivan Greystone. Hmm, nice name.

"I can read your mind," Zig whispered.

Nanlaki ang mga mata ko. How come he's the only one who can read my mind?

"We are forbidden to read minds here in our world. But except for me to you. Because I have the rights."

"Oh really? You have the right to break in someone's privacy, huh?" panunuya ko rito saka ito inirapan.

"You're not just someone, Zaf," he said before turning his back to me.

Umirap na lamang akong muli saka bumaling na lamang kay Yohan.

"Wait, Yohan, you're my bestfriend but I don't even know your ability," pahabol ko.

"Oo nga 'no. Well, ako lang naman ang pambato ng grupo pagdating sa kapogian," anito na siyang dahilan kung bakit binatukan siya ng tatlong babae.

Bahagya akong natawa.

"Joke lang! Mga brutal! I can make poisonous smokes out of my will. Everything poisonous, naguunder sa ability ko. I can also teleport using my smoke. My mother's a half witch, so basically one-fourth ng dugo ko is a witch's blood. Gumagawa rin ako ng mga potions."

Nagulat ako sa nalaman.

"May lahi kang bruha?" I blurted out.

They all looked at me with a frown on their faces.

Oh, did I used the wrong word?

Ibinalik ko ang kaninang walang emosyon kong mukha.

Sa dorm nila ako namalagi. Dalawang linggo pa raw ang bibilangin bago magpasukan.

Dalawang araw akong nagkulong lamang sa aming dorm habang sila Zig at Yohan naman ay hindi ko alam kung saan nagpupunta.

Ang iba ay hindi ko rin alam kung saan tumutungo. Hindi rin naman sila nagpapaalam at tila may kanya-kanyang lakad ang lahat araw-araw. Ang lagi lamang naiiwan sa dorm ay ako at si Kassidy na tila mailap rin sa mga tao.

-

Ikatlong araw ko dito sa Verzilania. Nasa sala si Kassidy habang ako ay nagkulong lang sa kuwarto ko. Malaki ang dorm dito kumpara sa mga dorms sa Mortala. Bawat isa sa amin ay may tig iisang kuwarto. Para ngang apartment na rin ito.

Lumabas ako ng kuwarto at naabutan si Kassidy na nakahiga sa may sofa. Napadilat ito nang maramdamang nakatitig ako.

Umiwas ako ng tingin saka nagtungo na lamang sa kusina upang kumuha ng tubig.

Pagkahawak ko pa lang sa handle ng ref ay may humarang na niyon. Nilingon ko ang may ari ng kamay na pumigil sa pagbukas ko nito.

"You're not allowed to open that. You do not belong in this group. Do not make yourself feel at home dahil hindi kalauna'y aalis ka rin naman dito. You're weak, at hindi ka kailanman magiging kabilang ng aming grupo. May cafeteria sa baba, doon ka kumuha ng makakain o maiinom," seryoso ang mukha nito habang sinasabi iyon.

Tila tinusok ang puso ko sa narinig, ngunit pinanatili ko ang diretso kong mukha. Hindi na ako umimik pa saka lumabas na lamang upang pumunta sa sinasabi niyang cafeteria.

I will accept it. I am not welcome in this group.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon