Chapter 13

82 9 6
                                    

Battle

"Are you sure about this?" tanong ni Zig.

For the first time, I smiled to assure him that I will be fine.

We will not be using any of our abilities. Ang natural na lakas lamang ang kailangan naming gamitin para labanan ang isa't isa. Isang linggo na rin ang nakalipas, at walang araw na hindi ako sinasanay ni Zig.

Hindi pa rin gumigising si Xeraine.

"She needs to regain her energy. Don't worry, she's all fine now."  Naalala ko ang sabi ng nurse.

Bumuntong hininga na lamang ako. Ayokong may dumagdag pa sa sampung mga taong nilamon ng kadiliman, ayokong may magaya pa kay Xeraine. I'm going to win this fight.

Yes, that's the spirit, Zaf.

Napalingon ako kay Zig. I read his mind again. What is this?

Nasasanay mo na. I am proud of you.

How is this happening?

Don't you know mind link my dear Zaf?

Stop calling me names and using endearments to me, you punk!

Yeah, at naggaling talaga sa'yo.

Okay, malayo ito sa mind link na alam ko. Intentionally mong shine-share ang thought mo kapag mind link. But hey! Ayoko ngang nababasa niya ang nasa isip ko pero nababasa pa rin niya. How's that?

"It's because of our connection," sagot nito.

"Ayan ka nanaman sa connection na yan. I still don't get it. How are we connected? Relatives ba tayo? Kapatid ba kita? Pinsan? Tito? Ha?"

"I am your other half."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Aangal pa sana ako ngunit tinawag na ako ni Yohan. Kailangan ko nang pumili ng armas.

Lumapit ako kay Yohan. May pinindot itong parte ng pader sa kanyang tabi. Umangat kalahating bahagi ng pader sa aking harapan. Bumungad sa akin ang mga iba't ibang uri ng armas. Mangha man sa nakita ay pinanatili ko ang diretsong mukha. Lumapit na ako roon para makapili. Pinili ko ang pinakamadali para sa aking gamitin— espada.

Kinuha ko ang espada. Umilaw iyon nang mahawakan ko. Nang suriin ko ito'y laking gulat ko nang makitang nakaukit na roon ang aking pangalan. Zafrina.

"That's yours now," sabi ni Yohan nang makita ang pagtataka sa aking mukha.

Tumungo na ako sa gitna ng open ground. Linggo ngayon kaya walang masyadong tao, may iilang estudyante ang naroon, nabalitaan ang tungkol sa magaganap na laban.

"Back out now while you still can," ani Kassy.

Ngumisi ako. "Kinakabahan ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang natawa si Kassidy, ngunit hindi tawang natutuwa; tawang naaasar.

"Why would I be? Puwedeng-puwede kong gamitin anytime ang kapangyarihan ko para patumbahin ka," aniya.

Thy KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon